"Aba'y di tayo talo."- nakangisi kong sabi.

"Baliw, kala mo masarap ka?"

"Bakit masarap ka ba?"

"Oo, kaya nga best friend tayo."- sabi niya kaya sabay kaming natawa.

" Oiii, ba't ka may eyebags? Nagpuyat ka no? Bakit ka nagpuyat?"- usisa niya, hindi ko mapigilang mapangiti ng maalala ko kung bakit ako napuyat. Ewan ko pero parang na love at first sight ako sa kanya. Bakit ba, eh madali akong ma attract sa matulinging tao tsaka gwapo.

"Hoii! Baliw ka nga, ngumingiti ka dyan?"- nakasimngot niyang sabi habang punong puno ng lomi ang bibig niya.

"Abnormal, may naalala lang ako."- natatawa kong sagot.

"Ano?"-tanong niya subalit ngumisi lamang ako.

"Aba... teka nga tama ba ang tanong ko o dapat yong gawing SINO? Kilala kita bruha."- pairap niyang sabi.

"Sino nga?"

"Wag na."

"Sino nga sabi?"

"Wag na nga sabi. Sa susunod nalang."- sagot ko sabay peace sign.

"Kumusta si Andy?"- kapagkuwa'y tanong ko. Their father died month ago. Sila nalang dalawa sa bahay nila and I can't do anything about it. Lalo pa at may sakit si papa.

"He's in the process of recovering Angela,  though tinutulongan ko siya pero maging ako hindi ko matulungan sarili ko."- malungkot niyang sabi.

"Baka di na ako mag-aaral pagkatapos nito beh, paubos na rin kasi ipon ni papa. Kailangan kong magtrabaho para sa amin ni Andy."-sabi niya tsaka yumuko.

"Pero paano pangarap natin? Diba sabay tayong gagraduate?"- maiyak iyak kong sabi.

"Matutupad pa naman 'yon lahat, pero yong sabay tayo gagraduate ay hindi, syempre mauuna ka."- nakangiti na niyang sabi. Lily has this personality na kahit anong bigat ng pakiramdam niya ngingiti at ngingiti pa rin siya dahil ayaw niyang mag-alala ang mga taong nakapaligid sa kanya.

"Kung may maitulong lang sana ako."

"Ano ka ba, ok lang ako. Babalik naman ako sa pag-aaral kung makakapag-ipon na ako ng sapat para sa pag-aaral ko at kay Andy."-nakangiti niyang sabi.

Nakagraduate kami ng highschool at hindi nga siya nagpa enroll sa college. Napakalungkot ko pa kasi nasanay akong kasama siya pero wala akong magagawa. I took Art and design dahil noon paman gusto ko na maging fashion designer at make up artist.

Nag-aral ako, sinanay ko ang sarili kong mag-isa
Kahit ako'y nababalisa
Yong mga estudyante mga mata pobre
porke't di kotse.
Kaya napakahirap humanap ng kaibigan
Yong totoong kaibigan

Yong iba kasi plastic
Napaka toxic
Yong mabuti sa harap mo
ngingiti ngiti sayo akala mo totoo
Tapos sisiraan ka pagtalikod mo

End of flashback

Kaya siguro noong nakita ko at nalaman ko kung sino at ano siya ay hindi nawala ang unang impression ko sa kanya.

First impression will last.
Maybe in my case, I think.

Siguro nga tama ito. Hindi matatabunan kung ano siya ngayon doon sa nakita ko. Marahil ay may rason siya kung bakit siya nagkakaganyan pero wala ako sa lugar para husgahan siya. Though, iba-ibang babae ang kasama niya ngunit kahit pigilan ko pa ang paghanga sa kanya ay wala akong magagawa dahil kusa ko itong nararamdaman.

Totoo nga sigurong walang pinipili ang pagmamahal, na kahit sino at ano pa ito kung tumibok ang puso mo hindi mo na ito mapipigilan pa.

Feelings is unstoppable.
Love is unpredictable.

But.......

Love is just the first step.
It's for us to figure out the rest.

To be continued,

Falling In Love To A Womanizer | OngoingWhere stories live. Discover now