Humalimuyak ang bawang sa sinangag na nasa lamesa. Napatakip ako ng ilong dahil ayoko ng amoy nito.
"What's wrong?" Tanong ni Raffy. Mabilis tuloy ang paglingon sa akin ni Alice na mukhang nakagayak na.
Umiling ako. Binuka ko ng bahagya ang bibig para doon huminga. Nanatili ang mga mata ni Alice sa akin na puno ng curiosidad.
"You sure your okay?" Tanong ulit ni Raffy. Pati siya ay napuno ng pagtataka.
Sinimulan kong kumuha ng salad. Nagulat nalang ako ng lagyan ni Raffy ng sinangag ang plato ko.
Halos dumuwak ako sa plato sa harap ko ng maamoy ulit ang bawang. Si Raffy ay natigilan habang si Alice ay napabuntong hininga.
"May hindi kaba sinasabi sa amin, Gotica?" Diretsong tanong ni Alice.
"Wala ah!" Agap ko.
Inayos ko pa ang makapal na coat na suot ko para matabunan ang tiyan ko.
"Hindi kita matutulungan kung hindi mo sasabihin ang totoo." Salita ni Alice.
Kabang kaba ako at hiyang hiya sa sarili ko. Raffy crossed his arms and looked at me intently while his brow shot up.
Uminom ako ng tubig. I can't believe that I'm real sweating even if the weather is cold killing.
"Buntis ako." Sagot ko. Yumuko ako at pumikit. Sandaling katahimikan ang nangyari. Ang mga mata ko ay unti unti na naman nagtutubig.
Walang salita, nagulat nalang ako ng yakapin ako ni Alice. Tahimik siyang umiyak habang nakayakap sa akin.
Umiwas ng tingin sa akin si Raffy habang nag iigting ang panga.
"I'm sorry," salita ni Alice sabay pahid ng luha niya. Napakunot ang noo ko.
"Bakit ka nagsosorry?" Tanong ko.
"Sorry kasi iniwan kita sa Pilipinas. I'm sorry kasi pinagdadaan mo lahat ng ito ngaun. You are so young, Icai. You are so young for this life." Puno ng sakit ang paghihinayang ang mukha ni Alice.
Nakatitig lang ako kay Alice, pilit kong nilalabanan ang mga luha ko.
"Wag kang mag alala. We will help you start again. I will help you raise your child. Magsisimula ka, tutulungan kita." Salita ni Alice. Doon na kumawala ang luha ko. Tumatagos iyon sa puso ko. After all, may bagay at rason pa din ako para magpatuloy.
Hindi nila ako hinusgahan. Her words melts me knowing that my baby will have a family with them.
"Sino ang tatay?" Tanong ulit ni Alice. Napatingin pa siya ng masama kay Raffy na halatang galit.
"Don't look at me like I made the crime." Umigting ulit ang panga niya. "I wish I was tho." Sagot niya.
Mabilis akong napabaling sa kanya na nanlalake ang mga mata.
"It's true. I wish I am the father, Gotica. But rest assured na kahit hindi ako ang biological father. I will be a father to your child." He said genuinely. Nakitaan ko ng sakit ang mga mata niya pero seryosong seryoso siya.
"Kung hindi si Raffy, who?" Si Alice ulit.
"Si Raj." Sagot ko. Napanganga ng bahagya si Alice at napamura si Raffy.
Everything that happened to me taught me lessons. Dumaan ang mga buwan na nasa bahay ako. Nagpatuloy ng pag aaral si Alice at Raffy.
May mga oras nanaiisip ko ang mommy at daddy. Si Tita Salve at si Raj. But then, kagaya ng sabi palagi ni Alice at Raffy, I let go ko na ang mga nakaraan para sa bukas ko at magiging anak ko.
YOU ARE READING
Our Strings (Strings Series 3)
Non-Fiction"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love me.." she wiped her own tears. "Yung ako naman.. yung ako lang..."
OS- kabanata 13
Start from the beginning
