Nagpapasalamat ako sa kanila dahil hindi nila ako pinabayaan. They help me and take care of me like I am their real family.
"Ang laki na." Hinimas ni Raffy ang namimilog na tyan ko. Hindi naman na ako nagulat dahil sanay na ako na palagi niya iyon ginagawa. Minsan nga naabutan ko siya kinakausap ang baby ko habang natutulog ako.
Si Raffy din ang unti unting nagpundar ng gamit ng baby ko. Pati pagsama sa akin sa check up ay siya din palagi ang kasama ko. Masyado din naman kasi busy si Alice dahil ang libreng oras niya ay nagtatrabaho pa din siya. I envy Alice for being strong and independent. Kahit maganda ang estado nila sa buhay ay pinili pa din niyang magsikap.
Nag-birthday din pala ako nung isang buwan. I'm now eighteen and soon to be mom. Great!
Wala naman akong pinagsisihan. I'm just worried about my child. Paano ko siya mabubuhay? Paano ko siya papalakihin?
Kasi ako mimso, hindi napalaki ng mga magulang ko. That's my greatest fear. Ang sigurado lang ako ay hindi ko pababayaan ang anak ko.
"Syempre, manganganak na kaya ako." Sagot ko. Kabuwanan ko din at pwede na ako manganak anytime soon.
" I know." Sagot ni Raffy habang himas pa din ang tyan ko.
"Feeling ko nga mas excited kapa sa akin." Natatawa kong sagot. Ngumiti si Raffy. Simula ng dumating kami dito ay malaki ang pinagbago ni Raffy. Mas naging matured na siya at seryoso na nag aaral.
"Of course. Who wouldn't be excited to see our baby?" Sagot niya. He looks so genuine and innocent. Siguro, kung si Raffy nalang ang minahal ko ay masaya siguro ako ngaun.
Hindi naman natuturuan ang puso. At hindi ko naman pinagsisihan na minahal ko si Raj. Pero, alam ko na ngaun kung hanggang saan lang.
Our baby. Natigilan ako. The feeling is overwhelming na mahal nila ang anak ko. Hindi ko din maiwasan na humanga kay Raffy. Ever since, hindi ako hinusgahan ni Raffy. All he did is take care of me and my baby.
Ngumiti ako sa kanya at nagsimulang magtimpla ng hot chocolate. Napatingin pa ako kay Raffy na nakakunot ang noo habang nakatingin sa cellphone.
"Here," inabot ko ang tasa kasabay ng tinapay na binake ko kanina.
"Thanks." He said. Malaki ang ngiti sa labi.
Tumingin sa akin si Raffy, tila ba may gustong sabihin.
"Bakit?" Tanong ko. He sighed and looked at me again.
"Do you want news about Raj?" Salita niya. Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kumakalabog ng husto ang puso ko. Maybe, even if we don't see each other anymore. Or kahit kalimutan ko si Raj. I can't. Because our baby will always be our strings.
Hindi ako nagsalita. Lumagok muna ng hot chocolate si Raffy at kumagat ng tinapay. "This is good." Sabi niya. Ngumiti lang ako ng tipid.
"Raj, isn't married. He is currently in San Francisco with Devone Bree Dela Fuente. They are not married but they are together." Salita ni Raffy.
Bitterness dripped all over me. Tumango ako at pilit na tinatago ang sakit. Kasi, kahit alam kong hindi kasal si Raj, hindi pa din ako ang pipiliin niya.
"Did he tricked you?" Tanong ni Raffy. Simula ng nalaman nila ang totoo, hindi nagtanong si Alice or Raffy ng kahit ano sa akin about kay Raj. Maybe they think it was painful for me to ask.
Umiling ako. " Alam ko naman may mahal siyang iba." Sagot ko. Pero, hindi ko mapailawanag sa sarili kung bakit may parte sa akin na naininiwala na kahit papaano, minahal ako ni Raj.
"How this happened? You got pregnant, Gotica. Pinaniwala kaba niya na mahal ka niya? Pinaasa ka?" Nagugulong tanong ni Raffy. "Alam kong may feelings ka sa kanya. Pero bakit pumayag ka na--" tumingin siya sa tyan ko. Puno ng panghihinayang ang mukha niya pero puno ng pag aalala ang boses niya.
Huminga ako ng malalim at hinimas ang tyan ko. "Naniniwala ako na kayang magmahal ng isang tao ng sabay. Sa magkaibang paraan nga lang. Palaging may nauuna. Palaging may mas nakakalamang." Sagot ko.
Nanatiling nakatangin sa akin si Raffy. Hindi siya nagsalita pero nakitaan ko ng galit ang mga mata niya.
"You don't deserve that kind of love." He said. I smiled bitterly. Kung hindi ko deserve ng ganun pagmamahal, ano ang deserve ko? Kasi kahit ako hindi ko alam.
Pinagpatuloy niya ang pagkain ng napangiwi ako. Bigla nalang ang pagsakit ng balakang ko.
"Raffy.." tawag ko sa kanya. Bigla akong pinawisan ng tumindi ng tumindi ang hilab ng tyan ko.
"What is happening?" Medyo natatarantang salita ni Raffy.
" I think the baby is coming out." Sagot ko. Bigla nalang may bumuhos na tubig galing sa pagkababae ko.
Raffy take me to the hospital in an instant. He was so relax kahit butil butil na din ang pawis niya.
"We need the patient's info." Sabi ng nurse na sumalubong sa amin. Medyo hindi na ako makasalita at tawa dahil sa sakit na nadadama.
"You are the husband?" Tanong ng nurse. Pumikit ng mariin si Raffy at nagmura. "Damn it! Yes I'm the husband and the daddy. Happy? " iritadong salita niya.
Nang matapos siya ay isinakay ako sa stretcher. Raffy is holding my hand.
"You are not allowed inside." Pigil sa kanya ng nurse. Isang mura ulit ang pinakawalan niya. I feel so groggy.
" Be strong. I'm just here outside. Iloveyou Gotica." Salita ni Raffy sabay halik sa noo ko hanggang tuluyan na akong ipasok sa loob.
YOU ARE READING
Our Strings (Strings Series 3)
Non-Fiction"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love me.." she wiped her own tears. "Yung ako naman.. yung ako lang..."
OS- kabanata 13
Start from the beginning
