"Jersey," pagtawag niya.

"Mayor."

"Stop calling me Mayor," sabi niya. "The next thing we'll know, people will assume that you're literally dating the Mayor."

"Sobrang ganda ko lang na pangpolitiko ako, ganon?"

"Call me something else."

"Epal?"

"Try again."

"Ayoko nung mga kaartehan na baby, honeybunch, sugarplum," sabi ko sa kanya. Baka naka-simangot lang talaga ako niyan. "Gago na lang, gusto mo 'yun?"

"So, I'll call you gago, too? You like that?" parang nang-aasar na tanong niya.

Nagkibit balikat ako. "Kaysa naman baby. Batukan kita subukan mo akong tawagin ng ganon," sabi ko sa kanya. Ramdam ko iyong pagtawa niya.

"So, you really want me to call you gago? I think people will be weirded out," sabi niya habang sinisiksik iyong mukha niya sa pagitan ng leeg at balikat ko. "They'll probably think that I'm verbally abusing you."

"Ang assumera naman nila agad."

"Well, people are always quick to assume as if they know better."

"Ga na lang," sabi ko.

Parang palangga.

Kaso 'di ko na sasabihin kay Nikolai at baka kiligin siya.

"Ga?" pag-ulit niya.

"Oo. Ga as in short for gago," sabi ko sa kanya pero syempre kapag sinasabi niya iyon ay ang iisipin ko ay palangga. Basta para sa kanya, gago 'yun.

"You're weird."

"Okay lang. Ako pa rin unang pinagconfess-an mo. Jersey Leigh lang malakas," sabi ko tapos natawa na naman siya. "Tsk. Matulog ka na nga! Daldal mo talaga!"

"You keep on talking to me."

"Malamang. Ang bastos ko naman kung 'di kita sasagutin."

"Let me sleep."

"Baby ka ba? Gusto mo ipaghele pa kita?"

"Breastfeed me."

"Tangina ka talaga," sabi ko pero tumawa lang siya. Hinigpitan niya lang iyong yakap sa akin tapos mayamaya, ramdam ko na naka-tulog na siya.

* * *

Sobrang pagod ata ni Nikolai kaya nagising siya ay papa-lubog na iyong araw. Nag-extend kami ng stay kasi dapat daw kaninang 12noon pa kami nagcheckout. Kaya naman ngayong alas-cinco ay nandito pa rin kami. Si Nikolai na lang ang bumili ng pagkain doon sa resto. Ayoko na sumama dahil baka may epal na naman at uminit na naman ulo ni Nikolai. Ayoko talaga umiinit ulo nun—buti sana kung ibang ulo.

Ayoko lang isipin ng mga tao na bad influence ako sa kanya.

"First girlfriend mo ko?" tanong ko habang kumakain kami ng pizza at fries saka may beer na naman. Kapag nagka-puson ako sa kaka-pa-beer niya!

"Yup."

"Ganda ko talaga?"

"Yup."

Umirap ako. "Naging jowa lang, naging sobrang bolero."

Tumawa siya. "But you're really beautiful," tatawa-tawang sabi niya.

"Hoy, sabi mo kaya dati 'I've seen better!' May mga ganoong hanash ka pa dati!"

"If we're going to be literal and technical about this, Jerusha Leigh, yes, I've seen better looking women but I don't like them the way I like you," sabi niya tapos ay tumungga sa beer niya. Ang epal!

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon