Chapter 1: Hopeless Romantic

93 15 5
                                    

Chapter 1: Hopeless Romantic

Hanggang saan nasusukat ang Pagmamahal?
Handa mo bang gawin ang lahat mahalin ka lamang? Marami sa atin ang Walang jowa kaya gusto magkaron nito. Kailangan nga bang magkaron ng jowa upang ituring kang Kaibigan?

Narito ang kwento ng isang Hopeless Romantic na si Noah

Kolehiyo noon si Noah ng ma insecure siya sa mga Kaibigan niyang may jowa. Maputi, Mabait, Matalino, Matangkad at gwapo si Noah. ngunit, walang nagkakagusto sakanya.

"Lord hanggang kailan ako maiinggit sa mga Kaibigan ko" palaging dinadasal ni Noah.

Noah's POV

Oo na, wala na ngang jowa diba. Walang bebe time, Walang Ka Late Night Talk. Pero, Alam ko namang hindi ako nag iisa parang yung nag babasa ngayon wag kang ano wala ka ring jowa.

Hindi naman ako jowang jowa eh kaso naalala ko non nung Family Reunion namin

*Family Reunion*

"Noah, ikaw na ba yan? Ang laki naman na ng pamangkin ko. Kailan ang Kasal?" wika ni Tita Concha

"Ano ka ba Concha, wala pang girlfriend ang anak ko" nakakagulat na sagot ni Mama

Gusto ko na lumaho non, Hiyang hiya bakit kailangan pang sabihin ni Mama na wala akong Girlfriend

"Bakit naman wala? Gwapo, Maputi at Matangkad naman ang pamangkin ko ah. Napakababa naman ng taste ng mga kababaihan ngayon" wika ni Tita Concha

Medyo gumaan ang loob ko non kaso, may naalala ako. Wala pa rin akong Jowa

Kaya habang tumatagal nagtatanong nalang ako sa langit, Hanggang kailan ako magiging Single. Lord, Gusto ko na ng Jowaaaaaa

hindi pa dyan natapos yon, idagdag ko nung may Outing kaming Magkakaibigan

"O, ano mga tol? Kita-Kits Bukas ah" sabi ng Barkada kong si Lucas

eh etong mga tarantado hindi sinabing by pair pala dapat, nagmukha akong tanga. Dala dala nila mga jowa nila samantalang ako nag iisa.

Hays, Sanaol.

"Tol, Pasensya na di namin naalala na wala ka nga palang kapares" pabirong wika ni Ian

edi yon nag iinuman kami, maya maya unti unti ng naghahalikan si Lucas pati ang jowa niyang si Leigh.

"Tangina, Tol. Anong ginagawa niyo" lasing na lasing ako non kaya hindi ko na naisip ang mga sinabi ko

"Wala ka kasing jowa kaya hindi mo alam pakiramdam" nantritrip na sinabi ni Raymond

maya maya pa naghalikan na rin si Raymond pati Jowa niya,

"u-ugh, sarap" nakatingin si Lucas habang sinasabi niya yan para bang nang iinggit

Akala naman niya naiinggit ako sakanila ni Leigh? hahahhahaa, sanaol.

"Babe, kapag ba matanda na tayo mamahalin mo pa rin ako?" napaka lambing na tanong ni Leigh

"Bakit naman hindi? Minahal kita ngayon. Mamahalin kita kahit matanda na tayo" nakakakilig na sagot ni Lucas

ang nasa isip ko nalang
Hindi pa naman sila kasal, natatawa ako non ganun pala pag mag jowa. Nakakairita.

habang lumalalim ang gabi, unti unti na kaming inaatake ng kalasingan, maya maya lamang may narinig kaming kumalabog sa isang kwarto sa Resort.....

Hindi PS 'to, kaya wag niyo na asahan iniisip niyo

"Noah, Tignan mo nga kung ano yon" inuutusan ako ni Lucas

"Bakit ako inuutusan mo? Bakit hindi ikaw ang tumingin?" galit na boses ko

"Sa tropa natin ikaw lang naman walang kasama dito, Kung ayaw mo rin naman sumunod samin edi Umalis ka" gumanti ng galit na Boses si Lucas

Ako yung taong takot mawalan ng Kaibigan, Kaya gagawin ko ang lahat wag lang sila mawala. Sila na lang nga meron ako gugutihin ko pa bang wala sila?

"Eto na, Titignan na" huminahon ang boses ko

Kung ano man ang nakita ko hindi ako makapaniwala.....

*Flashback* //

Nagkaroon naman ako ng kasintahan noon, si Isabella ang pinaka naaalala ng Pamilya ko. Ikwekwento ko sainyo nangyari samin non,

Pinaka naaalala ko nung kumakain kami nung Pasko, hinalikan niya ako. Unti unti niyang sinasarado pinto ng biglang may nagsalita

"Kuya Noah what are you doing?" sabi ng pamangkin kong si Kurt

"We're just playing, go to sleep na" mahinahon na sagot ko

akala ko non tapos na ng sa....

Bagong Taon na Bagong Taon, Habang kumakain kami Family Dinner with Isabella, Masaya naman ang Dinner namin ng nagsalita si Kurt

"Mama-la(Mama+Lola) ang tawag ni Kurt kay Mama

"Bakit, Apo?" tanong ni Mama

"I saw Kuya Noah and Ate Isabella kissing last Christmas, but they said they are just playing" nag english ka pa nakakahiya sinabi Kurt

Nagtawanan silang lahat mas nahihiya ako para kay Isabella.

Si Kurt ay anak ng panganay kong kapatid na si Kuya Ace,

"Noah, walang masamang mag halikan pero wag mo naman ipakita sa bata HAHHAHAHA" pabirong sabi ni Kuya Ace

tumakbo si Isabella, Hinabol ko siya

"Let's Break up" sabi ni Isabella

umuwi akong magisa tinanong nila ako

"Nasaan si Isabella?"

"We broke up" ayoko na wala na finish na

after 3 yrs, wala ng sumunod. She's my first and last Girlfriend.

• End of Chapter 1

Deadly Love (Book 1)Where stories live. Discover now