Chapter 14

178 11 1
                                    

Chapter 14

"Potangina! Marupok ka!" Agad kong nailayo sa aking tenga ang aking cellphone sa sigaw ni Belle.

Napanguso ako bago muling binalik ang cellphone sa aking tenga. Bumangon ako sa pagkahiga sa kama at naupo nalang.

I called her and told her everything that happened today. And yes, malutong na mura ang nakuha ko sa kaniya. How sweet.

"I know! Kailangan talagang ipagsigawan ha?" sabi ko.

"Jusmeyo, Elaine! Kung nandiyan pa lang ako, kanina pa kita sinabunotan sa katangahan at karupokan mong animal ka!"

"Wow, ang supportive mo naman po. I really feel your love and support," sarkastikong ani ko sabay irap.

"Kung sana libre lang ang tissue, okay lang sanang umiyak ka magdamag sa katangahan mo. Pero hindi eh." Humalakhak siya.

"Bwesit ka Belinda," nakangusong sabi ko.

"Okay, seryoso na. Are you sure about your decision, Elaine?" may pagaalalang tanong niya.

Bumuntong hininga ako. "When it comes to Zeiger, I'm always sure, Belle."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. "Are you happy?"

Natigilan ako. Hinawakan ko ang dibdib sa banda ng aking puso. Pinakiramdaman ko ito, pinakinggan ang tibok nito. Am I happy? I bit my lower lip as a smile appeared on my lips.

Yes. Yes, I am. I'm happy. And I'll do everything for Zeiger, willingly. Always.

"Yes, Belle. Masaya ako. Masayang masaya," nakangiting saad ko kasabay ng pagtulo ng luha sa sobrang saya.

"I can't do anything to change your mind, right? I can't do anything because you're happy. And that's the only thing I want for you, Elaine. For you to be happy with him," she said as I heard her sniffed from the other line.

Natameme ako. Mas lalong nagsituloan ang luha at lumawak ang ngiti ko sa narinig mula kay Belle.

"Thank you, Belle," I said breathyly.

"Duh? I'm your best friend, buang! Syempre gusto kong maging masaya ka at walang manakit  sayo. Gusto ko, ako lang ang mananakit sayo. Humanda ka sa amin pagbalik mo," pagbabanta niya.

Natawa ako at humalakhak naman siya.

"Sa Sabado uwi niyo, diba?"

"Oo. By the way, nandito sa Palawan si Kenji. I'm not sure kung saan nga lang siya nagi-stay ngayon. Di ko natanong." Napakunot ang noo ko nang makarinig ng kalabog na parang may nahulog at ang pagmumura ni Belle sa kabilang linya.

"Hey, Belle. What happened? Nahulog ka ba sa kama?" natatawang tanong ko.

"Tseh! Ano'ng ginagawa ng bakla'ng iyan diyan?! Hindi man lang nag-aya, aba!"

"Ewan ko. Basta may chismis ako pagbalik ko diyan, Belinda." I chuckled.

"Uy, chismis! Gusto ko yan! Tungkol kay who ba?"

"Kenji," sagot ko sabay hikab.

"Umuwi ka na, now na!" Tinawanan ko nalang siya.

The Replacement WifeWhere stories live. Discover now