Chapter 9

1 1 0
                                    

Days have past, things started to change. Dexter became more quiet to the point that he will not speak unless I'm the first one to talk. Minsan ay normal lang ang kinikilos niya, madalas tahimik. Madalas na siya mag turtle neck sweaters and jackets. At lagi ko rin nakikita ang pagod sa mata niya. It's really concerning.

I asked him many times kung anong nangyari, pero ang sinasagot lang niya sa akin ay laging wala o kaya iniiba ang usapan. 

Days before our research defense, nasa library kami ng grupo ko na ako ang tumatayong leader dahil sabi nila, ako lang daw ang matalino sa amin, which I strongly disagreed.

Tumawag si Dexter sa akin. Tinignan ko 'yong kagrupo kong seryosong nag-uusap bago sagutin ang tawag at pabulong na nagsalita. 

"Hello?"

"Sweetmate!"

Agad akong napangiti nang marinig ang masigla niyang boses. "Yes, sweetmate?"

"Hazel!" mahina akong tumawa nang mahalata ko ang gulat sa boses niya. "Aatakihin ako sa puso dahil sa'yo!"

Narinig ko 'yong mga busina ng kotse at maingay na boses ng mga tao sa paligid. Parang nasa gilid siya ng kalsada.

"What? Ikaw lang ba puwede gumamit ng sweetmate?" nakita kong tumingin sa akin 'yong isa kong kagrupo kaya mas hininaan ko pa boses ko.

"Uh, oo? Kinikilabutan ako kapag ikaw gumagamit," tumigil siya saglit. "Bumili nga pala ako ng materials sa isa pang miniature house. 'Yong may semento na."

Bahagya akong napanganga at bumilis ang tibok ng puso. Ramdam ko ang init na kumakalat sa dibdib ko papunta sa iba't ibang bahagi ng katawan. Lumunok ako bago sumagot.

"T-talaga?" I fiddled with my jacket. "Thank you."

"Oh, 'wag ka kiligin!" rinig ko ang tawa niya sa kabilang linya. "Hintayin kita sa gate ng school. Malapit na ako." 

"Okay," I looked at my watch. "We'll be done at five. See you, sweetmate."

Binaba ko na ang tawag at narinig ko pa siyang tinawag pangalan ko. Sinabi ko sa grupo ko na bilisan na namin ang paggawa para makauwi na. Inasar pa nila ako na may date kami ni Dexter na tinawanan ko lang at pasimpleng tinatanggi.

Pagkarating sa gate, dumiretso ako sa waiting shed sa tabi ng school pero wala pa rin si Dexter. It's been thirty minutes since he called, dapat nandito na siya.

Naupo ako katabi ng iba pang estudyante at nilabas ang phone. I texted Dexter. 

Hazel
Saan ka na?

I waited. I still waited hanggang umalis na lahat ng estudyante na kasama ko at hindi pa rin siya dumarating. Saan na ba 'yon? It's already six in the evening, isang oras na akong naghihintay.

For sure pagagalitan na ako pagkauwi, but I don't care. I know Dexter. If something came up he would straight away call me or text me that he won't make it. He won't leave me hanging like this. Something happened. I'm sure about that. 

Namawis ang kamay ko kasabay ng bahagya nitong panginginig. No. Tatawagan ko na sana siya nang may tumawag sa akin na unknown number. Nag-alinlangan akong sagutin 'yong tawag. The moment I answered the call, I was welcomed with someone sobbing. Kumunot ang noo ko. 

"Hello? Who's this?"

"Hazel?" hindi ako sumagot. "T-This is Dexter's sister."

"Bakit po?"

"Si Dexter..." patuloy ang hikbi sa kabilang linya. "Nasa Guerrero Hospital kami..."

The Bucket ListWhere stories live. Discover now