Chapter 1: August 15, 2011

22 0 0
                                                  

August 15, 2011

Pak. Shet. Pakshet. 

Kung may isang salitang mag-dedescribe kung ano ang naganap ngayon araw na 'to, pakshet na yun. Alam kong di yun totoong salita pero wala akong pakialam dahil pakiramdam ko, hindi din totoo ang mga pangyayari. Isang hindi totoong salita para sa hindi totoong pangyayari.  

Pero totoo ang nangyari, kaya siguro gawin narin nating totoo ang salita. Sabihin natin ng sabay-sabay: PAAAAKKKSSSHHEEETT. 

Nine years old pa lang ako nung nagsimula ako magplano ng debut ko. Sabi ko sa sarili ko gusto ko ng debut na sobrang engrande na lahat ng tao sa barangay namin imbitado. Wala akong masyadong kaibigan nun at alam ko na si Mel lang ang pupunta pero wala akong pakialam. Iimbitahan ko silang lahat para masaya. Gumawa ako ng listahan ng nasa 18 candles (mga ninang at tita ko) at ng nasa 18 roses (lahat ng mga kaklase ko na ka-close, mga pinsan ko at si D, malamang). 

Pero pakshet. Isang napakalaking PAKSHET. Nagkatotoo nga. Well, hindi naimbitahan ang buong barangay (kasi sa totoo lang, wala akong pakialam sa kanila) pero napuno naman yung hotel ballroom. Nasunod din yung listahan ko ng 18 candles, except kay tita Chancey kasi ayoko na sya makita ulit. Yung 18 roses ko din, well, medyo nasunod naman. Nalagas yung kalahati kasi di ko na nakakausap yung mga kaklase ko nung grade school. Napalitan naman ng mga kaklase ko nung college kaya okay lang. At malamang sa malamang wala narin si D. 

Dahil pagkatapos ng nangyari, bat ko sya papayagan na isayaw ako. Ayoko na syang makita ulit. Pero aaminin ko na (tutal tayong dalawa lang naman nakakabasa) (huy baliw ka na kinakausap mo sarili mo, KC) umasa ako na dadating sya. Di ko alam kung bakit o kung anong chemical reaction ang naganap, pero naramdaman ko na nasa baba na sya habang nilalagyan ako ng makeup na mas makapal pa sa icing ng cake ko. 

Naalala ko pa kanina habang nilalagyan ako ng lipstick ni ate, pumasok si Mel sa kwarto ko, parang nakakita ng multo. Sinara ang pintuan bigla-bigla at sabi, "wag ka mag-papanic." Malamang dahil sa sinabi nya nag-panic ako. Alam ko yung best friend ko matapang, may pagkapilya at makapal ang mukha (sya na nagsabi) at walang makakapagpakaba sa kanya ng ganyan. Kundi ang isang bagay. 

"Shet. Nandyan si Daniel?" yan ang hula ko. Tumakbo sya papalapit sakin, hinawakan ako sa balikat at inalog ang buong kaluluwa ko. Lumagpas yung lipstick sa bibig ko, nagmukha akong si Joker sa Batman. Sa totoo lang medyo appropriate kasi pakshet, joke ang lahat ng 'to. 

"Oo! Kasama nila ate Beng," sabi nya. Malamang kasama ni ate Beng. Si ate Beng naman ang may kasalanan ng lahat. "Pero kaya mo yan. Kalma ka lang. Nandito ako, nasa baba narin si Jeremy. Bilisan mo na mag-ayos para matapos na ang gabing 'to," sabi nya ulit kasi di na ako nakasagot. Natulala na ata ako.

Niyakap nya ko ng mahigpit at bumaba. Naramdaman ko yung puso ko bumaba kasama nya. As in nasa sahig na. Nang-lamig yung paa ko at namutla din siguro dahil dinagdagan pa ni ate yung blush-on ko.  

Bumaba na ko pagkatapos magbihis. Hindi ko na hinintay yung elevator kasi ang bagal. Actually, hindi ko alam kung bat ako nagmadali kanina dahil ayoko nga makita si Daniel. Ayoko talaga. A-YO-KO. Pero parang oo na hindi. UUUGGHHH. 

Dumating ako sa harap ng ballroom. Naririnig ko yung music sa loob. Cheesy prom music. Sabi ko sa kanila gusto ko ng Jack Johnson o John Mayer para medyo chill naman at hindi nakakaumay. Pero kanina, nung nalaman ko na nandun si Daniel, sana My Chemical Romance na lang. O kaya Korn. O kaya Otep para todo na. 

Bumukas yung pintuan at si Daniel ang una kong nakita. 

First of Summer (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon