Chapter 3: Lawyer Noah

50 13 0
                                    


Kailan mo tutuparin ang mga pangarap mo? Kailan mo rin ba masasabi na yun ang pangarap mo? Susundin mo ba ang gusto ng magulang mo o tutuparin mo kung anong gusto mo?

Basahin kung paano naging Abogado ang Dating Hopeless Romantic na si Noah

Noah's POV

~2003
9 na taong gulang pa lamang ako non, Hinding hindi ko malilimutan ang araw na yon dahil may isang bagay ang itinuro ng aming guro na tumatak sa puso at isipan ko.

May tinanong ang aming Guro

"Ano ang pangarap niyo paglaki niyo?" tanong ng aming guro

"Guro" "Bumbero" "Pulis"

"Abogado!" sagot ko sa aking guro

"Ipaliwanag mo Noah bakit yan ang pangarap mo" tanong ng aming guro sa akin

"Kasi po... Kasi po..." putol putol na sagot ko

"Kasi?" tanong ng aming guro

"yun po kasi ang gusto ni mama at papa" ang sinagot ko sa aking guro

isang aral ang tinuro sa amin ng aking guro
"Ang pangarap ay hindi madidiktahan ng kahit na sino man, ikaw lamang ang makakapag sabi at makakatupad ng pangarap mo. Sundin mo ang puso mo wag mo sundin ang sinasabi ni Iba"

Author's Note: Ang sinabi ng guro ay katotohanan, Kayo lamang ang makakapili at makakagawa ng mga pangarap niyo.

Noah's POV
~2025

ngayong matanda na ako hanggang ngayon nasa puso at isipan ko pa rin ang sinabi sa anin ng aking guro. Bakit nga ba Abogado ang pinili ko kahit pa na alam ko na magulang ko lang ang may gusto non para sakin?

~2021

matapos ang insidente na may nakita akong babaeng naka bigti at napansin ko ang mga pasa,

"Hindi 'to tama, may ibang nangyari dito" sinasabi ko sa isip ko. Dahil hinihinalang suicide ginawa na itong case closed.

sinabi ko sa aking magulang na
"Mag tatake ako ng Law"

Bakas sa mga mukha nila ang saya at tuwa dahil ito ang pangarap nila para saakin, Abogado si Lolo abogado rin si Papa. Gusto nilang hindi matapos kay Papa ang Pagiging Abogado sa Pamilya namin.

"Masayang masaya kami para sa'yo, Anak" natutuwang sinabi saakin ni Mama

"Kung buhay lang ang lolo mo ngayon malamang magiging masaya yon para sa'yo" ang sinabi ni Tatay

Isang magaling daw na Abogado si Lolo, Kilalang kilala rin daw siya dahil sa mga naipapanalo niyang kaso at dahil matapang rin ito.

Namatay si Lolo nung Binaril siya ng isang nakatakas na naipakulong niya, sa ngayon naka kulong na uli ang pumatay sa Lolo ko.

Isa ang bagay na yan kung bakit natatakot ako mag abogado, paano kung mangyari saakin ang nangyari kay Lolo.

Ganun pa man, Tinuloy ko ang Abogado para marami akong matulungan at para na rin maging masaya ang aking mga magulang.

Mahirap man mag abogado pero nagsumikap ako, andaming kinabisadong batas pero nakayanan ko naman. Hanggang sa minahal ko ang Pagiging Abogado.

Palagi kong niloloko sila Papa na mag baback out na ako

"Ma, Pa. Suko na ako di ko na kaya" palagi kong sinasabi sakanila

"Bakit kasi yan ang kinuha mo" tanong ni papa

"Hindi kaya na pressure natin ang anak mo?" tanong ni mama kay papa

"Diba Noah kaka test niyo lang? Kumusta scores mo?" Tanong sakin ni Papa

"Bagsak ako" seryosong sabi ko sakanila

"Pwede ka pa naman Bumawi, Anak. Patingin nga" Ang sinabi ni Mama

inabot ko ang test at nakita nila ang aking score na 98/100

"Mana ka talaga sa Papa mo, Anak" proud na proud na sinabi ni Papa

"Ano sa'yo, Sa akin nag mana ang anak natin!" sagot ni mama kay papa

Masaya ako na masaya ako at masaya rin sila.
Gusto ko lang naman na maging masaya sila. Kahit hindi na ako masaya, makita ko lang sila sumasaya na ako.

~2025

Matapos kong malaman na wala pa ring Hustisya ang naganap sa Babaeng nakita naming nakabigti sa Resort.

Matapos ko makausap ang kanyang Ama at nalaman kong hindi pa rin nabibigyan ng Hustisya ang nangyari sa kanyang Anak

"Hanggang kailan magbubulagbulagan ang mga Tao? ang Hustisya nga ba ay para sa mga mayayaman lamang?" Isa ito sa mga palaging pinanghihinayangan ko na hindi nabibigyan ng Hustisya kung hindi mayaman ang Biktima.

Maraming kaso na aking napag tagumpayan, Marami na rin ako naipasok sa Kulungan.

Pero, sa ngayon mag fofocus ako sa Kaso ni Monica. Inaantay ko lamang ang tamang panahon at tamang Pagkakataon. Hindi ako titigil hanggang hindi naaayos ang kaso ni Monica.

January 22, 2025 - Monica's 4th Death Anniversary

Noah's POV

Muli kong naalala kung ano ang mga nangyari nung gabing 'yon. Naaalala ko ang mga Kakaibang nangyari sa Buhay ko, At kung paano nagbago ang Buhay ko.

"Muli kong bubuksan ang kaso. Ipapangako ko na Makakamit mo ang Hustisya mo, Monica" ito ang pinangako ko sakanya

Si Noah na nga ba ang magbibigay linaw at Hustisya para kay Monica? Matutupad ba niya ang kanyang pangako o susuko a siya dahil hindi niya kakayanin? Abangan lamang yan sa mga susunod na Kabanata.

Abangan sa Susunod na kabanata ang Pagbubukas ng Kaso ni Monica.

•End of Chapter 3

Deadly Love (Book 1)Where stories live. Discover now