What? Ako'y Paasa?

412 17 14

06/02/2015 1:05 AM

Paasa:

May nagawa ba akong kasalanan?

At ikaw lumalayo na 'di ko alam ang dahilan,

Kailangan pa ba kitang pilitin upang malaman,

Ang sagot sa tanong na: "Ano bang nangyari, kaibigan?"

Umaasa:

Tila ikaw nagpapatawa, kaibigan?

Kaibigan ba tayong naturingan?

H'wag kang magmaang-maangan,

Na kunwari 'di mo alam ang kasagutan!

Paasa:

Oh my! Ako ba'y may pagkukulang?

Madalas naman kitang kausapin at tingnan,

Teka! Ako'y naguguluhan,

Tayo ba'y naglolokohan?

Umaasa:

Ako ba'y iyong pinaglalaruan?

Puso ko ay iyong sinugatan,

Ako sa'yo ay nagagalit! Nasusuklam!

Mga sinabi mo'y isang kasinungalingan!

Paasa:

Hindi ko talagang matanto kung bakit ka nagkakaganiyan!

Ano ba kasing nagawa ko at ako iyong nang sinisigawan?

Mga sinabi ko isang kabulaanan?

Ha? Pwede ba tayo na'y magderatsahan!

Umaasa:

Ang galing mo talaga pagdating sa bolahan,

Gusto mo ba 'yan ay aking paniwalaan?

Tama na minsan ako ay naging hangal,

At naniwala pagmamahal mo'y tunay!

Paasa:

Hoy! Hindi ako nakikipagbolahan,

At mas lalong ayoko ng lokohan,

Hangal ka talaga kaya itigil mo na 'tong kadramahan!

Tunay naman talaga kitang minamahal!

Umaasa:

Tunay! Tunay, bang matatawag na ikaw may ibang katipan?

Haha! Ano 'yun, ang puso mo'y parang tinapay,

Hating kapatiran na walang lamangan?

Sabihin mo, sino ba sa amin ang mas matingbang?

Paasa:

Facepalm Brad! Itigil mo nga ang iyong kabaliwan!

Walang hatian na pwedeng maganap ngayon gabihan,

Geez! Ngayon akin nang nalalaman,

Ahhhhhhh! Lahat ng sinabi ko ay binigyan mo ng maling kahulugan.

Umaasa:

Ano? Ako pa ngayon ang may kamalian?

Ikaw 'tong kung anu-anong matatamis na salita sa'kin ay binitiwan,

Siguro ako na'y iyong.pinagsawaan,

Kaya ngayon itatapon mo na lang na parang isang basahan!

Paasa:

Anong ibig mong sabihin, na ako at hindi ikaw ang may kasalanan,

Sino bang tanga ang umaasa at nagbigay ng malisya sa atin pagkakaibigan?

Hahaha! Dapat ba'y hindi matamis kundi maaanghang?

Kung 'yon pala ang gusto mo dapat simula palang ako na'y sinabihan!

Umaasa:

Kung alam ko lang na ganito ang kahihinatnan,

Sana hindi na kita pinansin kahit kunti man lang,

Siguro nga ako'y naging tanga lamang,

Kaya ngayon sa'yo na ako'y magpapaalam.

Paasa:

Brad, tila gusto kitang pigilan,

Ngunit kung iyan ang iyong naiibigan,

Ikaw na lang ay aking susuportahan,

Kaya sige layas na sa aking harapan! Dalian! Wala ng balikan!

Umaasa:

Kay dali mo naman akong ipagtabuyan,

Ganiyan ka ba magmahal sa isang kaibigan?

Parang isang bagay na kay daling iwan,

Wasak na at ibabatukal pa sa batuhan.

Paasa:

Aba! Syempre, ako'y nagbibiro lamang,

Paglisan mo ay balak ko rin iyakan,

At kung hindi ka aalis sa aking harapan,

Paano mawawala ang iyong nadarama sa akin, kaibigan?

Umaasa:

Tama ka, paglayo sa'yo ay aking kailangan,

Sapagkat puso'y umaatungal,

Dahil ako pala ay umasa sa wala lamang,

Naging tanga, umasa, nagmahal at ngayon ikaw na'y iiwan at kakalimutan.

*****************

In between dapat ngunit ipagtanggol ang umaasa ay tila hindi ko kaya sa sitwasyon na 'yan. Hindi ako nangangatwiran, isinulat ko lamang ang katotohanan na aking nalalaman. Marami kasing nasasabihan ng paasa kahit hindi naman talaga. Oops! Haha. Ang paasa 'yung mga tao na nangangako pero napapako. Hahalikan ka pero walang feelings. Liligawan ka pero hindi mo pa sinasagot may iba na at marami pang iba. Ang paasa ay isang sinungaling na tao na siguro noon sila rin ay napaasa kaya ganun... Siguro? Ewan! Basta lahat naman ay may dahilan kaso minsan dahilan nila ay hindi katanggap-tanggap, na tipong kay babaw. Walang hiya lang talaga sila, ayaw lang aminin. Ang ibig sabihin ko lang, hindi dahil umasa ka siya na ay paasa. Iwasan magbigay ng malisya lalo na kung kayo ay magkaibigan lamang. Kapag gusto mo kasi ang isang tao halos lahat ng sinasabi't ginawa niya sa'yo hindi mo maiwasan bigyan ng maling kahulugan. Ngunit itanong mo sa iyong sarili: Sa kanya ba may malisya? (May pinagdadaanan yata ako.) Masakit din masabihan ng paasa kung hindi mo naman talaga siya pinaasa. Hmp! Kasalanan ko bang assuming siya? Kung kasalanan ko, bakit?

Pakisagutan kung iyong nais: "Para sa'yo ano ba ang batayan ng tunay na paasa?"

Mga Tula ni MeiBasahin ang storyang ito ng LIBRE!