Chapter 2: Suicide

56 12 1
                                    


"Eto na, Titignan na" huminahon ang boses ko

Kung ano man ang nakita ko hindi ako makapaniwala.....

Isang babae ang nakita ko sa loob ng isang kwarto ng resort, nakabigti ang babae ngunit sa tingin ko ay buhay pa. Napansin ko rin ang mga pasa sa katawan niya at sa tingin ko may umapi sakanya kaya nag bigti siya.

"Lucas! Raymond! Tulong!!" Sigaw ko

dali dali naman silang pumunta, nagulat rin sila kung ano ang nasa loob ng kwarto

"Ano nangyari dyan" gulat ang boses ni Leigh

"Akala ko tayo lang nandito sa resort, pa'no nagkaron ng Babae dyan" sabi ni Lucas

tumawag sila ng Security at naihabol pa ang babae sa ospital ngunit ito ay dead on arrival pagdating sa ospital.

"January 22, 2021
Time of death: 10:37PM" yan ang narinig ko nung dinala sa ospital ang Babae.

Magmula non, Hindi na uli kami nag outing na trauma kaming lahat

ang nakakatawa don nag break si Lucas at Leigh wala na, finish na.

umuwi na ako sa bahay non ng may nakita sila mama na kasama ko

"A-Anak, sino yang kasama mong Babae? Hindi mo naman sinabi saming may girlfriend ka na" sabi ni mama

Kinilabutan ako dahil wala naman anong kasama

"Mama" paulit ulit kong sagot kay Mama

tumakbo ako ng mabilis papuntang Kwarto.

ng mahinasmasan ako bumaba ako at pumunta kay Mama

"Mama, wala naman po ako kasamang umuwi" seryosong sagot ko

"Ha? eh sino yung kasabay mong pumasok ng bahay? nagulat nga ako ng bigla kang umakyat" seryoso rin ang sagot ni Mama

akala ko nagbibiro siya, napuno ng takot ang buhay ko.

Niyakap ko ng mahigpit si Mama at sinabing may nakita akong nakabigti sa resort

"Ano?! Kawawa naman yung babae" nagulat si Mama sa narinig niya

Inimbitahan kami sa Prisinto upang kwestyunin

"Ano ang ginagawa niyo sa Resort ng mga oras na yon?" tanong ng pulis

"Nagkakasiyahan po kami ng may marinig kaming kumalabog sa isang kwarto kaya pinuntahan ko ito" sagot ko

"Hindi kaya kayo ang gumawa non sakanya?!" Galit na sabi ng pulis

"Bakit naman po namin gagawin yon, icheck niyo pa ang CCTV" ang sabi ni Raymond

na review ang cctv at napatunayan na wala kami sa oras ng krimen

Ilang buwan na rin ang lumipas, unti unti ko ng nalilimutan ang itsura ng babae. pero hanggang ngayon palaisipan sakin kung ano ang tunay na nangyari.

May karapatan na ang taong kunin ang mga buhay nila? Tama nga ba ang ginawa ng babae na mag suicide? Ano nga ba ang tunay na dahilan kung bakit tinapos niya ang sarili niyang buhay.

~Year 2025

Lumipas ang maraming taon,

Gumraduate na ako at naging Abogado, muli kong pina buksan upang imbestigahan ang nangyari sa babae. Gumraduate na rin si Raymond at Lucas

May mga rason kung bakit hindi na nawala sa isip ko ang mga nangyari nung gabing yon.
Gabi gabi ko napapanaginipan ang nangyari nung gabing yon.

Pumunta si Noah sa Malapit na prisinto kung saan nila nakita ang katawan ng babaeng nakabigti

"May incident report ba kayo ng nangyari ng sa babaeng nagbigti sa isang resort malapit dito" Tanong ko sa mga pulis

"Anong taon ang tinutukoy mo?" tanong sakin ng pulis

"Year 2021" sagot ko

"Monica Bustamante" yan ang pangalang ibinigay sakin ng mga pulis,

"may kakilala ba kayong pamilya ng biktima?" tinanong ko ang pulis

Nagulat ako ng umiyak ng umiyak ang pulis

"Bakit po?" tanong ko

"Ako ang ama niya" sagot ng pulis

tinanong niya ako kung Bakit ko tinatanong ang tungkol sa nangyari sa anak niya

"Nabigyan na po ba ng Hustisya ang anak niyo?"

"Hindi pa, alam kong hindi magbibigti yang anak ko lalo pa na lumabas sa autopsy na nirape ang anak ko!" galit na sagot ng pulis

"Tulungan mo ako mabigyan ng Hustisya ang anak ko" Umiiyak at Nag mamakaawa ang pulis

"Hindi po ako titigil, Ipapangako ko po yan sainyo. Justice will be served."

Nakipag kita ako kay Raymond at Lucas

"Naalala niyo ba yung Babae sa resort?" tanong ko sakanila

"Pa'no ko ba malilimutan 'yon, dahil don naghiwalay kami ni Leigh" sagot ni Lucas

"Bakit mo natanong pre?" tanong ni Raymond

"Oras na para bigyan siya ng Hustisya, Muli kong bubuksan ang Kaso." kinwento ni noah ang nangyari sa Babae

At nagulat na nga lang ang dalawa....

"Kawawa naman yung Babae" nagulat sila nung kinwento ko ang nangyari

Ang abogadong si Noah ba ang magbibigay ng Hustisya kay Monica? Nagsisimula pa lang ang Kwento.

• End of Chapter 2

Deadly Love (Book 1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang