" You're kidding? May boyfriend si Lily. Teka nga sino kaba?"

"I am Henry Alster. It's gonna be a long story to tell but I need your help. You guys are so close I know and her birthday are approaching. Just want to surprise her on her birthday."- nakangiti niyang sabi. Totoong malapit na birthday ni Lily.

"Nasan sila ni Andy? Wala na akong balita sa kanila since nagtrabaho ako. Pati pinsan kong boyfriend niya ay di ko na naaabutan sa kanila. Di ko naman alam naghiwalay na pala silang dalawa."- kwento ko.

Sinabi niyang namatay si Andy. Ang alam ko lang noon ay isinugod niya si Andy sa hospital. Hindi ko naman alam kong ganon ba kalala ang kalagayan niya. Ni hindi na ako nakadalaw sapagkat isinugod din namin si tatay sa hospital that time dahil inatake na naman siya. Kaya nga di ako nag tatake ng day off kasi need namin pera. Napakawalang kwenta kong kaibigan. Bakit ba kasi di na nadalaw sa bahay si Andrew? Kala mo naman ang layo eh magkatabi lang bahay namin.

Pinangako kong tutulungan ko siya. Ibinigay ko lahat ng pangalan ng mga kakilala namin. Pati na mga paborito niyang pagkain, kulay, damit at mga mahahalagang bagay na gusto ng best friend ko. Kailangan kong bumawi sa kanya. Ni wala ako sa tabi niya noong kailangan niya ako.

Bagaman nagtatrabaho ako ay tinutulungan ko si Henry. Hanggang sa isang gabi naabutan ko si Andrew sa bahay umiiyak habang si mama ay pinapatahan siya. Mukhang alam ko na kung anong nangyayari sa kanya. Namamayat siya at parang walang tulog. Nangingitim ang ibaba ng kanyang mga mata at napakagulo ng kanyang buhok.

"Couz, p-please help me."- sabi niya at tumulo ang kanyang mga luha. "Nasan si Lily? Couz, please I need to find her. Bakit wala siya sa bahay nila? Tell me where she is, p-please."- pakiusap niya. Umiling ako at niyakap siya. Hindi ko pa alam, pero kung alam ko man hindi ko muna sasabihin. I need to find out the truth first. It's gonna be chaotic for me, pareho silang nasasaktan kaya hindi ako maaaring magalit sino man sa kanilang dalawa ang may kasalanan.

Sinabi ko na hindi ko alam kung nasan siya. Bagaman alam kong may asawa na siya ay kailangan kong malaman ang totoo. Kaya hindi ko muna sinabi. Araw-araw pumupunta si Andrew sa amin, minsan ay nagwawala ito kaya napapagalitan ni mama.

Hindi ko na alam ang nangyayari. Napakabusy ko na ba at hindi ko na alam ang nangyayari sa mga taong mahalaga sa akin? Napakawalang kwenta ko ba at wala ako sa tabi nila para alamin ang kanilang mga problema at damayan sila?

Nag take ako ng leave para sa birthday ni Lily. I should be there. I must to, upang makapag-usap kami at malaman ko ang totoo. Bakit bigla siyang nag asawa ng hindi ko alam? Bakit sila naghiwalay ni Andrew? Bakit? Ang daming bakit pero ni isa wala akong nakapang sagot. Nakakalito. Anong nangyari beh?

Wala rin akong tulog dahil isinugod na naman namin si papa sa hospital. Nagbantay pa ako doon magdamag, buti nalang binayaran ni Henry ang bills namin doon kaloka nahihiya man ako ay hindi ako tumanggi lalo pa at kailangan talaga namin ng tulong.

Buti pinatulog ako ng mga bakla kahit sandali pero nagising din ako sa ingay nila. Mga bakla nga naman. Bumangon ako at lumabas.

"Bakit ang ingay niyong mga bakla kay- ohhh hi honey. Good to see you, buti di-" napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko siya.

"What are you doing here?!"- sigaw ko ng makarecover sa gulat. Napangisi naman siya.

"Good to see you again babe."

Falling In Love To A Womanizer | OngoingWhere stories live. Discover now