"Five minutes, sir." Sagot ng driver. Yung kaninang kaba ko ay bumalik na naman. Nawala lang yung kasi naman 'tong kambal na'to pasaway!

"Mag ayos kana, you will note every higlight part of our conversation. Fix my scheds and Raj as well." Salita ni sir Brent tapos binigay niya sa akin yung ipad na kinuha niya sa bag na dala niya.

Napatingin pa ako dun kasi, haler? Yan naman pala gagamitin ko tapos pinagbibit niya pa ako ng notepad at ballpen. 

Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang magarbong hotel. Bumaba na si sir Brent at sir Anton pero nanatili pa ako sa loob. Nag iisip kung paano ako tatakas na makita si Raj.

"Lets go, Gotica." Tawag ni sir Brent kaya napasinghap ako. Sunod sunod na nagbusinahan ang sasakyan sa likod kaya halos malaglag ko ang mga gamit na dala ko sa pagmamadali.

"There is something wrong. You are acting weird." Biglang salita ni sir Anton ng makalabas ako ng sasakyan. Umiwas ako ulit ng tingin kasi parang binabasa niya yung nasa isip ko kahit alam ko naman hindi.

When we entered the lobby. Sunod sunod ang bumati sa kanila na tila ba kilalang kilala na sila dito.

Nag gagandahang chandelier at mga gamit ang nakikita ko. The place looks expensive as well as the people around the place. Napatingin pa ako sa damit ko. It's okay to normal people pero kapag itinabi ako sa kambal at sa mga tao sa paligid ay mukha akong alalay.

"Nasan na siya?" Tanong ni Anton kay Brent na halatang iritado pa din.

"Already there." Matabang na sagot ni sir Brent.

Hindi ko na talaga mahakbang ang mga paa ko sa sobrang kaba. Alam kong nararamdaman nila iyon kasi hindi naman talaga normal ang kilos ko. Ayokong ihalo ang personal issues ko sa trabaho at kung ano man meron ako ngaun pero hindi ko talaga mapigilan na hindi matakot at kabahan. Hello? It's Rajan Duke Esquivel we are talking here. Hindi lang siya basta kilala ko lang from the past. We had past at mayroon kaming anak. Hindi nga lang niya alam.

"Are you sure your okay?" Tanong ulit ni sir Brent.

Ngumiwi ako ng bahagya at umarte na sumasakit ang tiyan. Carry on Gotica! You can maybe run now. But you can't run forever! Siguro. Pero sa ngaun, hindi pa talaga ako handa. Kailangan ko siguro muna ikalma ang sarili ko. It's now or never or I will surely lose this job and opportunity forever!

"Sir, can I go to washroom first?" Tanong ko. Hinawakan ko pa ang tyan ko para magpanggap na may nararamdan ako. I know this is embarrasing at unang araw ko palang sa trabaho ay ganito na ang inasal ko.

"Okay,then. Bilisan mo." He then continued to walk. Mabuti nalang ang may malapit na washroon kung saan kami papasok. Mabilis akong pumunta sa sink at naghilamos.

Why the fuck I can't calm down? Just act normal. Kilala ka niya at ganun din siya. May sariling buhay na siya at ganun din ikaw Gotica! And besides he doesn't even know that he has a son to you! Ano pinaglalaban ko? Paulit ulit ko iyan sinasaksak sa kokote ko.

Pakiramdam ko ay totoong bumabaligtad ang sikmura ko at nasusuka na talaga ako. Inayos ko ulit ang sarili at huminga ng malalim.

The hell! Umayos ka Gotica! Si Rajan lang yan! You can do better in front of him. Ugh! Ginulo ko ang buhok ko. Sino ang niloko ko? Sa totoo lang, kahit ako ay hindi alam ang gagawin kapag nakita ko siya.

Huminga ako ng malalim. Kahit naman magtagal ako dito kailangan ko talaga siyang harapin. Nang maayos ko na ang sarili ay lumabas ako.

Halos lumipad ang ipad na hawak ko ng makita si sir Anton sa labas ng washroom. His both hands were inside his pocket. Napatingin siya sa akin ng makalabas ako.

"Sir," bati ko na naguguluhan. Ano naman ang ginagawa niya dito?

"We need to talk." He said seriously kaya napalunok ako at tumango. Sumunod ako sa kanya na naupo sa may pool area.

Luminga linga pa ako dahil mamaya baka prank lang ito at biglang bumulaga si Raj.

