Chapter 7

1 1 0
                                    

"Stop talking to Dexter. He's a bad influence."

Agad kong tinignan si Papa na binabasa pa rin ang papel na hawak niya. Ramdam ko 'yong saglit na pagtigil ng puso ko at pag-init ng pisngi. 

"P-Po?"

It's as if my mind stopped functioning. I clenched my fists to the point that they're shaking on top of my legs. Huminga ako nang malalim at pinakawalan iyon nang dahan-dahan. 

"H-He's not a bad influence, Pa."

Nag-angat ng tingin sa akin si Papa. Sa likod ng salamin niya sa mata, hindi ko siya makitaan ng kahit anong ekspresyon. All my life, he didn't even looked at me with love in his eyes.

"Tuwing seven ka na lagi umuuwi. For what? Sing in the karaoke? Learning how to skateboard? Shooting pellet using those toy guns? And you went to MOA with him just to skate? My god, Hazel. You're not like that before."

"Pero—"

"At napakarami niyo pang ginagawa. Hindi na sana ako makikialam pero—"

"Pa—"

"—you scored forty over fifty in a test."

"I'm still the highest—"

"Forty-seven is still acceptable, but forty? You always ace your test, ano nangyari?"

Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko matiis na tignan si Papa.

"Tigilan mo 'yan, Hazel. Simula bukas, kailangan alas dos nasa bahay ka na. Tatanungin ko si Ate Yna kung—"

Hindi ko na hinintay na matapos si Papa at nagsimula na akong maglakad palabas sa study room.

"Hazel!"

Malakas kong sinara 'yong pinto at nakayukong bumalik sa kuwarto ko habang pinapahid ang mga luha ko. I locked the door and dove in my bed, burying my face in my pillow.

Stop talking to Dexter? My day wont be complete without him calling me sweetmate, 'yong mga pagkalabit niya sa akin tuwing discussion dahil gusto niya lang, pati na rin 'yong takot at nandidiring tingin na ginagawa niya tuwing Pre-Cal ang pinag-uusapan.

He's the reason why I have enough energy to push myself to wake up in the morning. Siya ang dahilan kung bakit gusto ko na pumasok araw-araw. Si Dexter ang dahilan kung bakit nagbalik 'yong malawak kong ngiti sa labi na nawala noong inabala ko ang sarili sa pag-a-aral.

Masamang impluwensya ba 'yong tao na tinuruan kang huminga saglit? 'Yong tinuruan ka na gawin ang mga bagay na gusto mong gawin?

Pinunasan ko ang luha ko nang tumunog 'yong phone ko sa ibabaw ng study table. Tumayo ako at kinuha ito para tignan kung anong notification. Si Dexter.

Dexter
Hi, switmeyt
Kagigising ko lang at
nanaginip ako
Aaand nandon ka 😆
Iniisip mo ako 'no?

Hindi ko mapigilan na matawa sa sinabi niya. Baliw talaga.

Hazel
I'm thinking of ways
on how to unfriend you

Dexter
Bad 'yaaaaan
Pero seryoso na
Sa panaginip ko umiiyak ka
Pakiramdam ko totoo

Hazel
Soo??

Dexter
Kung totoo
Punasan mo luha mo,
humiga ka sa kama at
tumingin sa itaas

Hazel
Then?

Dexter
Then think of me 😆

A smile escaped in my lips and I dropped my phone to my side. Umayos ako ng higa at tumingin sa itaas, thinking about the things Dexter and I did for the past few weeks. 

The Bucket ListNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