Maluhaluha ang dalawang magkaibigan.

TOK TOK TOK..

Pumasok si Grayson sa silid ng bata. Kasama nito si Graydelle.

"Hello, Baby Gray." bati ni Graydelle sa sanggol. Agad itong binuhat at hinalikan ang pisngi. Natutuwa naman si Grayson sa ipinakita ng dalaga. Habang sina Neneng naman at Yzyl ay naiinis na makitang muli ang babae. Inilabas nina Grayson at Graydelle ang bata sa silid nito. Hindi na nagawang sundan ng dalawa.

"Yzyl, anong gagawin mo ngayon? May balak ka na bang aminin ang totoo kay Grayson? Bilisan mo at baka mapornada pa ang lahat."

"Hindi pa muna Neng. Hindi pa ito ang tamang panahon. Tsaka, pwede pa namang makapaghintay 'yong abogado."

"Eh ang pinagkautangan ng tatay mo?"

Napaisip si Grayzyl.

"May panahon pa Neng. Magagawan ko pa ito ng paraan."

Positibo pa rin si Grayzyl na malulusutan ang problema nito kay Troy. Ngunit hindi maiwasan ni Grayzyl ang mangamba. Dahil napapaisip s'ya kung paano maipapaliwanag ang lahat kay Grayson. Ayaw n'yang pati si Neneng ay madamay.

Habang tumatakbo ang mga araw..napuno ng saya ang bahay ni Grayson. Madalas napapaaga ang uwi ng binata. At madalas na ring pumupunta si Graydelle sa bahay nito. Ligid sa kaalaman ni Grazyl lihim na pinag-aaralan ng kapatid ang loob at labas ng bahay ni Grayson. Nakatuon kay Yzyl ang pakay ni Graydelle tuwing napapadalaw sa Pearl Farm.

Minsan..Maagang umuwi si Grayson galing sa isang Business Transaction. Inabutan nitong nasa balkonahe sina Grayzyl at ang sanggol. Parehong natutulog ang dalawa. Nakaupo si Grayzyl sa rocking chair. At nasa kanyang dibdib ang natutulog na sanggol.

Dahan dahang lumapit si Grayson. Ilang buwan narin n'yang lihim na sinubaybayan ang kilos ni Grayzyl sa pag-alaga ng bata. Masasabi n'yang halos lahat ng oras nasa tabi ng kanyang anak ang dalaga. Mapaaraw o gabi..laging magkasama.

Ibang iba ang kilos ni Yzyl kay Graydelle. Ni minsan hindi tumagal si Graydelle na kalungin ang bata. Malimit agad nito binibigay kay Grayson. Gayun paman, malakas ang kanyang kutob na si Graydelle ang kanyang DONOR. Iniisip n'yang naghihintay lamang si Graydelle nang pagkakataon upang aminin sa kanya ang totoo.

Dumaan pa ang mga araw.. Inabutan ni Grayson na nag-uusap sina Neneng sa hardin. Nasa lilim sila ng isang puno. Habang ang sanggol ay nasa stroller nito. Lumapit si Grayson at nakisali sa dalawa.

"Neng, putulan mo ng kunti ang bangs ko." Utos ni Yzyl.

Kumuha si Neneng ng gunting at sinimulang putulan ang bangs ni Yzyl. Sinuklay pa nito ang buhok ng kaibigan sa likurang bahagi.

"Ang ganda ng buhok mo." Sabi ni Neneng.

"Aray! dahan dahan naman Neng. Masakit eh." Reklamo ni Yzyl dahilan napapatawa si Neneng. 

"Maldita ka kasi kaya pati buhok mo lumalaban. Tignan mo sumama pati sa suklay. Ayan ang mga hibla. Kasama 'yong dulo. Di bale tutubo rin naman." Turo pa ni Neneng ang mga buhok ni Grayzyl na umipit sa suklay.

"Isinama mo na yata pati anit ko." Nakapangiwi pa si Grayzyl habang kinukuha ang mga hibla ng buhok sa suklay.  Inilagay ni Yzyl ang mga hibla ng kanyang buhok sa isang pahina ng aklat -TEMPLE OF A THOUSAND FACES. Nakita ni Grayson ang pahina : 143.

KRINGGGG KRINGGGGGGG....

Isang International Call ang tumatawag para kay Yzyl. Bahagyang lumayo ang dalaga.

"Hello."

( Hello, Gray. Kumusta? Ilang buwan na lang ang natitira at mag-iisang taon na ang pinagkasunduan natin. I'm so excited to see you again. )

Mr. & Ms. GrayWhere stories live. Discover now