"No, hindi mo puwedeng gawin 'yon. Nag-usap na tayo tungkol dito. We have a deal, man!" Frustration was visible on his face. "You will lose a billion dollar contract—"

"I don't care if I lost a gazillion dollar contract. Go and find yourself another company to invest on." Iniwan niya itong nakatigalgal sa sinabi niya.



LUGONG-LUGO si Dark ng bumalik ito sa garden. Nakakunot ang nuo niya habang nakatingin sa binata na parang pinagsakluban ng langit at lupa. Para itong negosyante na nalugi ng ilang milyon.

"Ayaw ni Tyron na mag-invest ako sa kompanya niya." Umupo ito sa tabi niya. "Ano ba ang problema ng lalaking 'yon? He just declined my billion dollar investment."

Tyron did what?! "Anong nangyari?"

"Hindi ko alam. He just told me that I'm not welcome to invest in his company." Tipid itong ngumiti sa kaniya. "That's okay. Nanghinayang lang ako. Malaki ang makukuha ko sa investment na iyon kung pumayag si Tyron."

"Sinabi ba niya sa'yo kung bakit ayaw na niyang mag-invest ka sa kompanya niya?" Tanong niya.

Mahinang tumawa si Dark. "He didn't but I think know why." Humarap ito sa kanya at mataman siyang tinitigan. "Do you remember when I told you that you are pretty, like Helen of Troy?"

Itinirik niya ang mga mata. "You and your lame pick-up lines."

"It wasn't a pick-up line. Nagsasabi ako ng tooo. Maganda ka at mukhang hindi lang ako nakakita no'n, kundi pati rin si Tyron." Nginitian siya nito. "But unlike Helen of Troy, you didn't launch a thousand ships, but you did manage to launch an angry beast that has now lost a billion dollar investment because of you."

"What?" Tumaas ang kilay niya. "Ano bang pinagsasasabi mo?"

"You can't possibly tell me that you didn't know." Napailing-iling ito habang nangingiti. "That man, Tyron Zapanta is madly in love with you. Ano pa ba ang ibang rason kung bakit ayaw na niyang ituloy ang pinag-usapan namin? He is freaking jealous and it's funny as hell."

"No. He's not," aniya habang palakas ng palakas ang tibok ng puso niya. Umaasa iyon na may katotohanan sa sinasabi nito. "Nagkakamali ka."

"Hindi ako nagkakamali." Ginulo nito ang buhok niya. "Gusto mo pagselosin natin siya para mapaniwala kita na mahal ka ng lalaking 'yon?"

"Hindi—"

"Yes! What a brilliant idea." Malapad ang ngiti nito. "Ang galing ko talaga. That's what we'll do. Pagseselosin natin ang mokong na iyon tapos kapag okay na kayo, siguro naman hahayaan na niya akong mag-invest sa kompanya niya."

Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Hindi ako isang bagay na puwede mong gamitin para makuha ang gusto mo."

He sheepishly smiled at her. "Sorry. The Zapanta chain of Hotels and Resorts are growing big. It's already ruling in Asia and it's just a matter of time before it becomes an empire. So I really want to invest in his company kasi alam kong hindi ako malulugi."

"At gagamitin mo ako para makapag-invest ka?" Tinaasan niya ito ng kilay.

Dark's granite eyes glistened wickedly. "Hindi naman kita gagamitin. Tutulungan pa nga kita na pagselosin si Tyron. Please, pumayag ka na?"

"Ayoko—"

"Okay. We have a deal." Ngumisi ito. "Pagseselosin natin siya."

"No, sir Dark—"

"Don't say anything, Raine." Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya palabas ng garden at pumasok sila sa loob ng bahay.

Nang makarating sila sa sala, nakita nila si Tyron at Careen na nag-uusap ng masinsinan. Parang may sumakal sa puso niya sa nakita.

Inakbayan siya ni Dark ng makalapit sila sa dalawa. "Hey, Ty," wika ni Dark para kunin ang atensiyon ni Tyron.

When Tyron's eyes settled at them, his butterscotch eyes dangerously darkened. Kahit siya ay natakot sa pagdilim ng ekspresiyon sa mukha nito.

"Anong kailangan mo?" His voice was flat but there was a dark edge on them.

Hindi pinansin ni Dark ang madilim na ekspresyon sa mukha ni Tyron. Ngumisi lang ito. "Let's have a group date."

Tyron stared blankly at Dark.

"I'm sorry, pero hindi kami magdi-date na kasama kayo," singit ni Careen sa usapan. "We want to be alone today." Hinawakan nito sa braso si Tyron at hinila patungo sa third floor.

Parang may libo-libong karayom na tumusok sa puso niya at hindi niya napigilan ang luhang nahulog mula sa mga mata niya.

Maingat na niyakap siya ni Dark saka hinagod ang likod niya. "Shhhh... It's okay. Just cry. Let it out."

Napayakap siya sa binata at walang imik na napahagulhol. Shit! This fucking hurts!


CECELIB | C.C.

POSSESSIVE 1: Tyron ZapantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon