Chapter 27 - Torture

7.6K 159 2
                                    

AMETHYST' POV

Unti unti akong nagising dahil sa amoy ng paligid. Nakakasulasok ang amoy. Pinaghalong panghi at kung ano ano pa. Nakakasuka. Iginala ko ang paningin ko. Nasa loob ako ng isang may kadilimang kwarto. Nasan ako? Anung ginagawa ko rito?

Mayamaya eh naalala ko.. may sumabog, may mga nakita akong mga taong nakaitim na kumuha kila Rogue. At may taong tumusok saken ng pampatulog. Sh*t! Pilit kong sinasanay sa dilim ang mga mata ko. Nakatali pala ang mga kamay ko sa likod ko. Pero hindi naman ako nakatali sa upuan o anuman kaya nakakatayo ako. Nang masanay ang mata ko eh nakita ko sila Rogue, Xander, Skyler, Ethan, Jared tapos yung limang kaibigan ni Sapphire. If im not mistaken eh sila sina.. Halona, Joey, Khyzsha, Ana Fe at Bea Grace. Agad ko naman silang nilapitan. Inuna kong gisingin si Sky dahil sya ang pinakamalapit saken.

"Sky... psst.. gising. Huy!!" -sabi ko. Sinisipa sipa ko pa yung binti nya. Nakahiga kase silang lahat. Dahan dahan namang nagmulat si Skyler at nagwala.

"Pakawalan nyo k---" -sigaw nya pero agad ko syang dinamba at hinalikan sa labi para di sya makagawa ng ingay. >////<

"Mmmmppp" -sabi nya. Muntanga eh. -___-

"Its me. Amethyst. Wag kang masyadong exag dyan. Ang ingay ingay mo eh. Dapat si Xander nalang pala ginising ko." -sabi ko. Sya naman natahimik.

"Nasan tayo?" -tanong nya.  Tapo parang namumula.

"Tss.. haler.. magkakasama kaya tayo dito noh. Tss. Tanga neto." -sabi ko sabay irap.

"Tss.. " -sabi nya sabay upo. Nakasandal na sya sa pader. Nasanay na rin siguro yung mata nya sa dilim.

"Anung gagawin natin?" -tanong nya.

"Magjajack en poy tayo tapos magtutumbang preso. Galing noh?" -sarcastic kong sabi. Nakita ko naman syang nag roll eyes. Bading. -__-

"Tss.. malamang gigisingin naten ang mga kasama naten para naman may matino na akong makausap. Puro ka tanong eh. Ayaw paganahin ang utak." -pasuplada kong sabi. Kaya agad naman syang kumilos at ako rin. Pumunta ako sa side ng mga babae.

"Huy.. mga panget gising. Huy.." -sabi ko sa mga babaeng nakahiga. Para silang mga centipede. Patong patong sila eh. Hahaha!! Grabe naman yung mga nagdala sa kanila. Di man lang inayos ang pagkakahiga nila. Pano ba naman kase.. yung isa nasa pwet na nung isa yung muka. Yung isa naman yung paa nakapatong sa muka nung isa tapos yung isa nadaganan na yung kawawang babae.

"Aray.. ang bigat naman. Anu ba yun?" -sabi nung babaeng may medyo singkit na mata. Bea Grace ata ang pangalan. Sya yung nadaganan nung dalawa.

"Sh*t! Ang baho!! Walanjo! What was that smell?? So stinky!!" -sabi naman nung parang tomboy. If im not mistaken eh sya si Joey. At sya yung kaawa awang nilalang na nakatapat sa pwet nung isang babae.

"Amoy daga!! Anu ba yun?? Waaah!!! Amoy patay na daga!!" -sabi naman nung babaeng nagngangalang Khyzsha. Sya naman ang napatungan ng paa nung kasamahan nila.

"Nasan tayo?? Waah!! Baket ang dilim??" -sabi naman nung Halona ata.

"Natural patay ang ilaw eh. May maliwanag bang patay ang ilaw?" -sabi ko. Kaya napatingin sila sa direksiyon ko. At nakikita kong matatalim ang tingin nila saken.

"Ikaw ang kumuha samen noh!! Ang salbahe mo talaga!! Ang layo layo ng ugali nyo ni Mommy Cassy ko!! Bad ka!!" -sabi nung Khyzsha. I just rolled my eyes.

"Tss. Kung ako ang kumuha sa inyo eh baket ako nandito kasama nyo? Like duh?" -sabi ko. Tumayo naman bigla yung Ana Fe at nagulat ako nang sipain nya ang binti ko kaya napaluhod ako.

Red Haired Princess: SAPPHIRE (Completed)Where stories live. Discover now