CHAPTER 11

2.6M 50.9K 21K
                                    

CHAPTER 11

HAPON na nang makarating siya sa Pozzorobio, Panggasinan. Nang tumigil ang limousine sa harap ng isang malaking bahay kaagad siyang lumabas ng sasakyan. It was a tiring four-hour drive. Pakiramdam niya e namanhid ang pang-upo niya.

The Zapanta's house looked like a modern mansion. It had a dark color glass sliding door and the house was painted wih cream and chocolate color. It had a terrace on the second and third floor. It was a sight to behold. Halatang mayaman ang may-ari ng bahay.

Huminga siya ng malalim bago naglakad patungo sa pintuan ng bahay. Hindi pa siya nagdo-door bell ay bumukas na iyon, showing her very radiant looking mother.

Halata sa mukha nito ang kasiyahan. Hindi niya itinuloy ang balak niyang panunumbat dito dahil sa pag-iwan nito sa kanya kay Tyron. Her mom radiate happiness and was delighted that finally, after six months since her father's death, her mother was genuinely happy.

"Hello, sweetie," nakangiting bati ng Mommy niya at niyakap siya.

Niyakap din niya ito. "Hi, mommy. Kumusta ka na?"

"I'm fine, sweetie." Sagot nito at pinakawalan siya sa pagkakayakap. "Ikaw, kumusta ang pasko mo?"

Napasimangot siya sa tanong nito. "Mommy, what do you expect me to say? Na nag-enjoy ako? Sumama ako sa'yo kasi gusto kong makasama ka sa pasko pero iniwan mo ako sa Manila kay Tyron." Bumuga siya ng iritadong hininga.

Her mom sighed and then brushed her hair through her fingers. She genuinely looked sorry. "Sorry, sweetie. Na-excite lang ako na maka-uwi rito sa Panggasinan."

"It's okay." Ngumiti siya kapagkuwan. "Nasaan pala si Tita Marian—"

"Hello, sweetheart!" Anang matinis na boses ni Tita Marian mula sa loob ng bahay at niluwagan nito ang pagkakabukas ng sliding door. "Hello, hija. Kumusta ang pasko mo? May nangyari bang interesante sa inyo ni Tyron nuong umalis kami?"

Tumaas ang isang kilay niya kasabay niyon ay ang paglukob ng nerbiyos sa buong pagkatao niya. Holy hell! May alam ba si Tita Marian sa nangyari sa kanila ni Tyron? Did that brute lying insolent man told this sweet woman in front of her?

Nag-aalangan siyang sumagot pero pinilit niya ang sarili na magsalita. "GWAPO-Wala po n-nangyari sa amin," nauutal na aniya.

Her mother and Tita Marian exchanged a disappointed look. Ano naman kaya ang problema ng dalawang ito?

"Is that so, hija?" Hinawakan siya ni Tita Marian sa kamay at hinila siya papasok sa loob ng kbahay. "Sweetie, nag-enjoy ka ba na kasama ang anak ko?" Tanong na naman nito.

Napangiwi siya sa sakit ng makagat niya ang dila sa tanong nito. "Ahm, can I rest na po, tita?" Pagiiba siya sa usapan. "Medyo napagod po kasi ako sa haba ng biyahe."

Her mom and Tita Marian exchange glances again before Tyron's mom spoke. "Of course, hija. Halika, ihahatid ka namin sa silid mo."

With her mom and Tita Marian on each side, they walk towards the staircase. Nang makarating sila sa second floor, kaagad silang dumeretso sa third floor.

The interior design in the third floor snatched her breath away. There was a refrigerator in the corner behind a long black marble island counter. Parallel to that was a mini-bar with unlimited liquor on display. In the center, there was a black leather set of sofa with a square center table that had two big cherry on the center. There were only two rooms in the floor. Magakaharap ang pinto ng dalawang silid at hindi iyon kalayuan sa isa't-isa.

Iginiya siya ni Tita Marian sa kaliwang pinto at binuksan iyon. "Sweetie, Ito ang magiging silid mo."

Pumasok siya sa silid habang pinapalibot ang paningin sa kabuonan niyon.

POSSESSIVE 1: Tyron ZapantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon