Here, he asked me kung kaya ko ba siyang hintayin and I said yes, I promised to stay.

"Let's lock our love again?" he asked.

Natitigilan akong nilingon siya at may hawak na siyang padlock.

"S-Sure.."

Ngumiti siya at sinulat ang pangalan ko, sinulat ko naman ang pangalan niya saka namin 'yon ini-lock. We threw the key into the river.

We locked our love for each other, forever..

He held my hand and kissed it thrice. Sabay kaming natawa at magka-hawak kamay ulit na naglakad.

Naghanap kami ng makakainan nang matigilan akong maglakad dahil nakita ko si Grace. Wala sa sarili kong nahawakan ng mahigpit ang kamay ni Ricci..

"Kalma.." bulong ni Ricci. "Sayo pa rin naman ako."

Nilingon ko siya pero mabilis niyang nahalikan ang mga labi ko.

"Paano ako kakalma kung itong babaeng 'to ang dahilan kung bakit iniwan mo kami?" mataray kong tanong pero imbes na sagutin niya ako ay ngumiti lang siya sakin at tumingin kay Grace na naglalakad palapit samin.

"Ricci." sabi niya.

Ngumiti naman si Ricci at tumango kaya nakataas ang kilay ko siyang tinitigan. Pinisil niya ang bewang ko kaya't inirapan ko siya.

"Zoey," bati niya sakin. Hindi ko naman siya pinansin.

"Naiintindihan ko kung galit ka pa rin sakin. After all, hindi naman madaling magpatawad. But I want you to know na nagbago na ko. Hindi na ako yung dating Grace na hahabulin ang isang tao na ayaw naman na sakin."

Nag-iwas ako ng tingin.

"I did said sorry to Ricci and you also deserve to hear my apology. I'm really sorry for what I did before, Zoey. Makasarili akong tao, alam ko. Dahil sa gano'ng paraan ako pinalaki. Kaya pasensya na kung sobrang nadamay ka at ang pamilya niyo."

I sighed and looked directly at her eyes.

"Sabi mo nga hindi madaling magpatawad kaya sana maintindihan mo kung bakit hindi ko matatanggap ngayon ang sorry mo. Ang dami mong nagawa sa pamilya ko, Grace. Ilang beses akong muntik mamatay dahil sayo. Naaksidente si Rasheed dahil sa kagagawan mo. Iniwan kami ni Ricci dahil sayo. Ang dami mong nagawa sakin at sa pamilya ko kaya hindi magiging ganon kadali sakin ang patawarin ka."

A tear fell from her eye and I immediately looked away.

"I understand. I understand, Zoey.. I'm really, really sorry.."

Ricci gently tapped my back and kissed my head. "It's okay, babe.."

Nagsalita ulit si Grace.

"I'm happy now.. because of him," sabi niya nang nakatingin kay Ricci.

Magtatanong na sana ako nang makarinig ng pamilyar na boses mula sa likod namin.

"Kyle?!"

"Zoey." sabi niya at ngumiti sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" masayang tanong ko dahil ngayon ko nalang ulit siya nakita mula no'ng bumalik siyang Singapore.

Ngumiti siya at tumabi kay Grace saka inakbayan. Si Grace naman ay yumakap sa bewang ni Kyle, na talagang nagpatulala sakin.

"K-Kayo?" gulat kong tanong.

Halos magkasabay silang tumango sakin. Tumingin ako kay Ricci na parang tinatanong siya dahil alam kong may alam siya dito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 08, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now