Chapter 2: June 6, 2008

12 0 0
                                                  

June 6, 2008

Yo diary,

Ang saya ng araw na ‘to! Ten years na kaming mag-kaibigan ni Mel. Akalain mo yun? Di ko alam na pwede pala kami tumagal ng ganun. Sabi nila walang forever pero kami talaga forever. Pumunta kami sa Enchanted Kingdom kanina. First time nya pumunta dun at medyo matagal narin ako di nakapunta kaya excited din ako. Medyo mainit lang ng konti pero okay naman. Favorite naming yung Rio Grande Rapids. Parang sasakay ka sa isang malaking salbabida na may upuan, syempre. Marami kayo sa loob kaya medyo weird lang kasi meron kaming mga hindi kakilala. Pero may isang cute na lalaki dun. Kamukha nya si Sam Milby kaya kilig naman kami ni Mel. Hahaha!

Anyway, yung salbabida nakalutang sya sa parang river. Gumagalaw, umiikot-ikot tapos mababasa ka kasi may mga waves. Minsan matatapat ka pa sa waterfall tapos isang beses tumapat sakin! Medyo napatawa si kuya Sam Milby at medyo nag-selos si Mel kasi trip nya talaga yata si kuya, kaya binasa ko na rin sya. Haha! Medyo naguluhan samin yung mga tao na kasama naming pero enjoy naman. Enjoy din si kuya Sam Milby. Yun lang, hindi kinuha yung number ni Mel kaya iyak na lang sya. Hahaha!

Pagkatapos nun, nagpatuyo kami sa Flying Fiesta. Para syang swing na nakalutang at umiikot-ikot. Medyo nakakatakot nung una kasi may mga tumutunog-tunog habang tumataas yung swing. Akala mo masisira. Kinabahan din si Mel kasi takot sya sa heights. Pero keri naman.

Habang nasa taas kami ng Flying Fiesta, napaisip ako kung pano tumagal yung pagkaka-ibigan naming ng ganito. Ito mga naisip kong dahilan:

1. Lumaki kami ng sabay at para na kaming magkapatid. Nagkakilala kami nung first day of school nung grade 1. Nakakatawa pa kasi ganito nangyari yun. First day of school di ba? Kaya kailangan naming mag-pakilala. Isa-isa kaming nagpakilala. Nung ako na, tumayo ako sa gitna. Medyo kinabahan ako. Di ako sanay magsalita sa harap ng klase eh. Anyway, sabi ko “hi, my name is KC. I am 5 years old.” Haha! Ganyan naman yung basic na pagpapakilala nung grade school di ba? Tapos ito namang si Mel, nagtaas ng kamay. Akala mo recitation. Nagtanong sya, “ano ibig sabihin ng KC?” Sabi ko wala. Tinanong ako nung teacher, “walang ibig sabihin yung “K” at “C” sa pangalan mo?” Sabi ko, “wala po talaga teacher. Favorite lang po ni mama si Sharon Cuneta kaya po KC pinangalan nya sakin.” Tumawa yung buong klase, pati si teacher (bastos na yan). Pero si Mel seryoso lang. May kinuha sya bag nya at tinaas ang notebook nyang may mukha ni Sharon Cuneta. Simula nung araw na yun, palagi na kaming magkasama.

2.  Magkaibigan din mga nanay namin. Sa isang barangay lang kami nakatira at walking distance lang mga bahay namin sa isa’t isa. Palagi akong nasa bahay nila o kaya sya palaging nasa bahay namin. Minsan hinahatid ako ni mama sa bahay nila kaya nagkakilala sila ni tita Baby. Kung hindi siguro sila magkaibigan, baka mahihirapan kami magkaayos ni Mel sa mga away namin dati at hindi na kami magiging ganito ka-close.

3. Never kami nagaway dahil sa isang lalaki. Di ko alam kung bakit pero magkaiba talaga kami ng taste. Mahilig sya sa mga bad boy. As in bad boy kung bad boy. Nung grade 6 kami, nagkaboyfriend sya ng college. Nagpanggap sya na high school student. Medyo mukha naman kasi napaaga puberty nya. Ako, di ko kaya ganun. Gusto ko lang dati nung best friend na lalaki tapos bahala na kung ano mangyayari. Kim Possible lang ang peg. Kaya hanggang ngayon single parin.

So ayun. Confident naman ako na ganito parin kami hanggang sa huli. Kahit magkaasawa pa kami at kahit magkaanak kami, ganito parin. Walang magbabago. Hoes over bros, sabi sa One Tree Hill. Pero sya lang yung ho. Haha! Jokez. 

Anyway, kailangan ko na matulog. First day of college na bukas! Nakakatakot lang ng konti kasi first time namin ni Mel na hindi magkasama sa first day of school. Tingnan natin kung ano mangyayari.

P.S. Teka. Nagka-gusto kami sa isang lalaki ng sabay. Pinipilit ko na burahin sa isip ko si he-who-shall-not-be-mentioned-ever-again pero dahil sa listahan na ‘to (!!!) naisip ko na naman. UUUGGHHH.

First of Summer (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon