"Si Vince? Mahal na mahal ka'nun. Alam mo ba nung naiwan kami sa Japan? Lagi kang hinahanap nun, umaga hanggang gabi. Hanggang sa di nya kinaya. Umuwi sya dito. Niligawan ka...." pinisil nya muna ang ilong nya at pinagpatuloy...

"Sorry kung iniisip mo ngayon na ako ang dahilan ng break-up nyo. Naging kontrabida na'ba ako?" Nagsimula ng tumulo ang luha ni Thai. Hindi ko alam kung maawa ba ako o ano.

"Isipin mo na kung ano ang gusto nyong isipin, ann. Aaminin ko may gusto ako sakanya. Mahal'ko sya. Pero ako lang ang nagmamahal sa'min dalawa." Di ko maintindihan sinasabi nya. Anong gusto nyang iparating? Lovestory nya ganon.

"Kinuha ko sya. Sinadya ko'yun pero pwede bang pagbigyan mo'ko ann. Kahit di ta'yo magkaibigan, kahit ngayon lang ta'yo nag-uusap. Kaya mo ba syang ibigay sa'kin?" Naiiyak na sabi ni Thai sakin.

Ano? "Ano pang magagawa ko kung hindi na ako mahal ng isang tao?" Hindi ako superhero para ipaglaban sya. Lalaban ako? Para saan? Hindi na nga ako mahal diba e ano pang ipaglalaban 'ko?

Magmumukha lang akong tanga.

Sapat na yung nagpakatanga ka sa una, pero matuto ka naman. Bumangon ka, hindi lang naman umiikot ang mundo para sa katangahan natin e. Kundi dahil sa bagong araw at bagong buhay. Stop the katangahan.

"No. Mahal ka ni Vince. Mahal na mahal pero.. hihiramin ko'lang sya." Sabi nya na nagpaano sa puso'ko.

Ako mahal ni Vince? Kung bumabawi lang si Thai. Hindi. Hindi ko na sya pag-aari bakit hihiramin 'pa sya?

"just this time. Pinilit ko lang sya. Pagkatapos ng bakasyon natin dito? Baka ooperahan na ako. And i want him in my side...."

--

LA'S POV

"Sir sorry po. Full na'po ang mga rooms e. Bukas po siguro pwede." Sabi nung babae sa harapan'ko. Kamalasan naman. Puno pa ang mga rooms? Saan kami matutulog ngayon? Sa dagat.

"Kuya La, we should sleep na'lang sa car then we make balik here bukas." Sabi ni Charice habang nakahawak sa braso'ko.

Napakamot ako sa ulo. Hays. Paano ba ito?

Tiningnan ko'yung mga kasama ko at busy sila sa kanya-kanyang gawain nila. Si Leila nagseselfie. Si Fifth nagsasoundtrip habang nagheheadbang. At si Robin naman mukhang may katext pa o kachat.

Dapat talaga hindi ko sinama ang mga'yan e. Ako lang namomroblema dito o.

"Sige na nga tara." Sabi ko pero may nakita ako na kakababa lang sa elevator.

Oh, si Jahn ba'yun? Nandito rin'yan! Waw.

"It's jahn diba? Your friend?" Tanong ni Cha sakin. Tumango lang ako sakanya at lumapit ako kay Jahn.

Halata naman nagulat sya. Sino ba naman hindi magugulat sa biglang sulpot ng tao diba?

"La, tumataba ka ata" bungad sakin ni Jahn. kita mo nga naman 'tong lalaking 'to. Bastusan lang..

"Sino kasama 'mo pagpunta dito? Thank you na'lang." Sabi ko.

"Si jane kaso naglq kami e." Sabi nya na halatang malungkot sya.

"Si jane lang wala ng iba?" Biglang sabat ni Fifth. Isa rin 'tong bastos e.

Kitang naguusap yung tao biglang sasabat. "Oo. Bye." tipid na sabi ni Jahn sabay alis.

"oy teka. Di pa tayo tapos." Itatanong ko pa sana kung may kwarto kayo. T.T

Nakakaiyak naman.

My Secret BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon