Chapter 11: The Smile of a Devil

Start from the beginning
                                    

Tumingin ito sa bahay na tinutukoy ko tapos ay muling ibinalik ang tingin sa akin. “’Kay.” At ibinaba nito ang baril.

Whew!

**

Arkray’s POV

“Akraybels! Huhuhuhu!”

Muntik ko nang maibuga ang juice na iniinom ko nang  marinig ang pamilyar na boses na ‘yun. Paanong---?

Lumingon ako sa likod at tumambad sa akin ang nakakaawa pero nakakatawang itsura nila Mikaela, Myles at Stefi. Hindi ko alam kung maaawa o matatawa ako sa itsura ng mga ‘to. Though mas gusto kong matawa! Haha!

Namumutla kasi ang mga ito at parang maiihi na sa takot. Paano ba naman kasi, nakapalibot sa kanila ang mga guards namin at tinututukan pa sila ng baril ng mga ito.

“Arkraybels! Hindi sila naniniwala na friendship mo kami kahit nag-explain na kami ng bonggang-bongga!” wika ni Stefi na namumutla. Haha! Lol!

“Ano ba kasi ang nangyari?” tanong ko na pigil ang tawa.

“Eh Ma’am kasi, kaya po kami hindi naniniwala eh kanina pa po kasi namin napapansin na paroo’t parito ang kotse nila na para po bang nagmamanman---”

“Hinahanap lang namin ang bahay ni Arkray nun!” sabat ni Mikaela. Mas nangingibabaw ang inis nito.

Hindi naman ito pinansin ni kuya guard sa halip ay nagpatuloy pa ito, “Tapos lumapit sila at nagtanong kung ito nga po ‘yung bahay niyo. Mga kaibigan nyo raw po sila kaya sila naghahanap sa inyo. At nung nag-inspeksyon kami sa kanila ay nahulihan po namin ito,” Tinuro si Mikaela, “Ng apat na de-kalibreng baril.”

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Mikaela has guns?!

“Wala akong balak na masama kay Arkray! She’s my friend you idiots!” singhal ni Mikaela. “At saka those guns are for my safety and protection and nothing more! Lisensyado rin ang mga ‘yon!!!”

“Ahahaha!” Napatingin silang lahat sa akin dahil sa biglang pagtawa ko. Hindi ko na kasi mapigilan eh! Sobrang nakakatawa na kasi ‘yung itsura nila lalo na si Mika na nanggagalaiti na sa mga guards ko. Haha!

“It’s okay mga kuya guards, what they are saying are all true. They’re my friends so there’s nothing to worry about. Kaya pakawalan niyo na sila at magsibalik na kayo sa mga pwesto niyo.”

“Yes Ma’am and we’re sorry!” Bahagya pang yumukod ang mga ito. Bago umalis ay humingi rin ng paumanhin ang mga ito sa tatlo na ngayo’y parang nabunutan na ng tinik sa lalamunan. Si Mikaela ay kumalma na pero bakas pa rin ang konting inis sa mukha.

Paglapit nito sa akin ay walang babalang binatukan ako nito.
“Ouch! What’s that for?!” paangil kong tanong kay Mikaela.

“What’s that for ka dyan! Bruha ka! Nakita mo na ngang tinututukan kami ng mga baril ng mga tauhan mo at halos manginig na kami sa takot, nakuha mo pang matuwa! Nag-eenjoy ka pang panoorin kami!” singhal nito sa akin sabay dampot ng tinidor na gamit ko at tinusok ‘yung hotdog na nasa pinggan ko at saka isinubo.

“Hindi kaya!” Medyo lang! Hehe!

“Tss!”

“Ba’t nga pala hindi mo sinasagot ang mga tawag ko sa’yo kanina ha?!” mataray naman na tanong sa akin ni Stefi. Inagaw pa nito ang baso ng juice na hawak ko at ininom ‘yun.

“I left my phone on my room,” sagot ko at napansing dumampot si Myles ng slice ng mangga at kinuha ang kutsarang gamit ko.

Kumain ba ‘tong mga ‘to bago pumunta rito o sadyang ginutom lang sa nangyari kanina?

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Where stories live. Discover now