Prologue

86 3 2
                                    

000:
The heart has its reasons for
which reason knows nothing.
-Blaise Pascal

Kasalanan ba ito? Kasalanan bang isipin siya habang ang lalaking aking pakakasalan ay katabi ko lamang? Nangangarap lang naman ako... Hindi naman masama ang mangarap, 'di ba?

"Ilabas mo ang iyong iniisip," biglang utos ng lalaking katabi. Ang kanyang tinig ay magalang ngunit halatang malamig. Hindi na ako nag-abalang titigan siya.

"Ang ganda ng parke."

Nakagagaan sa isipan ang malaman na subalit trahedya ang aking buhay, kayang-kaya ko pa ring maranasan ang mga magagandang bagay sa mundo. Ang mga punong may mga gintong dahon, ang mala-tahanang hangin, at ang kumikinang na araw—hindi sila nagtatago sa taong tulad ko.

'Di nga lang ito katulad ng dati. Ang mga dahon, ang hangin, at ang araw—lahat ng ito'y mas kaaya-aya tuwing si Zakiel ang kapiling. Lahat ng bagay sa mundo, kahit kawangis ng impiyerno, ay kaya kong pagtiisan hanggang sa kasama ko siya.

"Sana'y tunay iyan at hindi ang lalaking iyon ang iyong iniisip."

Kung nakasasaksak ang mga salita, matagal na akong sugat. Siguro nga ay pumanaw na ako. Matulis ang bigkas ni Vanoss sa bawat salita. Hindi na sikreto ang kamuhian niya sa lalaking ginawang tahanan ang aking puso.

Biglang umalingawngaw ang marahas na tinig ng baril.

Hindi na ako nakasagot sa pang-aakusa ng lalaki dahil hinigop na ng takot ang aking buong pagkatao. Nilingon ko ang lalaki at bakas din ang katakutan sa kanyang pagmumukha. Hindi ko na nagawang magprotesta nang hablutin niya ang aking kamay at sinabay ako sa kanyang pagtakbo.

Ang aming mga yapak ay patungo sa katapusan ng parke ngunit ang aking mga mata'y nagnanais na lumingon. Pinigilan ko ang aking sarili ngunit tila may humihila sa aking paningin. Tanging kami lamang ni Vanoss ang pumasok sa parke ngayong araw kaya't hindi mahirap na hanapin ang taong may hawak ng baril.

Oh.

Bumagal ang aking lakad, nanghina ang aking mga tuhod, at bumitaw ang aking kamay kay Vanoss.

Si Zakiel! Narito si Zakiel!

"Lorelei!" gulat at may bahid na takot na sigaw ni Vanoss mula sa aking likuran. Aking binalewala ito at sinimulan ang pagtakbo patungo sa lalaking nais kong makasama habambuhay.

Kukunin na ako ni Zakiel! Bumalik siya dahil kami ang ikakasal!

Tinutok niya sa akin ang baril. Napatigil ang aking mga paa kasabay sa paglaho ng ngiti sa aking labi.

"'Wag!" malakas na pagsigaw ni Vanoss muli. Nilingon ko ang lalaki at nakitang mabilis siyang tumatakbo patungo sa akin. Sa loob ng iilang buwan ng aming pagsasama, unang beses kong makita ang desperasyon sa kanyang pagmumukha.

Nang biglang bumalik ang ingay mula kanina, humina ang galaw ng lahat. Agad kong napagtanto ang lahat ng mangyayari. Sa pagkisap ng aking mata, isang sigaw—hindi—pag-iyak ang sumunod.

Binaril si Vanoss, diretso sa puso.

'Tang ina.

Napaupo ako mula sa pagkakahiga. It's been a long time since the last I've slept in this city. Why am I suddenly given a nightmare?

As my phone suddenly rings, I look to the hotel's nightstand. Kinuha ko ang telepono at tinanaw muna ang oras. It's still 5:11 AM, but my mom's already calling.

"Good morning," I answer the call with no energy. Bumalik ako sa paghiga.

"Are you getting ready na?"

When Blood Turns Pale  Where stories live. Discover now