"Why are you with them?" He asked.

"I work with them." Sagot ko at nagsimulang maglakad. Ramdam ko ang pagsunod ni Raj sa akin. "Can you please stay?" Tanong niya. Pumikit ako ng mariin at hinarap siya.

"Seryoso Raj? Seryoso ka?" Naiiritang tanong ko. Para saan pa? If I was the old Gotica. Maybe I would probably stay.

"Please." He said again. Parang nadudurog ang puso ko sa kanya. Napatitig ako sa magandang at makapal na pilik mata niya. Mas lalo siyang gumwapo at perpektong perpekto ang hugis ng panga niya lalo na pag umiigting ito.

Umiling ako. "We're not the same anymore, Raj. And about your question, yes! You lose me." Tumalikod ako dahil alam kong labas sa ilong ang mga binatawan kong salita. It was harsh but that's the right thing to do. Besides, may girlfriend siya.

Ayoko ng gulo. Ayoko ng distraction sa gusto kong marating ko. And honestly, Raj is not good for me. Ayoko ng maging option niya. Pagod na akong maging pangalawa at sekreto niya. I hate him when he is acting like he got something for me. At ako naman si tanga, maniniwala at aasa.

"I will pick you later. We'll talk." He said. Gustong gusto kong magmura. Ano ba pinaglalaban niya?

"Be my guest!" Sigaw ko sabay pasok ng sasakyan nila sir Brent.

The whole trip was quiet. Wala ni isa sa kanila ang nagtanong. Their silence somehow gave me peace. Tahimik akong umiyak sa loob ng sasakyan at hinayaan lang ako ng kambal.

"Holy hell." Gulat na gulat na salita ni  sir Brent ng magkwento ako sa kanila. Tahimik lang si sir Anton na nakatingin sa akin habang nagsasalita ako. Hindi na kami bumalik sa opisina. I don't know exactly where we are now. Ang alam ko lang ay nagkakape kami sa Starbucks.

"So you mean may anak kayo?at hindi niya alam?" Humigop ng kape si sir Brent. "How's that possible? Hindi kita nakita eversince." Tanog niya.

"I was his secret." Sagot ko. May mga bagay ako na hindi na sinabi. I don't want Raj to look like the villain. Ginusto ko din naman iyon.

Panay ang salita ni sir Anton ng galit. Somehow naintindihan ko na ang kwento nila sa hapyaw na kwento ni sir Anton.

Bree loves him but she can't leave Raj because of mercy and pity. Hindi ko alam pero imbes na matuwa ako ay awa ang naramdaman ko kay Raj. Alam na alam ko ang pakiramdam ng option ka lang. Pangalawa. Palagi kang insecure sa una. Sa priority. At higit sa lahat, palagi kang nababaliwala.

But then, like I've said. Choice naman natin yan. Why do we need to get angry and blame those who hurt us when in the first place, hindi naman nila tayo masasaktan kung hindi natin sila hinayaan saktan tayo.

"Don't tell him na may anak kayo." Salita ni sir Anton. Napatingin ako sa kanya na takang taka.

"Dude.. it will be easy for you if she say so. You know.. may rason na si Bree to leave him." Sagot ni Brent. Umigting ang panga ni Anton.

"Let him figure it out. If he really cares for Gotica, he will figure it out. And let Gotica decide. I won't use this against Raj. Let them be. I respect Gotica and Bree. Besides this is their story. I will never ever involve an innocent child just to get Bree. Raj, eventually will do that for me." Mahabang salita ni sir Anton sabay lagok ng kape na iniinom niya. Para bang siguradong sigurado siya sa mangyayare.

Talagang nagtalo pa silang dalawa sa situation ngaun. Wala naman talaga akong plano na makilala ni Raj si Riley. I know that's impossible pero hangga't kaya ko ay hindi ko na sana iyon gagawin.

Pero naglalaro nga ang tadhana. Ipinasok ulit ako sa mundo niya. Kung alam ko lang that Ibanez was related to Raj, hindi ko na ito tinaggap sana.

"You can go home. See you on Wednesday then." Salita ni sir Brent. Tumango ako sa kanya. Tomorrow is Tuesday and I have my online class.

Ginulo ni sir Anton ang buhok ko kaya napanguso ako. "Relax.. we got you." Seryosong salita niya. "And sorry for the trouble.."

