Untold Story: Special Chapter 1

Start from the beginning
                                    

Hindi maintindihan ng binata ang sarili kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa pagtitig sa kanya ng isang bata. At mas lalong hindi niya rin maintindihan kung bakit nakakaramdam siya ng pagkahiya na siyang dahilan kung bakit ngayon ay namumula na ang magkabila niyang tainga dahil sa pag-iinit ng mga ito.

Titig na titig ang mga asul nitong mata sa kanya bagamat nakakunot ang noo'y mas lalo pa itong nagpapatingkad sa ganda ng batang babae.

"I am not a baby anymore you ugly creature! I am a lady now, don't you see? And I don't care about your; 'I will make it up to you' because my parents are rich, all I need is your sorry." Mataray at may hand gestures pa ang pagkakasabi nito habang nagmi-mimic sa kanyang sinabi na siyang nag-ani ng isang matamis na ngiti sa kanya.

Amusement is evident in his eyes.

"Okay, my lady, I'm sorry. May I know your beautiful name now?" paanas niyang binanggit ang pagtawag ng 'my lady' rito dahil sa pagkamangha at giliw sa kaharap.

"Your smile is so creepy." Napapangiwi ito habang nakatitig parin sa kanya.

Hindi maiwasang mas mapangiti pa ng binata dahil sa pagtataray nito sa kanya na akala mo'y isang dalaga.

"I'm Stanley. Stanley Delos Santos, my lady." Pinahid niya ang kanang kamay sa pantalon at bahagyang inabot dito ang kamay para sa pormal na pagpapakilala.

Napapataas kilay ang batang babae dahil sa pag-abot ng kamay ng binata at matagal na tinitigan ang mukha nito bago nito iniyuko ang ulo para tignan ang kamay ng binata na naghihintay nitong abutin.

"I'm Her..." Hindi natapos ng batang babae ang sasabihin dahil sa malakas na pagsinghap at boses sa likod nito.

"Oh my!!"

Malakas na pagsinghap ng isang boses ang nagpaputol sa pag-uusap nila at ang pagsulpot ng dalawang tao sa harapan ng binata habang nakatitig sa batang nakatingin at mala-agila ang pagsuri sa kanya.

Hindi pinansin ng batang babae ang mga taong kararating lang, bagkos ay mas tumitig pa ito sa kanya habang kumikibot ang manipis at mapulang labi.

"Herlinda, baby!" Gulat na kinuha ng babae ang anak at sinuri ang buong mukha at katawan nito dahil sa pag-aalala.

"Are you okay? Are you hurt? What happened to you huh, baby?"

"Mom! I'm not a baby anymore!" dabog na inalis ng batang babae ang kamay ng ina. Hindi niya mapigilang tumawa dahil sa katarayan nito. Sabay siyang binalingan ng dalawa dahil sa kanyang mahinang pagtawa.

Hindi aakalain ng binata na mataray pala talaga ito hindi lamang sa kanya.

Mapanuring tinignan siya ng ginang bago naningkit ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Mukhang may inaalala ito sa kanya habang ang asawa naman nito ay tahimik lang na nagmamasid sa kanila–isang foreigner.

"Stanley!!" sigaw galing sa kaniyang likod ang narinig niya. Marahang pagbaling ang ginawa ng binata nang marinig ang pangalan niya mula sa pagsigaw na iyon.

"Hey!" Napangiti siya nang makita ang ama habang hingal-hingal itong nakahawak sa dalawang mga tuhod.

"Dad!" Buong giliw na tumayo ang binata at nagpagpag bago ito niyakap. Malakas na natawa ang ama niya habang ginugulo nito ang buhok niya.

Kanina pa siya nagtatago hanggang sa nakatulugan niya ang laro nila ng ama niya kasama ang kapatid. Kaya siguro ito hinihingal ay dahil sa pagtakbo at paghahanap.

Alam niyang hindi lang minuto ang naitulog niya base na rin sa konting pag-aalalang nakita niya sa mata ng ama.

"Mr. Delos Santos?"

Sabay silang napalingon ng ama dahil doon.

"Mr. Parker? Naku sir pasensya po't hindi ko kayo nakilala agad." Marahang yumuko ang kanyang ama na kanya rin namang sinunod bilang pag-galang nang sabay nitong binati ang mag asawang Parker na magulang pala ng mataray na batang babae.

"May nagawa po bang kasalanan ang anak ko, ma'am, sir?" tanong ng kaniyang ama nang mapansin nitong madungis ang anak ng kaniyang amo habang nakatitig sa kanya.

Hindi maipinta ang mukha ng binata nang magsimula na namang magsalita at magtaray sa kanya ang batang babae na nagngangalang Herlinda.

Their parents laugh because of the little lady. Nagsumbong lang naman ito sa pagkakadapa nito dahil sa kanya na tinawanan lang ng mga magulang nila. Matabil ngunit mataray ito sa kanya dahil hindi nito makalimutan ang nangyari sa chocolate ice cream at dress nito na nadumihan dahil kuno sa kanya.

Simula noon ay mas nagkasundo pa ang kanilang pamilya at halos every weekends na silang nagkikita.

His father is Mr. Parker's secretary and trusted friend since high school kaya magkakilala ang mga ito. Hindi man ito ganun ka-close noon ngunit maituturing naman ng kanilang mga ama na kaibigan ang isa't isa.

At dahil mukhang siya lang daw ang nakatitiis sa katarayan ng anak ng mga ito kaya mas lalo pang nagkaroon ng dahilan ang mag-asawang Parker na ipalapit sila sa isa't isa kahit na halos pagtataray lang naman ang laging ginagawa ng anak ng mga ito sa kanya.



LADYWhere stories live. Discover now