A sharp thing pierced my heart after hearing what she said, but stupid me just couldn't say anything. I was torn between wanting to stay or leave. Aaminin ko. Kinakain ako ng hiya at pagsisisi dahil sa trato ko sa kanila. Baka ito rin ang dahilan kung ba't 'di ko magawang sabihin na may parteng gusto kong manatili.

Pero natatakot na rin kasi ako na baka 'di na maibabalik pa ang dati. At some point, what happened will continue to daunt us. What happened scarred the bond we had.

Nanatili akong walang imik. Nakakabingi ang katahimikan at halos umikot ang aking sikmura dahil alam kong naghihintay si Analie sa sagot ko. Pero anong isasagot ko? Sa dalawang pagpipilian hindi ko alam kung saan mas matimbang at kung saan ang tama.

And I didn't want to hurt her if I chose the other choice.

"Okay..."

Mabilis akong napatingin ulit kay Analie, dumoble ang sakit na nararamdaman ko. Okay?

"As much as I want you to stay..." She then looked at me. I was taken aback when I saw her flashed a smile, but then her eyes were different. Tumayo siya saka tumalikod at nagsimula ng maglakad palayo. Then, she stopped for a second. "I won't stop you from leaving anymore, Quinn."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay ipinagpatuloy na niya ang paglalakad hanggang sa unti-unting lumiliit ang pigura niya. Napakapit ako sa aking bag nang mahigpit habang tulala nang ilang minuto. I bit my lower lip before finally looking away.

Sa kauna-unahang pagkakataon, bumitaw si Analie. Pero hindi ko siya masisisi. Ni hindi ko siya kayang pigilan. I don't know what I'm doing. Is this for the best?

When I looked up the sky, the moon was at its peak. Napapalibutan ito ng mga nagniningning na mga bituin. But only one particular star stood out from them all, twinkling on its own just beside the moon.

Nung huli kong tiningnan ang kalangitan, nung araw na pinuntahan ko ang bahay ni papa, ni isang bituin ay wala akong makita. At kahit na maliwanag ang buwan nun, hindi pa rin umabot sa akin ang liwanag. But today, it was already shining as if it was for me. And today, I can finally say that the sky's comforting me.

Nagdadalawang-isip na nilingon ko ang daang tinahak ni Analie pabalik sa hospital pagkatapos ay napapikit na lamang. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at gulong-gulo ang isip ko.

Anong dapat kong gawin?

The moment... I opened my eyes and looked up. My eyes immediately stopped at the star... that twinkled. Natigilan ako. Tumitig pa ako ng ilang segundo nagbabakasakaling kumislap ulit ito pero hindi na. It was twinkling, but it was the normal twinkling of the star, not the same as what I saw. Hindi ko alam kung paano ko 'to ipaliwanag basta bigla na lamang itong kumislap.

May gusto bang ipahiwatig ang kislap na 'yon?

Kumapit ako sa upuan. All my other thoughts were running wild and the only thing that didn't was a thought that kept telling me to... listen.

Listen.

Bigla na lang kumalma ang pagtibok ng puso ko dahilan para lumuwag ang kapit ko sa upuan. Dahan-dahan kong binuga ang hininga ko. Habang malalim ang iniisip ay tumigil ang isang bus sa harap ko. Mabilis na bumukas ang pinto at tumingin sa akin ang driver ng bus.

"Oh, iha? Sasakay ka ba? Huling bus na babyahe na 'to," sigaw ng driver.

Huminga ako nang malalim at dahan-dahang tumayo. I took one step but couldn't take another.

"Ano?" tawag niya ulit.

Sa huling pagkakataon ay napapikit ako. I wanna think of it as a sign. Yes, a sign which back then I wouldn't even believe. But if this is what it means to start over, gagawin ko. Listen. Alam kong may ibig sabihin ang kislap na 'yun. I want to believe He was the one who made the star twinkled... sending me a message.

Saddest Melody (Arts Series #1)Where stories live. Discover now