Chapter 3: November 15, 2000

9 0 0
                                                  

November 15, 2000

Dear diary,

Pumunta sila tita Chancey dito kanina. Na-excite pa naman ako kasi kasama nya si Irene. Second cousin ko sya. Gusto ko sya maging ka-close para pwede kami maglaro nila Mel ng Polly Pocket. Binili kasi ako ni papa ng Polly Pocket set kasi nasa top 10 ako. Top 8 lang ako pero masaya parin sila kasi Best in Math ako. Tatlo yung Polly Pocket ko tapos pag binasa mo yung buhok mag-iiba yung kulay. Ang galing di ba? Tig-isa na kami ni Mel. Sakin yung yellow yung buhok, sa kanya yung black. Meron pa akong natitira na isa na yellow din yung buhok. Pero di ko kasi gusto yung lipstick nya, masyadong pink. Kaya gusto ko ibigay kay Irene kasi parang di ko sya nakikita na may laruan. Puro libro, kawawa naman.

Bakit kaya tuwing nag-sasalita si tita Chancey palagi nyang sinasabi na ang lusog lusog ko daw. Naiiwanan daw ba ako sa kusina palagi? Di ko alam kung anong masama sa katawan ko. Kaya ba walang nagkakagusto sakin sa school? Halos lahat kay Mel may gusto. Okay lang naman na may crush sila kay Mel kasi di ko naman crush yung mga crush nya.

Tapos sinasabi din nya palagi na ang galing galing ni Irene sa lahat. Magaling daw sya mag-gitara, magaling mag-drawing, top 7 sa klase blah blah. Top 8 din naman ako, konti lang deperensya namin. Hayyy. Sana hindi na sila bumalik dito. Sakin na lang ‘tong Polly Pocket ko. 

P.S. Kakasimula lang ng Pangako Sa’yo. Grabe ang gwapo ni Jericho Rosales! Pero nakakainis yung nanay nya. Si Claudia? Ugh. Para syang tita Chancey!

First of Summer (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon