"Sure, Icai. Ipagkait mo ang magandang buhay para sa anak mo. First born ng Esquivel si Riley. Damn.. His father is a CEO of an airline."
"I can give Riley his needs. Hindi ko siya kailangan." sagot ko. Ayokong isipin nila na pera lang ang habol ko kaya ko ililitaw si Riley. And besides.... Hindi nga niya alam that Riley is even existing!
"Ikaw hindi. Pero ang anak mo ay kailangan siya. Wake up Gotica! Hindi kapa ba nakaka-move on kay Rajan?"
Napatingin ako sa paligid at pinanlakihan siya ng mata. "Shhh.. You're drunk, Alice! Go home." salita ko.
Walang nakakaalam na si Rajan Duke Esquivel ang ama ng anak ko. He's a high profile business tycoon and a monster in the industry.
Believe me, sobrang proud ako sa kung ano man ang narating niya. I don't blame him for anything kasi hindi naman niya ako pinaasa. Sadyang sarili ko lang ang pinaasa ko at umasa.
I was his big secret. I'm always his secret. Ayokong guluhin ang maayos na buhay ni Raj. I know my son deserves to know his father pero hindi ako handa. Hindi ako handa sa pwedeng mangyari kapag nangyari iyon.
"Oh... You don't want the Duke to meet the Prince Riley? Bala ka jan!" iritable na umiling si Alice at tinalikuran ako.
Ilan taon akong lumayo at nagtago. But now... Handa naba talaga akong bumalik? Tinakasan ko siya pero hindi ko siya matatakasan habang buhay dahil si Riley ang nag uugnay sa amin dalawa. Kahit tumakas ako, Riley is our strings.
But then.. Maybe, I really want Rajan to meet our son. Hindi ko man mabigyan ng pamilya ang anak ko, gusto ko man lang tanggapin siya ng ama niya. Nothing at all. Yun lang.
Pero siguro.. Mas ayos na kaming dalawa nalang ni Riley. I can handle the pain. Pero hindi ko kayang ang anak ko ang masaktan kung sakali.
"I'm gonna miss you," salita ni Raffy ng papasok na kami sa airport. Halos nakapikit pa si Alice sa gilid na halatang hinablot nalang nila kama.
As much as I want the drama. Hindi ko iyon pinakita sa kanila. Ayoko kasing sabihan nila na nag iinarte ako kahit ako naman ang pumili nito.
Ngumuso ako kay Raffy." You'll be there in a few weeks. Wag ka nga." I chuckled. Walang nagbago sa itsura ni Raffy. He looked so miserable.
"Still," bumuntong hininga siya. Lumapit siya sa akin. Napaatras pa ako ng hawakan niya ang batok. But then, he still able to kiss me sa lips. Nanigas ako sa kinatatyuan at pansamantalang nagwala ang puso.
I've been kissed long time ago this isn't new pero iba pala ang pakiramdam. I never dated anyone or entertained anyone when Riley came into my life. It feels, ugh!
Yumuko ako dahil alam kong namumula ang pisngi ko.
"Mag iingat kayo. See you soon." Sagot ko ng hindi na siya o sila tinignan.
Riley's expression when he saw a real plane was priceless. Kahit matagal ang naging byahe ay hindi siya natulog. Literal na inaral niya ang itsura sa loob ng eroplano.
Hila ko ang maleta namin ni Riley habang nagtatalon siya sa loob ng airport at tuwang tuwang tinatanaw ang lugar.
"Riley, behave." Saway ko sa anak na hindi mapigilan. Tuwang tuwa siya sa buong lugar kahit wala naman kakaiba at nakakatuwa.
Inupo ko si Riley sa waiting area para bumili ng pagkain niya. Hinihintay ko pa kasi ang driver nila Alice. Doon kasi muna kami tutuloy at doon ko iiwan si Riley kasama ang matagal na nilang kasambahay.
Umorder ako ng dalawang burger at inumin para sa amin. Nataranta pa ako ng bahagya ng mahulog ang wallet ko. Bumaling ako sa anak na tahimik na nagmamasid.
"Ito po ang bayad." Sabay abot ko ng pera. Bigla akong napalundag ng bigla ko marinig ang iyak ng anak.
Pagbaling ko sa kanya ay nakita ko siyang nakadapa sa gitna at umiiyak. Mabilis sana ako lalapit sa kanya ng may isang lalaki na may dalang maleta ang yumuko para itayo siya.
Nanlamig ako sa kinatatayuan ko at hindi makagalaw ng makita ko si Rajan ito.
"Are you okay?" He asked Riley. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.
Tumango si Riley ng sunod sunod. Malaki ang ngiti ni Raj at marahan hinaplos an buhok ng anak ko.
"Where's your mom?" Tanong ni Raj. Gusto ko man tumakbo dahil sa takot ay hindi ko talaga maigalaw ang katawan ko.
Nakakatitig si Riley kay Raj. "Thank you, sir. But I will go back where she left me. She just buy our food."
Kumunot ang noo ni Raj. Titig na titig siya sa anak ko at ti-nap ang ulo.
"Okay. Careful next time." He said. Nakita ko pang nagdadalawang isip siyang iwanan si Riley.
"Go sir. I'm fine. I'm a big boy na." Sagot ni Riley. Natawa pa si Raj at umiling. "I can see that. You are so smart."
Tuluyan ng umalis si Raj habang ako dito ay mahihimatay na yata sa sobrang kaba.
"Mama!"Riley shouted. Mabilis siyang tumakbo sa akin at nakangiting kinuha ang pagkain kong dala.
God! Welcome back to us, right?
BINABASA MO ANG
Our Strings (Strings Series 3)
Non-Fiction"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love me.." she wiped her own tears. "Yung ako naman.. yung ako lang..."
OS- Kabanata 15
Magsimula sa umpisa
