Ikalawang Kabanata: Bahagi III

Começar do início
                                    


" Hindi ko sukat akalain na hindi mo talaga kalooban ang suwayin ako kundi sadyang napili ka lamang ng Anitu ng mga Mangga. Patawad aking anak kung hindi ako naglaan ng oras upang mapakinggan ang tunay na nangyayari" Tumayo siya para yakapin ako pero tumanggi na agad ako bago pa siya makalapit.


"Ehehehe ayos lang Itay. Huwag mo nang isipin yun chill na tayo" sagot ko sabay thumbs up. Iginawi ko ang tingin ko sa kuya ni Hiraya na si Calag. Hindi siya kumbinsido sa mga pinagsasabi ko.


"Sa tingin ko ay mas maigi na magpatawag tayo ng Katalonan upang kumpirmahin ang sinasabi ni Hiraya"


Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang suhestyon ni Calag. Putek sinasabi ko na nga ba eh, ang lalakeng ito ang utak ng pamilya. Hindi na rin ako magugulat kung siya talaga ang may pakana na ipakasal yung kapatid niya eh.


Shet, shet, pano kung hindi ako sang-ayunan ng Katalonan? Ano nang mangyayari sa akin? Kailangan kong mag-isip ng malupit na palusot ASAP.


"Tama ba na abalahin natin ang mga butihing Katalonan gayong oras ng tanghalian?" saad ko.


Nginitian ako ni Calag at I swear grabe napaka-angelic ng smile niya pero nakaramdam ako ng matinding kilabot.


"Hiraya, huwag mo nang alalahanin ang kapakanan ng nag-iisang katalonan sa balangay sapagkat nasa kabilang silid lamang siya nananghalian" saad niya sa malumanay na boses.


Mula sa gilid ng aking paningin ay nakita ko si Ilay na nagmamadali upang sunduin ang Katalonan. Nanghina ako mula sa aking kinauupuan pero ginawa ko ang best ko na imaintain ang ngiti ko.


PUTANG-INA.


Alam ng Diyos na hindi ako palamurang tao pero putang ina siguro kahit naman sino sa sitwasyon ko mapapamura. Kung nahuli akong nagsisinungaling puputulan ako ng paa ng sarili kong tatay. Paano kung hindi free trial ang pamamalagi ko sa katawan ni Hiraya? Paano kung lifetime subscription na ito?


Parang hindi ko yata kakayanin na maputulan ako ng paa at maging housewife sa loob ng isang kubo at uubusin ko ang buhay ko na parang display. Mas maganda nalang na mamatay ako kung ganoon.


"Calag! Alam mo namang kaya lang ako gumagawi palagi sa inyo tuwing tanghalian ay dahil nais kong matulog sa silid mong kaybuti ng simoy ng hangin, sa anong kadahilanan at ako'y iyong ginising?"


Natigil ako sa aking pag-iisip at tumingin sa bagong dating na tao sa tanghalian. Nagtama ang aming mata at nakaramdam ako ng kakaibang kilabot. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naramdaman ko kasi logically speaking walang nakakatakot sa kanya.


Nakasuot lang siya ng normal na tapis at saya na pang-itaas. Oo ang kanyang kwintas ay tila likha sa mga kakaibang bato pero hindi ako dapat matakot dahil ang babaeng nasa harap ko ang isa na ata sa pinakamagandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko.

Paham-DayangOnde as histórias ganham vida. Descobre agora