Ngumuso ang anak ko at kumunot ang noo. Napatitig ako sa kanya. He is carbon copy of Raj, walang duda. Ayaw ko man iyon ay wala akong magagawa. Iyan ang isang katotohanan na hindi ko na mababago pa. Bumaling siya kay Raffy ng masama ang tingin kaya natawa si Raffy habang tinataas ang dalawang kamay. "Chill, baby." Medyo awkward na si Raffy at halatang kinakabahan.

Nanliit ang mata kong tumingin sa kanya. Nag peace sign siya sa akin.

"Ano na naman ginawa mo kay Riley?" Tanong ko sabay irap sa kanya. Binalik ko ang tingin sa anak ko na halatang iritado pa din. Hinimas ko ang mahaba niyang buhok at pinusod. Simula pinanganak ko si Riley ay hindi ko pa pinapagupitan ang buhok nito.

I don't know why pero ang gwapo niya lang sa buhok niya ngaun.

"Wala ah." Sagot ni Raffy.

"Mama, sabi ni tito Raffy, siya daw ang papa ko." Sumbong ng anak ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at napatingin kay Raffy na nawalan na yata ng kulay.

Nakitaan ko ng sakit ang mga mata ng anak ko at lungkot. Never nagtanong si Riley sa akin about sa papa niya kaya nagpapasalamat ako doon. Wala din naman akong sinasabi sa kanya. But seeing the longingness on his eyes breaks me. I wish I could give him a family he deserves. Pero kahit gustuhim ko iyon, alam kong hindi ito mangyayari.

Alam ko naman na kahit mahalin ko ng todo si Riley. Iba pa din yung pakiramdam na buo kayo at may kinikilala siyang ama. I'm sorry Riley. That is something I can't give you. Even if I want to. Hindi natin makakasama ang totoong papa mo.

"Raffy!" Sigaw ko. Bago pa man ko pan din siya sugurin ay napangiwi na ako  ng may tumamang tsinelas sa ulo niya.

"What the!" Himas niya ang kanyang ulo habang nakangiwi. Napabaling  ako kay Alice at Jace na sabay dumating.

"Wag kang mag alala, Icai. Ako muna ang papatay kay Raffy bago ikaw." Seryosong salita ni Alice kaya natawa nalang ako at napailing sa kanya.

Tumakbo ang anak ko kay Jace at yumakap sa mga hita nito. Alam na alam ko na magsusumbong din ito kay Jace.

"Ikaw! Nababaliw kana ba? Bakit mo niloloko ang bata?" Galit na galit si Alice. I feel sorry for Raffy. Kasi kung paano ko mahalin ang anak ko. Ganoon din si Alice.

Masyado silang over protective sa anak ko at madalas ibigay ang luho kahit minsan ay ako na ang pumipigil sa kanila. That's something to be thankful though.

Through the years... naging mag boyfriend si Alice at Jace. Hindi ko lang alam kung paano nangyari iyon pero masaya ako dahil nakikita ko naman na masaya ang dalawa kong kaibigan.

Nakikita ko kung paano binuo ni Alice si Jace at kung paano napapasaya ni Jace si Alice.

"Icai," tawag ni Raffy sa akin tila ba nagsasabi na pigilan ko na si Alice. Patuloy ang galit sa kanya ni Alice at wala akong ginawa. Pinanlakihan ko lang siya ng mata at dinilaan. Pasalamat nalang din siya at hindi ako nakisali sa galit ni Alice.

Naghanda ako ng hapunan para sa lahat. Aliw na aliw si Alice, Jace at Raffy sa anak ko habang madaldal at nagpapasikat sa kanila.

Kumuha ng color pen si Raffy at bond paper sabay kandong sa anak ko.

"What are we going to do?" Matigas na ingles ni Riley. Kahit tagalog ko siya kausapan ay nasanay na siya kila Alice na madalas ang ingles siya kausapin.

"You will draw what do you want to be." Sagot ni Raffy. Titig na titig ako sa kanila habang nakangiti. Kahit minsan ay balasubas si Raffy kapag niloloko ang anak ko na siya ang papa niya ay hindi ko maitatanggi na naging mabuting father figure siya sa anak ko.

Naging mabuti siya sa anak ko at tinulungan ako palakihin ang anak ng walang pag aalinlangan.

Ang nakakatawa lang. Kahit noong baby pa si Riley ay palagi siyang niloloko na Raffy siya ang papa nito. Jinujustify niya iyon dahil parehong R daw ang simula ng pangalan nila.  Nagugulat lang ako dahil ni minsan, hindi naniwala si Riley sa kanya. Hindi ko din alam lung bakit pero hindi napaniwala ni Raffy na siya ang papa ni Riley kahit siya ang kasamang lumaki nito.

Kumunot ang noo ni Riley. May kung anong pinag uusapan si Alice at Jace kaya nawala ang atensyon nila kila Raffy. Patuloy akong nagluto habang nakatanaw sa dalawa. Seryosong gumuhit si Riley habang pinapanood ni Raffy na nakakunot ang noo.

"Mommy, look!" Sigaw ni Riley. Ngumiti ako sa anak ko at lumapit. Para akong binuhusan ng tubig na malamig ng makita ang munting eroplano na ginuhit ng anak.

Parang tumigil ang oras saglit. I never knew that Riley has a thing on planes until now.

"Why did you draw a plane?" Tanong ni Alice ng mabalik ang atesyon sa anak ko. Malaki ang ngisi ni Riley na nagpa ikot ikot pa sa buong sala habang hawak ang ginuhit niya.

"I want to be a pilot, mama Alice." Riley said innocently. Nakita ko kung paano napanganga si Alice sa anak ko. Nang makabawi siya ay tumingin siya sa akin nang nakataas ang kilay.
"It runs in the blood, huh?"  I don't know if she's mocking me or what pero sakit ang naramdaman ko para sa inosenteng anak.

Siguro, kahit hindi niya kilala ang papa niya ay may parte talaga sa pagkatao niya ang lalabas ng tunay na siya. Well, I can't control that. Hindi ko din naman tinuruan si Riley na gustuhin iyan. Maybe Alice was right. It runs in the blood.

Natapos kami maghapunan. Umuwi na si Jace at nagpapahinga na din si Alice at Raffy.

Pinaliguan ko si Riley at hinanda para sa pagtulog. Inamoy ko pa ang kili kili niya na ikinabungingis ng anak ko.

I never thought that Riley was a mistake. Buong buhay ko,si Riley lang ang bumuo sa wasak na pagkatao.

I don't have any regrets of having him at young age. At kahit minsan, hindi ko naisip na naging pabigat ang anak ko sa buhay ko. Mahirap oo pero kinakaya ko para sa amin dalawa. And besides, he's all I have.

"Mama," Riley called me after I put him to his bed.

"Yes," sagot ko.

Humikab si Riley. Hinawakan pa niya ang kamay ko gamit ang maliliit niyang daliri. I looked away. His sleepy eyes reminds me of someone that I really want to forget. Pero sino ang niloko ko? Lumalaki si Riley na kamukang kamuka ni Raj.

I carried him for nine- months and now he is growing, he will just look exactly as Raj? C'mon, where is the justice?

"Goodnight. Yabyu mama." He said. Pinipiga ang puso ko sa lambing ng anak ko. I don't know what is wrong with Riley's speech, pero hindi niya talaga masabi ang Iloveyou ng hindi nauutal.

Hinalikan ko ang ulo ng anak. "Iloveyou, Riley."

Nakatulog na si Riley. Huminga ako ng malalim at hinilot ang sentido. Medyo napagod kasi ngaun araw sa dami ng inayos na gamit ni Lakan.

Inopen ko ang laptop ko and check my emails. I was shocked to see an email from Ibanez airlines.

From: Brent_Ibanez

Subject: Approval

To Miss Gotica Dior Gatchalian. I'm Brent Iverson Ibanez, Senior Vice President of Ibanez airlines. I have studied your application for our scholarship program and I'm here to directly tell you that your application was approved. Please let us know when can you go back here in the Philippines so we can fix everything for you.

Napatakip ako ng bibig. How is this possible? Mismong Vice president ang nag message sa akin? I am so happy that I got approved. Ibanez airlines is a huge company. Matutupad ko ang pangarap ko. Napatingin ako sa anak. Kapalit ng pangarap ay pagbalik ko sa Pilipinas. Takot at kaba ang nadadama ko. Pero naisip ko, sayang ang opportunity ko at hindi ako pwedeng magtago habang buhay. I need to do something for myself to grow, at para din kay Riley.

From GD_Gatchalian

Subject: Confirmation

Good day. It was an honor and I am so greatful that I was choosen by your company as your scholar. I assure you that I will do my best to maintain your trust and belief in me. I'm here to say that this is confirmation that I agreed to your conditions. And you can fix my papers and needs asap.

Our Strings (Strings Series 3) Where stories live. Discover now