"Alright," tanging sambit ko at bumaling kay Comet na igting na ang pangang nakatitig sa kaniyang baso.

I took a deep breath and looked away.

"Nandiyan na sila! Let's eat!" anunsyo ni Cohen.

Tumayo kami nang dumating na ang dalawa. Kaniya-kaniya kaming kumuha ng sariling mga plato at pagkain. Puro seafood ang naka-serve sa buffet at ang lahat ng iyon ay halatang masasarap. Kumuha ako ng lobster at shrimps. Dinamihan ko ang sugpo dahil paborito ko iyon.

"Gutom ang bata," Comet's taunting voice echoed beside me.

Nakasimangot ko siyang tiningala. "I'm always on diet. Kaya marami ang kakainin ko rito," I reasoned out.

Tumango siya habang nakangising kumukuha ng pagkain niya. Hindi man lang niya ako sinulyapan. Umirap ako at kumuha pa ng isang lobster dahil mukhang kulang iyong dalawa sa akin.

"What drink do you want?" he asked silently.

"I'm fine with Sprite and water," I retorted.

"Alright. Ihahatid ko sa'yo mamaya," aniya.

Tumango ako at kumuha ng tig-iisang Salmon at Tuna. Iniwan ko siya roon at nagtungo na sa aking upuan. Kababalik lang din ni Casimir na mayroon nang dala. Hindi ko na sila hinintay at nagsimula nang lantakan ang sugpo.

"Dami naman niyan, Sahri," tawa ni Imari.

"At least, hindi mamamatay na gutom," I replied.

The buttered shrimp is absolutely delightful! Nanuot sa aking dila ang bawat tamis noon. Malambot ang laman at madali lang balatan. Tumingala ako nang may maglagay ng isang basong Sprite at tubig sa tabi ng aking pinggan.

"Ayan 'yong pinaabot mo sa akin," Comet muttered smoothly.

"Thanks!" ngiti ko.

Pumunta siya sa kaniyang puwesto at kumain na. I didn't peek at anyone since I don't want them to notice that there is something odd between us. Mabuti na lang at gutom ako kaya tuloy-tuloy ang kain ko.

"Mga alas cuatro na natin gawin ang panghuli. Antok na antok na ako," ani Conrad at sumimsim sa kaniyang baso.

"Baka bangungutin ka niyan sa sobrang busog," tawa ni Cohen.

"Mas magandang mamatay sa bangungot kaysa mamatay sa gutom," halakhak ni Casimir.

Ngumisi ako at sumimsim sa aking baso. Humihikab na sila, halatang antok at pagod. Sabay-sabay kaming umalis doon at nagtungo na sa sarili naming mga kuwarto. Bagsak kaagad si Imari sa kama.

I yawned. "Rest, finally..." I murmured and let the dark succumbed to me.

Kulang ang tulog naming lahat kaya tama lang na magpahinga kami ng dalawang oras o higit pa. Tutal, isa na lang ang hindi namin nagagawa. Mamayang gabi ay mag-iinuman na lang kami sa tapat ng dagat. It'll be fun, for sure.

I'm wearing a red seamless one-piece bikini. Pinatungan ko iyon ng rash guard bilang pang cover-up sa pang-ibabaw ko. Mas maingay pa ang tawanan nila kaysa sa makina ng bangka. The boat is huge, kaya hindi kami nagdikit-dikit.

"Picture-an mo 'ko, dude. I-s-send ko kay sisiw, baka miss na niya ako," ani Cohen at pumuwesto sa dulo ng bangka.

Conrad took a shot of him. Inaya ako ni Imari na mag-picture din. Kaniya-kaniya kaming kumuha ng litrato. Tahimik ang bangkero sa nguso ng bangka at nakatingin lang sa malayo.

"Nandito na po tayo," anito.

Kaagad kaming nag-ayos. We wore the required gears. Hindi sasali si Grecia dahil pagod pa rin daw siya. I don't mind, I'll enjoy this one.

SPHEROID CHAMBERS 1: Saccharine Harmony Where stories live. Discover now