Chapter 2

3 0 0
                                    


Pag dating ko ng bahay ay nakaayos na ang hapag upang kami ay kumaen. Binati ko ang Mama at Papa at nag hugas ng aking kamay bago umupo sa hapag.

"Kumusta ang inyong araw Mama at Papa?"

Ngumiti si Papa saakin. Ang papa ay sobrang lambing saakin. Tinuturing talaga ako nitong prinsesa. Ang mama ko naman ang mahigpit sakanilang dalawa.Tila nakuha nya ang pagiging mahigpit saakin Lolo. "Ayos naman Hija, nang galing kami sa mga hotel at sa coffee shop natin para tignan ang tauhan roon."

"Maybe you can start coming with us para tuluyan mo ng matutunan ang pag takbo ng mga Negosyo Catalina." Sabi ng Mama. Napasimangot naman ako sakanyang sinabi.

"Ah, pupunta kami ni Jadiel sa bagong coffee shop sa bungad ng syudad upang tikman ang kanilang kape." Tumango tango ang mama.

"That's nice, sana lang ay hindi mauwi sa gala ang inyong alis ni Jadiel." Matapos ay uminom si Mama sakanyang wine.

"Ana" Tawag ng Papa sakanya.

"What? I'm just saying, nag papaalam sya satin ng mga ganito bagay ngunit mamasyal lang naman sya."

"It's okay pa." nginitian ko ang aking papa ng tipid at tinapunan ng tingin ang aking mama. "I'll go there for our business, mama"

"Make sure to go home early dahil dadating sila Vivian sa araw na iyon." Sabi ni Mama.

"Vivian?" Tanong ko sakanila.

"Your Tita Vivian and Tito Ferdinand? Saadvedra?"

"Ah! Hindi po ba nanalo Governor si Tito Ferdinand nung huling eleksyon sa lalawigan nila?"

"Oo kaya nga dito sila kukuha ng wine para sa kanilang celebrasyon. Besides matagal na kaming hindi nag kikita ni Vivian. It's been a year." Saad ng mama.

Nag kibit balikat na lang ako at itinuloy ang aking kinakaen.

Dumating ang Lunes at nag antay na lamang ako ng alas 3 para mapuntahan si Jadiel sakanilang bahay. Nag suot ako ng putting mom's jean at Fit na black cropped top at Denim Jacket. Nag white rubber shoes ako at nag suot ng beltbag, tinali ko ang mahaba kong buhok ng patrintas. Pag baba ko ay abala sila Manang Dulce sa hapag para siguro sa mga bisita.

"Dulce, aalis na ako"

"Mag iingat ka Catalina at umuwi ka agad magagalit si Analia kapag hindi ka nakadalo ng hapunan."

"Opo, mauna na ako."

Umalis na ako at pinaandar ang aking kotse papunta sa bahay nila Jadiel. Naabutan ko si Tiya Antonia na dinidiligan ang kanyang mga halaman. Malaki rin ang bahay nila Jadiel, subalit mas malaki ang saamin. Marahil, pamilya namin ang pinakilala dito sa batangas. Meron naman sila sariling sasakyan kaya lang ay ganito na kami ni Jadiel, gusto ko ay lagging iisang sasakyan lang ang aming gagamitin kapag kami ay aalis.

"Magandang Hapon Tiya Antonia!" Bati ko pag kababa ko ng aking sasakyan.

"Catalina! Halika pumasok ka at mag mirienda!"

"Wag na po Tiya, mag mimirienda po kami ni Jadiel sa bagong kapehan, nabanggit po ba nya?"
Pumasok pa rin ako sa bahay nila para doon antayin si Jadiel.

"Ah oo nga! Inumin? Umupo ka Catalina nag aayos pa si Jadiel sa taas pero matatapos na din iyon." Pumunta sya sa kusina upang kumuha ng aking maiinom.

Tumango tango ako. "Si Alicia po?"

"Andon sakanyang kaibigan, mag aaral daw para sakanialng darating na exam." Sabay lapag nya sa inumin sa lamesa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 30, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Childhood SweetheartWhere stories live. Discover now