Chapter 1

3 1 0
                                    

2013

Pagkapasok sa room, nilapag ko 'yung bag ko sa katabing upuan. Panigurado na hindi nanaman papasok katabi ko kaya dalawang upuan na ang sakop ko.

I was just about to have an advance reading for today's lesson when my groupmate from second subject immediately went beside me.

"Hazel, Hazel," sabi niya na parang natataranta.

Tumaas dalawang kilay ko. "Bakit?"

"Ikaw daw mag-report mamaya sa group natin. Ayaw sana ni Christian pero walang iba na puwede sa'tin kasi absent siya. Kaya mo ba?"

Kaya mo ba? Humigpit ang hawak ko sa libro na nasa ilalim ng desk habang pinilit ang sarili kong ngumiti.

"Yeah, sure."

"Puwede natin isama si Hanna kung nahihiya ka, pero—"

"No, no, I can manage."

After I said that, my groupmate walked away, looking relieved, and I was left with my own thoughts. Kaya mo ba? I rolled my eyes and picked up my binder to read my report for the second subject.

The sixth and last subject for the day came, and the professor said that we would have a play. I have always hated acting. Kaya hindi ko na lang sila inistorbo noong pinag-uusapan nila 'yung tungkol sa play.

"Sino gaganap na bida natin?" sabi ng isa kong ka-group.

"Sino pa ba walang role?" pantawag pansin ng leader namin at tinignan kami isa-isa.

"Ako," sabi ko at medyo tinaas ang kamay.

"Sige, ikaw na lang 'yung bida. Kaya mo ba?"

Kaya mo ba? What's with them and that question? Is doubting my capabilities their hobby for the day? I tried to not show my irritation, lalo na at nakatingin sila sa akin at hinihintay sagot ko.

"Yeah," I balled my fist that's hidden in my skirt. "I think I can—"

"Wait! 'Wag na lang siya."

Lahat ng ka-group ko, kasama ako, napa-tingin sa babaeng kinaiinisan ng karamihan sa klase, si Vanessa.

"Bakit naman?"

"'Yung bida kailangan umiyak. Kaya ba niya? Wala nga siyang emosyon, eh."

I acted like it was nothing, ignored their judging stares, and thought of something else, pero hanggang sa naglalakad na ako pauwi, 'yon pa rin ang nasa isip ko. Gano'n ba talaga tingin nila sa akin?

Talino lang mayro'n at hindi kaya gumawa ng kahit anong bagay?

Nginitian ko na lang si Ate Yna, ang mayordoma namin, pati na rin 'yung tatlo niyang kasama pagkauwi ko. Umakyat na ako sa kuwarto at nagbihis ng pambahay bago ilabas ang binder sa bag.

Before studying my ass off for the next hours, binuklat ko 'yung binder sa pinakahuling filler. I traced my fingers along the hundreds of numbers with short sentences beside them. My bucket list.

I stopped at number eighty, be a leader of a winning team.

Marami pang mga bagay na nakasulat dito na matagal ko nang gusto gawin. Some are hard to fulfill, may iba na simple lang pero hindi ko magawa-gawa.

Kaya mo ba?

Oo, pero hindi ko alam kung paano.

The Bucket ListWhere stories live. Discover now