Ngumiti ako sa kanya ng tipid at tumango. Salamat din that he is mature enough and kept my secret. Sa takot ko kanina na baka sabihin niya iyon ay nagkita tuloy kami ni Raj.

It's better na makita ako ni Raj kaysa malaman niya ang sekreto ko. Inaya pa nila ako na isabay o ihatid sa condo ko na provided nila. Tumanggi ako dahil gusto ko pang mapag isa. Besides, the condo is near to their building so okay na din iyon. I can also get Alice car.

Humigop ako ng kape at kinuha ang phone. I will call Riley.

"Hello, mama!" Bungad ng anak. Ang bigat ng pakiramdam ko kanina ay napalitan ng saya.

"How was your day anak?" Tanong ko.

Nagkwento ng nagkwento si Riley tungkol sa mga designs niya at kung ano ang kinain niya maghapon.

"Okay, papakabait ka. And pray before you sleep. See you soon anak. Imissyou."

"You too mama. I want you to enjoy there. Don't worry about me. I miss you. Yabyu mama."

Kumikirot ang puso ko kapag ganyan magsalita si Riley. He is growing too fast at wala akong magawa. Natatakot ako that anytime soon ay iwan niya ako.

"I love you more." Sagot ko sabay baba ng tawag.

"May boyfriend kana?" Halos mabuga ko ang kape ko ng biglang lumitaw si Raj at umupo sa bakanteng upuan sa tapat ko. Kumunot ang noo kong napatingin sa kanya.

"Baket? So what kung may boyfriend ako?" Salita ko. Kahit pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa dibdib ko sa sobrang kaba. "Baket nandito ka? At bakit mo alam na nadito ako?" Sunod sunod na tanong niya.

He was looking at me intently. Para bang may sinusuri sa akin. Ngumisi siya at humigop din sa kape na dala niya.

"I have ways, Gotica." Malamig niyang sinabi. Tumaas ang kilay ko sa kanya. Umiwas ako ng tingin coz' I can't take the volume of his intense stare.

Huminga ako ng malalim. "What do you want, Raj?" Tanong ko. Humigop ulit ng kape si Raj at umigting ang panga.

"You've been gone for so long. Tapos yan ang bungad mo sa akin?" He said.

"What do want me to say then? Kamusta kana Raj? Miss na miss kita. Ganon ba Raj?" I said mockingly.

Ngumisi ulit si Raj kaya lalo akong nairita." Bakit hindi ka nagparamdam nung umalis ka? Why you didn't wait for me?" He said. Tunog galit ang boses niya. Talagang siya pa ang nagagalit?

"My God Raj!" Ginulo ko pa ang buhok ko out of frustration dahil hindi ko siya maintindihan. "Ikaw ang nawala nung time na bagsak na bagsak ako."

His jaw clenched. His hostility suddenly gone. Ngumiti ako ng mapait sa kanya.

"Bakit mo ba ito ginagawa? As you can see, okay naman ako. You have your life and I have mine too. I forgave you for your broken promises. Please, layuan mo nalang ako." Sagot ko.

"I don't intend to broke my promises. I'm sorry."  His bloodshot eyes and sincerity was the evidence that he is genuinely saying the truth.

Pinilig ko ang ulo ko. Eto na naman ako. Natatakot ako na lalapit na naman siya at magiging marupok ako.

"I just want you back in my life." He said. Umiling ako ng paulit ulit.

"You had me then. Pagod na ako at tapos na ako sa ganun Raj. If you atleast cared for me bakit ngaun lang? Bakit hindi mo ako hinanap? Bakit hindi moko hinanap!!?" Hindi ko mapigilan mapasigaw. It was painful for me to deal what I've been through kasi kahit hindi niya ako mahal noon. Umasa ako na iingatan niya pa din ako.

Inayos ko ang sarili at tumayo. Titig na titig si Raj sa akin. Guilt, pain and so many emotions na ayoko ng pangalanan." Leave me alone. May girlfriend ka. I'm done with you Raj. Stop being a boy. Be a man Raj." Mabilis akong tumalikod sa kanya at hinayaan pumatak ang mga luha ko na kanina ko pinipigilan.

Our Strings (Strings Series 3) Where stories live. Discover now