Kagabi pa sumasakit ang tiyan ko pero hinihimas ko lang ang ito at pinipikit ang mga mata ko dahil akala ko kagaya ng dati, false labor.

“W-what? Akala ko ba next week pa ang due?!” Hindi niya makapaniwalang tanong at hinawakan naman ang kamay ko.

“Ano ba ang ginagawa ko dito kung next week pa ako manganganak?!” Urghh! Ang sakit na ng tiyan ko. Parang sinisiliban ng apoy ang buong katawan ko at pinagpapawisan na rin ako. Ang sakit sakit talaga. Baby, lumabas ka na please.

Ipinasok na nila ako sa delivery room kasama si Brent na nakasuot ng cap at hospital gown. Kung dati ay natatakot ako sa panganganak, hindi na ngayon. Mas nararamdaman ko ang sakit.

“Sige Briana, push,” sabi ng OB ko. Sinunod ko naman ang sinabi niya.

“Brent! Ikaw nalang ang umiri! Ang sakit na,” I shouted. He squeezed my hand, comforting me pero hindi talaga kaya. Mabuti sana kung siya ang manganganak dito para maramdaman din niya.

“Hindi pwede misis ko, nasa tiyan mo si Baby. Ngayon lang masakit iyan, babawi nalang ako sa performance ko.” Narinig ko naman na humagikgik ang mga nurse. Bakit iyon pa ang naiisip niya?!

“The baby’s head is coming out, push a little harder.”

“Isa lang ang magiging anak natin,” sigaw ko habang umiiri at sinabunutan ko na siya. Napapagod na rin ako sa kakairi pero kailangan kong makita ang anak ko.

“WHAT?! Sabi ko kasi sa’yo na C/S nalang. Doc, C/S na raw.” Kaibigan kasi ni Brent ang doctor kaya kung kausapin niya ay parang wala lang.

“We can’t Brent, andito na si baby. Push a little more and we’ll have him completely.”

“Ayaw ko sabi ng C/S!!” I push hard giving all my energy at patuloy ko pa rin siya sinasabunot. I don’t care kung sumisigaw na rin siya basta ang gusto ko lumabas na si baby.

“Here’s your little angel. Baby out, 02:38.” Narinig ko ang iyak ng baby namin but I still can’t see him dahil kinuha din siya ng nurse. I smiled and closed my eyes when I heard my little angel’s cry. It was like music to my ears.

“Good Job. Love you misis ko,” he whispered and kiss my forehead.

Naiintindihan ko na ang sinasabi nila na kapag nakita o nahawakan mo ang anak mo ay mawawala ang lahat na sakit. He is our little angel, Blake Alastair Mendrez.

 

~~~~

 

Tinitingnan ko ang mag-ama sa labas ng kwarto namin dahil ang cute nilang tingnan. Para silang isang picture na past at present. Sabi nila Xerox copy si Bambi ni Brent pero in denial pa ako kahit napapansin ko na rin. We’ve decided to call him Bambi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 07, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Married To My Boss (published by Lifebooks) Where stories live. Discover now