Chapter 11: The Smile of a Devil

412K 10.6K 2.2K
                                    

Chapter 11: The Smile of a Devil

 

Saturday, 5:45 A.M.

Arkray’s POV

Huminto muna ako para makapagpahinga dahil kanina pa ako nagjo-jogging sa palibot ng subdivision. Habol ko ang hininga ko at butil-butil ng pawis ang tumatagaktak sa noo ko.

Then I do some stretching. Kailangan kong i-ehersisyo ang katawan ko dahil sa pagkaparalisa nito kahapon.

Naalala ko na naman ‘yung nangyari kahapon sa Mini Forest at sa ‘yung ginawa pang paghatid sa akin ni Rogue sa bahay!

Mabuti na lang talaga at wala si Mommy kung hindi ay baka nagfreak out na rin ‘yun tulad ng mga guards at mga maids namin nang makitang buhat-buhat ako ng isang napakagwapong pirata!

Shucks! Di ko talaga maiwasang kiligin 'pag naaalala ko yung kahapon!

“Ma’am, ayos ka lang?”

Psh! May kasama pala akong dalawang bodyguard! Gosh! Nakakahiya! Nakita pa ata nila kuya bodyguard na nangingiti at kinikilig ako rito! Tss! -_-

“Yeah, I’m okay!” sagot ko tapos ay umuna ako at nagjog uli.

Anyway, hindi nagtagal ay nag-aya na akong umuwi.

Pagkarating sa mansyon ay tinungo ko ang kwarto ko at nagpalit ng damit. Then dumiretso ako sa pool at doon nagpahatid ng almusal. Mas gusto ko talagang dito mag-almusal kesa sa loob.

Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa pool. It seems that this will be a boring day lalo pa’t wala si Mommy. Bukas pa ng balik niya from business trip sa Japan.

***

Myles’ POV

“Damn it!” inis na sabi ni Mikaela sabay hampas sa manibela ng sinasakyan naming Porsche. Kanina pa kasi kami nagpapaikot-ikot at nagkakandaligaw-ligaw sa subdivision na ito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin namin mahanap ang bahay nila Arkray.

Nagyaya kasi ang magpinsan na mag out of town at gusto nila na isama kaming dalawa ni Arkray. Biglaan lang daw ito kaya hindi kaagad sila nakapagsabi. Kaninang madaling araw sila tumawag sa ‘kin. Mabuti na lang at gising na ako nung oras na ‘yun.

“Hindi niya sinasagot ‘yung mga tawag ko. Tulog pa siguro,” sabi ni Stefi. Kino-contact nito si Arkray para matanong ‘yung exact address niya. ‘Yung subdivision lang kasi ang alam namin eh.

“Damn that woman! Mababaril ko talaga siya!” inis pa ring sabi ni Mikaela sabay kasa ng baril na hawak nito.

Napalunok ako. 'Di kase ako sanay makakita ng totoong baril. Nakakanerbiyos.

Anyway, Mika is scary but cool! *0*

Ngayon ko lang nadiskubre na liban sa sports cars, mahilig rin pala siya sa baril!

Hindi kaya mabaril ako nito ‘pag ipinagtapat ko sa kanya ang nararamdaman ko?!

“Uh, Mika---”

“What?!” mataray na tanong nito. Tinutukan pa ako nito ng baril. Automatic namang naitaas ko ang dalawang kamay ko.

“Ahm…ano…kase...” Syet! Kinakabahan ako!

“Be sure that what you will be saying makes sense or else…” Idinikit nito sa noo ko ang dulo ng baril. Syettt!!! !(>.<)!

“Ahm…g-gusto ko lang i-suggest na i-try natin ‘yung malaking bahay na ‘yun,” kinakabahan kong sabi habang tinuturo ‘yung bahay na may ‘F’ sa itim na gate nito. Muli akong napalunok. Halos mailuwa ko na kasi ang puso ko sa sobrang kaba eh! “Uh…baka ‘yan na ‘yan. B-Baka meaning ng ‘F’ ay Ford. ‘Lam mo na, apelyido ni Arkray.”

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Where stories live. Discover now