MFBF: Sixty-seven

Start from the beginning
                                    

Agad kaming umalis nang cafeteria at iniwan sila Iris. Patuloy lang kami sa paglalakad nang walang kibuan at huminto sa isang kwarto

Teka eto yung sinasabi ni Xynon na kwarto kung san nya ako nakitang dinala ni Shawn nung balak nya ko kidnapin ah!

"An-anong gusto mong pagusapan?"tanong ko agad,kita ko naman uli ang malalim na pagbuga nya nang hangin. At base sa itsura nya mukhang nagaalinlangan pa syang sabihin ang gusto nyang sabihin

"Alam ko ang nangyari"sagot nya,agad naman akong napalunok at the same time nagtaka

"Pero hindi yun ang mahalaga..."hinawakan nya ang kamay ko bago muling nagsalita "Lex...binilin ka sakin nang kuya mo bago sya umalis,at tungkulin ko bilang kaibigan mo at kaibigan nya na tuparin Yun..."

"Teka teka! Anong ibig mong sabihin?? Dati pa lang alam mo na pala?? Magkaibigan na tayo since highschool pero wala kang sinabi?!"biglang tumaas ang boses ko sa pagkainis

Sana man lang kasi sinabi nya diba?? Di sana hindi ako nahihirapang mag adjust ngayon! Kahit sila kuya! Sana man lang nagbigay sila nang clue hindi yung sa lahat na lang pinaglilihiman nila ako!



"Makinig ka muna Lex! Alam nang kuya mo lahat,mula nang mawala ka ako ang nagbabalita sa kanya nang nangyayari sayo. Ginawa ko lahat wag ka lang mawala sa paningin ko...pero kasi Lex hindi na ko sangayon ngayon sa mga plano nya..."

"At ano naman sa tingin mo ang magagawa ko Aber?? Ni hindi ko nga sya kilala eh! Siguro kung nung una pa lang nagsabi na kayo ehdi sana nabalik na lahat nang memorya ko!"sumbat ko pa

"Wala akong nagawa okay?? Gusto kong sabihin sayo! Naiilang ako sa tuwing tatawagin kitang Lez pero kasi naman! May mga matang bakabantay sayo,sakin! At hangga't maaari mas mabuti pang wala kang alam. Simula nang bumalik ang ala ala mo mas lalong nagiging delikado ang buhay mo at nang taong nasa paligid mo!"

"Eh ano bang gusto mong gawin ko ha?? Hanapin Ang kuya kong hindi ko alam kung saang lupalop na nang mundo nagtago? tapos ano?!"

Napabuntong hininga pa sya uli "Gusto kong kumbinsihin mo ang kuya mo na itigil na ang pakikipagsabwatan kay Don Hilberyo---"

"Pero pano nga?! Hindi ko kilala Ang kuya ko at kung nasan sya?? At malay ko naman jan sa Don Don na yan!"

"Si Shawn"agad akong natigilan sa sinasabi nya "Si Shawn Ang kuya mo Lex...at parehong nasa peligro ang buhay nyo,lalo ka na kung patuloy syang papanig sa maling kampo"

"Si Shawn?? Imposible! Kung sya ang kuya ko sasabihin nya yun agad sakin"sagot ko naman

"Mamaya,sasama ako pauwi sainyo. Dun ko ipapaliwanag ang lahat...pero pakiusap Lex,wag kang magalit sakin...Hindi ko gustong maglihim sayo"saad nya saka agad akong niyakap, nakaramdam ako nang unti unting pagsakit nang ulo ko sa mga bagong impormasyong nalaman,pero sa huli niyakap ko pa din sya pabalik kasabay nang pagtulo nang luha ko





* * * Flashback * * *

"Katigasan talaga nang ulo mo!"saway sakin ni kuya saka binigyan pa ko nang batok,inis ko naman syang tinignan

"Oh ba't ganyan mukha mo?" Agad na nagliwanag ang mata ko nang makita si Katelyn,agad naman syang tumayo para salubungin kami

"Waaaaaaaa!! Lyn!"tawag ko saka agad syang niyakap

"Mag ate ka sabi eh! Hindi ka talaga marunong gumalang"saway pa ni kuya pero inirapan ko lang sya

"Para talaga kayong aso't pusa ano nanaman bang pinag awayan nyo?"tanong nya pa

"Eh pano yang bruhang yan tumakas nanaman,eh pano kung nahulog sya saka nabalian?eh di ako naman ang lagot"inis na sumbong agad ni kuya saka padabog na umupo sa sofa

"Makinig ka sa kuya mo Lex,para din naman yan sayo eh"sermon nya din sakin, napacross arms naman ako sa inis

Pinagtutulungan nila ako eh!

