Maya-maya lang ay nakarinig na ako ng panawagan sa loob ng Mall kaya napangiti ako. Such a nice person.

"Hoi bat ka nakangiti dyan?"- bungad sa akin ni Anding.

"Wala, asan na si Lily. Uwi na tayo eyy kapagod."- sabi ko.

Nang dumating si Lily galing restroom ay agad kaming umuwi.

Sumakay kaming jeep ngunit hindi pa kami nangangalahati sa byahe ay biglang may pumutok at nag ekis-ekis ang takbo ng jeep. Malakas pa naman ang takbo nito kasi kunti lang naman ang mga sasakyan kaya malakas din ito ngayon.

"Anong nangyayari?!"- natatarantang tanong ng isa mga pasahero. Habang si Lily ay mahigpit na nakahawak sa kamay ko.

"Beh."- hinawakan ko siya pabalik. Ramdam ko ang takot niya.

"PUMUTOK YATA ANG GULONG SIR! PAANO BA TO!"- sigaw ng driver. Ilang sandali lang ay may malakas na busina ang aming narinig kaya napapikit ako. Kung ito na ang huli ay wala na kaming magagawa.

"MANONG IHINTO MO! WAG MONG APAKAN ANG GASOLINADOR! MANONG WAG KANG MAG PANIC! SIGE NA IGILID MO!"- narinig kong sigaw, tiningnan ko kung saan nagmula, galing sa isang kotse na sinasabayan ang jeep.

Hanggang sa huminto ito at muntik pa kaming masubsob. Nahilo pa ako habang si Lily ay nasusuka. Himawakan kami ni Andrew at inalalayang lumabas maging ang ibang pasahero.

Nang makalabas ako ay agad hinanap ng aking mga mata ang kotse at doon nakaparada na at kinakausap ang driver.

"Ok lang po ba kayo? Wala bang nasaktan sa inyo?"- tanong niya nang siya ay lumapit sa mga pasahero. Natigilan ako sandali ng makilala ko siya. Siya iyong tumulong sa bata kanina.

" Ok lang kami iho, salamat naman at nandyan ka. Napakabuti mo apo, sana ay pagpalain ka ng diyos."- sagot ng isang matanda na hindi ko nakita kanina.

"Nako lola, wala naman po akong ginawa."- nakangiti niyang sagot.

"Ok lang ba talaga kayo?"-

"Ok lang kami iho. Salamat."- sagot nila habang ako ay nanatiling nakatingin sa kanya. Bigla akong kinabahan ng makita niyang nakatingin ako sa kanya. Ngumiti siya ng konti at naglakad paalis. Nasa madilim kaming parte kaya nasisiguro kong hindi niya nakita ng buo ang aking mukha.

"Buti nalang talaga may tumulong kay manong. Aba'y nagpanic, hindi na alam kung paano ihinto. Tsk!"- sabi ni Lily ng kami ay nagkita kinabukasan sa lomihan.

"Kinabahan ako don ahh, akala ko tigok na tayo. Huhuhu ayaw ko pa ewan si Andy ano."- sabi na naman niya kaya natawa ako.

"Hindi mo iyon ikamamatay oii, ang masamang tamo matagal mamamatay remember?"- natatawa kong sabi kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Masamang damo 'yon oii."

"Bakit damo kaba?"

"Tigilan mo ako, makakatikim ka sakin."

Falling In Love To A Womanizer | OngoingWhere stories live. Discover now