"I'm just waiting for you to finish listing down all the reasons why you can't be with me, so that I can refute them one by one."

Pinahid ko iyong luha ko. Tangina nito talaga! Kairita! Shokoy ata 'to! May ibang epekto iyong dagat!

"Marami namang iba d'yan, Nikolai—"

"I know that, but I only want you."

"Sige, kung magiging tayo, paano kapag—"

"For fuck's sake, why do you always jump at the end?"

"Kasi doon din naman papunta talaga—magsasawa ka rin sa akin."

Ibinaba niya iyong bote na hawak niya at saka tuluyang humarap sa akin. "Jersey... why do you always think of the worst?"

Nagkibit-balikat ako. "Para 'di ako ma-disappoint."

"Have I ever disappointed you?"

Hindi ako sumagot.

Kasi hindi pa.

Pero alam ko na dadating iyong panahon na oo.

"Jersey, I like you... and sometimes, I think that I love you," malambing na sabi niya sa akin. Nagulat ako nang hawakan niya iyong kamay ko. Napa-tingin ako doon. Ang ganda tignan na hawak niya iyong kamay ko.

"I can't see the future—I don't know what will happen. I can't promise you that we'll end up together because you hate promises... but what I can actually promise is that I'll love you and I'll take care of you and I'll never do anything to hurt you—at least, I won't consciously decide on it. And I won't just leave, I promise. And if I leave, I'll explain why. Because you deserve that, at the very least."

Pinahid ko iyong mga parang tangang luha na patuloy na bumabagsak. "So, sa tingin mo nga maghihiwalay tayo?"

"If it were up to me, no... but who knows?"

"So, maghihiwalay nga tayo?"

"Jersey, what do you want to hear from me?"

"Hindi ko alam," sagot ko. "Kasi baka iwan mo lang din ako... paano na ako kapag ganon?"

Parang gago na talaga ako na umiiyak.

Tangina kasi, totoo pala iyong trauma?!

"Nung high school ako, may naging boyfriend ako... Mabait din siya sa 'kin kagaya mo... Lagi niya rin akong nililibre ng pagkain... Hina-hatid sa sakayan ng jeep... Tapos nung naging kami na—" Pinunasan ko iyong luha ko. "Syempre, gusto ko alam niya na mahal ko siya kaya binigay ko talaga lahat... Kaso—"

Hindi ako makapagsalita kasi dire-diresto na lang iyong pag-iyak ko. Tangina, parang bumalik ako nung high school! Akala ko tapos na ako sa ganito, pero hindi pala. Akala ko okay na, pero nandito pa rin pala.

"Bago siya grumaduate, hiniwalayan ako. Akala ko dahil ga-graduate na siya... pero narinig ko nung kausap niya iyong mga kaibigan niya na nilaspag niya na raw kasi ako..."

Tapos ang daming nanligaw sa akin.

Kasi bibigay daw agad ako.

Tapos payag daw ako sa kahit ano.

Kasi nga daw anak ako ng pokpok.

"Alam ko naman na hindi ka ganon... kaso paano kung oo?"

Minahal ko naman talaga iyong ex ko kaya nga sobrang nasaktan ako sa sinabi niya... pero paano kay Nikolai? Ganito pa lang kami pero grabe na iyong pinapa-ramdam niya sa akin. Paano kapag naging kami? Paano kapag nagsawa din siya? Saan ako pupulutin?

"Jersey, I can promise you that I'll never do what he did to you."

"Alam ko pero—"

"Jersey, I can tell you that I don't give a shit what other people think about me choosing you because this is my life and I decide on how to live it. And as for my family and friends... if they're my family and friends, they should want me to be happy... And you make me happy... So they have to accept that or they can seriously fuck off."

Naka-tingin lang ako sa buhangin.

Ramdam ko iyong titig niya.

"Do you like me, too?"

"Di ba obvious?"

"I don't want to be presumptuous," sagot niya. "And you'll soon learn in law that there's a huge difference between explicit and implicit consent."

Tumingin ako sa kanya. "Lecture na ba tayo?"

Napa-ngiti siya. Ginamit niya iyong isang kamay niya para punasan iyong luha ko. "All you have to do is trust me, Jersey. And I promise I won't leave. Maybe I'll just be a bit busy during BAR review, but I won't leave. I'll always be here. I'll always be one call away. I'm always here for you... in case you haven't noticed it yet."

Huminga ako nang malalim.

"Kailangan ba tayo na agad? 'Di pwede na trial muna kasi baka magbago isip mo?"

Kumunot ang noo niya. "You're not some product that I'll test, Jersey. I hate that you think so lowly of yourself."

Malungkot akong napa-ngiti. "Sorry."

Umiling siya. "I'll just make it my personal mission to make you feel better about yourself."

"Paano 'yun?"

"I don't know... but I'll figure it out," sagot niya ng may maliit na ngiti. "But if you don't want to commit, then maybe we can date? But not exclusively?"

"Ano 'yun?"

"It means that you're dating me, but you're still free to date other people."

"Ganoon ka rin?"

"Technically, yes, but I won't."

"Kasi... ako lang ang gusto mo?"

"Damn right."

Napa-irap ako kahit kinilig ako. "So, okay lang kung i-date ko rin si Bentley?" pang-aasar ko sa kanya.

Napa-irap din si gago. "I really prefer that you don't, but if you must... there's nothing I can do."

"Ayaw mo akong pilitin?"

"No," sagot niya. "Because your decision matters."

Napa-awang iyong labi ko.

Ang simple lang ng sagot niya pero—

Tao talaga ako sa paningin niya.

"Okay," sabi ko.

"Okay what?"

Umirap ako. "Okay, tayo na," sabi ko. Napa-ngiti agad siya. "Pero ayoko nung may ibang naka-sawsaw. Hindi tayo sawsawan ng fishball. Tayong dalawa lang dapat."

Napa-kurap siya.

"It means... you're my girlfriend?"

Umirap ako. "Wag ngang masyadong obvious na masayang-masaya ka."

Tumawa siya. "I'm your boyfriend."

"Mas trip ko pa rin iyong pagiging mayor mo, pero pwede na rin ang boyfriend," sabi ko tapos ay agad niya akong niyakap. Medyo nabigla ako roon.

Hina-halikan ako ni Nikolai.

Pina-pat iyong ulo ko.

Pero hindi masyado sa yakap.

Iba pala sa pakiramdam 'to... iyon bang parang safe na safe ka?

"Thank you for changing your mind," bulong niya sa akin.

'Sana hindi ka magsawa sa 'kin,' gusto ko sanang sabihin pero pinili ko na 'wag na lang. 

***
This story is 8 chapters ahead on Patreon x

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon