Chapter 1

3 0 0
                                    


"Dulce, ang mama?"

"Nasa syudad kasama ang iyong Papa, Bakit?" Tanong nito na hindi inaalis ang kanyang mata sakanyang ginagayat. "Marta, kuhanan mo ng mirienda ang Senyora"

"Wag na, aalis ako" Nginitian ko sya.

"Saan ka nanaman pupunta?" Si Dulce ay matagal na naninilbihan sa amin. Katunayan ay sya ang nag alaga sa aking mama nung ito ay Dalaga pa kaya naman sya na rin ang tinuturing kong pangalawang ina. Hindi ako sumagot, kinuha ko ang susi ng aking kotse upang mag lakad papunta sa garahe.

"Catalina, saan ka nanaman pupunta? Hahanapin ka nanaman ng iyong mga magulang pag dating nila" Nakasunod sa akin si Dulce. Tila nag aalala sa pwedeng maging reaksyon ng aking mga magulang.

"Wag kang mag aalala, ako bahala saiyo" Ngumiti ako sakanya at sumakay sa akin sasakyan. Sinilip ko si Dulce at Nakita na napailing na lamang sya.

Katunayan ay gusto ko lamang pumunta sa Winery para puntahan si Jadiel (Yadiel) sya ang matalik kong kaibigan. Pinag babawalan kasi akong pumunta kung saan saan lalo na at padilim na. Pag dating ko sa winery ay agad kong nakita si Tiyo Fabian, tila hindi ito nagulat saakin pag bisita kahit pa alas kwatro na ng hapon. Alam ng mga tauhan namin na hindi ako maaring pumunta dito ng mag isa dahil madilim ang daan papunta dito.

"Catalina, magandang hapon!"

Agad ko syang sinalubong ng aking mano. "Magandang hapon din po Tito Fabian, anjan po ba si Jadiel?"

"Oo, andon sa pangatlong bodega ng alak. Malamang ay patapos na din iyong sakanyang ginagawa."

"Sige po, Salamat po!"

"Alam ba nila Analia na andito ka?"

"Mauna na po ako!" Sabay takbo papunta sa pangatlong bodega.

"Ikaw talaga na bata ka!" Kumaway ako sakanya at nginitian sya bago tuluyan lumiko sa may bodega.

Hindi naman kalayuan ang pangatlong bodega ng aming mga alak mula kung saan ko iniwan ang aking kotse. O siguro ay sanay na ako sa lawak ng aming Winery. Sila Tiyo Fabian, ay matalik na kaibigan ng aking mga magulang simula pa ng buhay sila Ama. Kaya naman naging matalik na kaibigan ko na din si Jadiel. Sya ang nakakalaam lahat ng aking sikreto.

Nakita ko si Jadiel na abala sakanyang ginagawa. Tila, nag bibilang ito at sinasalansan maayos ang mga alak. "Mabasag mo yan." Ginaya ko ang tono ng boses ng aking mama, dahil nakakatakot ang boses nya. Lahat halos ng tauhan dito ay takot kapag sya ang nag salita.

"Hindi ko mababasag kung hindi ka mang gugulat, Catalina." Napanguso ako dahil alam na nya na ako ang nasa loob ng cellar.

"Sana man lang nag panggap ka na nagulat ka."

"Ano nanaman kelangan mo?" Patuloy lamang sya sakanyang ginagawa at tingnan lamang ako ng bahagya.

"Pumunta tayong syudad sa isang araw, bukas na ang maliit na coffee shop doon." Umupo ako sa mataas na upuan at nilagay ang aking kamay sa barrel table.

"Hindi ba magagalit ang Tiya Analia at Tiyo Joaquin? Meron kayong sariling kapehan at gusto mo tumikim ng ibang kape?"

"Hindi mo naiintindihan, syempre pupunta tayo don upang tignan kung masarap ba talaga ang kanilang binebenta no."

Napatigil sya sakanyang ginagawa at lumapit sakin.

"Kelan?"

"Sa Lunes?"

"Nako, magagalit si Tatay pag iniwan ko sya dito. May mga bisita tayo sa Lunes at mukhang importante ang mga ito." Napangalumbaba ako sa dismaya.

"Itatanong ko kay Tiyo kung maari bang si Lorenzo na lamang ang mag unlak sa mga bisita" Ngiti ko sakanya.

"Catalina wag na. Nung isang lingo lang ay gayon din ang iyong ginawa nung gusto mo mag pasama umakyat sa bundok. Sabi mo pa ay titignan mo ang mga halaman na maari mong ilagay sa inyong hardin, pero nag hiking lang tayo. Ang tagal natin non sa bundok pero kumuha ka lamang ng litrato. Nung isang isang lingo rin ay sinabi mo kay Tatay na pupunta ka sa baba upang matuto kung paano gumawa ng mga basket kay Aling Mercedes pero inaya mo lang din ako para pumunta sa syudad at mamasyal."

Totoo naman gusto ko matutunan ang pag gawa ng basket at makisalamuha saaming mga tauhan dahil sa gayon ay mas matutunan ko ang pag papatakbo ng aming mga Negosyo. Pero sa katunayan ay nalulungkot kasi ako sa mansion mag isa.

"Alam mo naman na-"

"Malungkot mag isa sa mansion, eh bakit ba kasi ayaw mong aralin itong winery nyo?"

"Alam mo naman na hindi pa yan ang gusto kong gawin."

Napailing na lamang si Jadiel at pinag patuloy ang kanyang trabaho.

"Hindi mo talaga ako sasamahan sa bagong kapehan?"

"Hindi nga."

"Ang hina ko na sayo." Tinignan ko lamang sya at napatingin din sya sakin. Matagal ang kanyang titig tila ba nag iisip. Madaming nag kakagusto kay Jadiel dahil sa kanyang maamong mukha. Tila seryoso palagi ngunit pag iyong nakilala ay napakabait. Si Jadiel ay matangkad at medyo mestizo, matangos ang kanyang ilong at bilugan ang kanyang mga mata.

"Anong oras ako pupunta sa mansyon nyo?"

Napangiti ako. "Sabi na di mo ako matitiis! Susunduin kita sainyong bahay alas tres ng hapon!" Takbo ko pataas ng cellar. Pag akyat ko ng cellar ay saktong tumatawag si Mama.

"Catalina, nasaan ka nanaman?"

Napakagat ako sa aking daliri. "Nasa winery ako mama."

"Bumalik ka na dito upang mag hapunan." Hinawi ko ang aking buhok na humarang sa aking mukha gawa ng hangin. Napansin ko na hindi naman sya galit, binaba ko ang tawag at hinanap ulit si Tiyo Fabian.

"Tiyo!"

Napatingin sya sa akin at ngumiti. "Saan nanaman kayo pupunta?" Napangiti ako dahil alam na nya ang aking sasabihin.

"Sa bagong coffee shop lang Tiyo. Titikman ko kung masasarap ba ang kanilang tinitindang kape."

"Anong oras kayo roon?"

"Alas tres po, susunduin ko na lamang po si Jadiel sainyo."

"Mag ingat ka pauwi!" Tumango lamang ako at sumakay na saakin sasakyan. 


__

Hello! Please support! ü

Thank you!

My Childhood SweetheartWhere stories live. Discover now