"Sus! Sinasabi mo lang yan kasi may gusto ka kay kuya eh!"tukso ko,Kita ko namang namula sya saka napailing

"Hoy bruha manahimik ka nga jan! Jan ka magaling eh,sa kalokohan yung project mo hindi mo pa ginagawa"baling naman ni kuya



* * * * *




"Pst!"sitsit ko kay Shawn

Kasalukuyan akong gumagawa nang project sa kwarto namin,habang busy naman sa pagse cellphone Ang magaling kong kuya

"Oh?"tanong nya

"Ano spelling nang pangalan mo?"tanong ko,kita ko namang tinaasan nya ko nang isang kilay

"Hindi ka talaga marunong gumalang no? Ang tanda mo na hindi mo pa din alam spelling nang pangalan ko na kuya mo mismo"

"Excuse me 6 pa lang ako nuh! Ikaw ang matanda na,saka Ang hirap kaya nang pangalan mo,oh!"sagot ko saka binigay sa kanya yung drawing ko

Sabi kasi ni teacher idrawing daw namin ang family members namin,parang family picture kumbaga

Kita ko namang napatakip sya nang bibig para pigilan ang tawa, agad naman akong nagbibigay nang matalim na tingin

"Pft---S.h.a.w.n ang spelling nang Shawn ko hindi S.h.o.n, pangit na nga nang drawing mo mali mali pa spelling"kantyaw nya, padabog ko namang kinuha ang project ko

"Hindi pangit ang drawing ko! Ikaw ang panget..saka ba't ba kasi Shawn ang gusto mong itawag sayo ang corny kaya"reklamo ko pa

"Eh anong gusto mo? Zion? Di mas lalong corny!"


"Sa totoo lang mas maganda nga yung Zion kahit ang hirap espelingin, mas gwapo daw pakinggan sabi ni Lyn"pamboboyo ko, pansin ko namang napailing sya


"Puro ka kalokohan"sagot nya na Lang,agad naman akong bumaba nang upuan saka lumapit sa kanya at nagdive sa kama nya

"Bakit?ayaw mo ba kay Lyn? Maganda naman sya ah, malas lang kasi panget ka bleeehhh!---aray!"agad nya kong binatukan

"Sira ka talaga,mag ate ka nga mas matanda sya sayo. Saka isa pa bata pa kami,lalo ka na. Kaya tigilan mo na yan, tapusin mo na yang assignment mo"

"Pero ayaw mo ba kay ate Lyn?"tanong ko,kita ko pang napakamot sya sa ulo nya

"Gusto! Pero malayo ang agwat namin"

* * * End of flashback * * *

Agad akong nagpunas nang luha saka lumayo sa pagkakayakap kay Kate.



Teka! 6 pa lang ako nun habang 11 naman si Shawn,two years ang agwat namin ni Kate kaya ibig sabihin 8 pa lang sya nun!Teka edi diba dapat nasa mga 2nd o 3rd year college na sya ngayon?

Isinantabi ko muna ang tanong at agad na napangiti sa naalala

"May alam din ako tungkol sayo"saad ko saka binigyan sya nang nakakalokong ngiti,bakas naman ang pagtataka sa mukha nya

"Ano naman Yun?"natatawa nyang tanong,agad akong lumapit sa kanya saka bumulong

"Sa totoo lang...gusto ka din naman nya,natotorpe lang"sagot ko pero napakunot lang sya dahilan para napangiti ako lalo














_________________________________

Pft hahahahaha ano ship na ba yan?hahahahah!

Sorry ngayon lang uli,busy sa module eh dami pang PT tas ang hina nang net hehehe. Sorry din sa lame update,bawi na lang sa next few chaps love love💕

My Five Boy Friends: Season 2 (Complete)Where stories live. Discover now