"Raj is not here." Sagot niya ng mapansin ang pagkabalisa ko. Bahagyang napauwang ang bibig ko. Ang kaba ko ngaun ay natriple na hindi ko maintindihan. Magsasalita pa sana ako ngunit pinili ko nalang manahimik.

"I don't know anything about you. Nabasa ko lang din ang profile mo na may anak kana. And for some reason, dito ka nag highschool sa La Soledad where Raj also studied." Salita niya. Mas seryoso pero mas malumanay na ngaun. Titig na titig na naman si sir Anton sa mga mata ko. Does he know na nakaka-intimidate siya?

Para siyang may puzzle na invisible na binubuo at feeling ko ay ako ang sagot sa missing piece  nito.

"What's your point, sir?" Sagot ko. Medyo patay malisya pa ako kahit ang totoo ay mas umigting ang kaba ko sa paraan ng pagsasalita at pagtingin niya sa akin.

Nag-igting ang panga niya.

"I've noticed you're acting strange simula nalaman mo na si Raj ang ka-meeting natin. I don't want to be nosy but is there something wrong?" Tanong niyang seryoso. Nanlaki ang mga mata ko. How did he know? Hindi ko mapigilan ang pagkamangha sa kanya. I don't know that he's a good observer.

Ganun ba ako ka-transparent? Tumango ako at huminga ng malalim. There is no point in lying and hiding.

"I know there is tho. You're not hard to figure out." Salita niya ulit.

Hinarap ko siya. Nakitaan ko pa ng gulat ang mga mata niya. Matapang ko siyang hinarap. "Yes. Raj and I had past. And to make it short sir. Siya ang tatay ng anak ko." Sagot ko.

Nalaglag ang panga ni sir Anton at nanlaki ang mga mata. Kumuyom ang kamao niya at biglang tumayo. My God! Hindi pa ako tapos magsalita. May pag kabastos pala kausap tong kakambal ni sir Brent. Kita mo yon!

"Bree rejected me for that liar?" Galit na salita niya. Hindi na niya ako pinagsalita. Lumakad siya ng mabilis kaya napasunod nalang ako sa kanya.

"Sir!" Sigaw ko. Hindi ko alam kung ano problema niya pero halata na hindi ko siya mapipigilan. Binilisan ko ang lakad ko para maabutan siya. Hingal na hingal akong hinawakan ang braso niya.

"Sir, hindi alam ni Raj na may anak kami. Na may anak siya. Please don't." Nanginginig ako at halos tumulo ang luha. Nakitaan ko ng awa ang mga mata niya na nakaktitig sa akin. Dumiretso pa din siya sa loob ng restaurant at walang sabing sinuntok si Raj.

"What the fuck?" Sagot ni Raj habang hawak ang panga. Hindi ako makalapit kahit nasa loob na din ako. May mga tao din natigilan at meron din nag alisan.

"Anton ano 'to?" Pag awat ni sir Brent kay Anton na galit na galit.

"Pinaubaya ko siya sayo kasi alam kong hindi niya kayang manakit ng tao. Damn it! You were like a saint to Bree kaya hindi ka niya kayang saktan.."

Napapikit ako at tinakpan ang tainga. Hindi yata tamang sinabi ko sa kanya ang problema ko. Hindi ko naman kasi alam na may ganito pala. Natatakot ako na baka sabihin niya ang totoo.

"What are you taking about?" Sagot ni Raj. Umayos siya at tumayo para magpantay sila ni sir Anton.

"You fucking asshole! Someone sacrificed her life for you! Nagpapakasaya ka dito habang may sinasagaan ka. Leave Bree, Raj! Kung matalino ka. You will figure things out." Galit na sigaw ni sir Anton. Gustong gusto ko tumakbo sa kanila pero natatakot ako. Natatakot ako na baka ako mismo ang maglabas ng sekreto ko.

"Hindi kita maintindihan." Umigting ang panga ni Raj.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng bumaling sa akin si sir Anton. Kasunod noon ay si sir Brent at si Raj na nanlalaki ang mga mata.

Nakita ko kung paano siya nagulat at nanghina. "Gotica.." he almost whispered. The gentleness of his voice hurts me dahilan para lumuha ako. Tumalikod ako at mabilis tumakbo palabas. Umiyak ako ng umiyak paglabas ko. Naiinis ako sa sarili because I don't feel hatred for him. I only feel longingness and all these years. Mahal ko pa din si Raj.

Our Strings (Strings Series 3) Where stories live. Discover now