PROLOGUE

807 226 51
                                    

Emerald's POV

I glance outside the window before taking a sip of my iced coffee. Hinablot ko ang transparent screen sa kanang bulsa ng bag ko tapos ay binuksan ang Draftle app, isa itong sikat na writers and readers app na kung saan pwede kang kumita ng limang piso kada chapter na ma-publish mo.

Hanggang 119 chapters na nga ang natatapos ko at kasalukuyan ko ng ginagawa kung saan naudlot ang storya. Mabilis nagta-type ang mga daliri ko na sinasabayan ng mga ideya na pumapasok sa utak ko kung ano ba ang magiging kalalabasan ng ending.

type...

type...

type...

type...

Paglipas ng ilang minuto ay nagpakawala ako ng malalim na hininga nang natapos ko na rin ang huling chapter. Excited kong ipinublished 'yon at minark as completed ko na. May lumabas naman sa aking screen na sinasabing successful ang pag published ng story ko.

Tinitigan ko ng ilang sandali ang screen ng phone ko bago ito ibinulsa. Sumandal ako sa upuan sabay kuha ng iced coffee, sa wakas! Natapos na rin ang halos tatlong taon kong pagsusulat sa storya ko.

I glance at my wrist watch at nakita kong mag a-alas quatro na pala kaya kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng book cafe, tatawid na sana ako sa kabilang kanto para du'n hintayin ang susunod na bus pero biglang nag vibrate ang phone ko, tinignan ko naman agad 'yon.

Nag text na kaya 'yung boyfriend ko?

Ay! Wala pala ako nu'n.

Nakita ko sa screen na galing ito sa Draftle kaya agad ko naman itong binuksan at tinignan kung anong klaseng notification ang natanggap ko.

Congratulations! You just published your first completed story on Draftle! Thank you for sharing your story with us...

Wow! May pa-speech pala yung Draftle kapag nakapag published ka ng story? Ngayon ko lang nalaman 'to ah. Bigla namang may lumitaw na yes or no choices sa screen.

Will you accept our offer to make your story a reality?
Yes        or       No

And, out of excitement, I quickly clicked yes without a second thought.

*BOOM*

May biglang malakas na pagsabog na nangyari at yumanig naman ang lupa. Sa todo ng pagyanig ng lupa ay natumba ang ibang mga gusali.

Napahawak naman ako sa railings para hindi mawala ang balanse ko.

Anong nangyayari..!?

"AHHHH!!" Napalingon ako sa isang babaeng sumigaw sa kabilang direksyon at agad nanlaki ang aking mga mata nang makakita ng isang 6ft na kabayo at may nakadikit na tao sa likod nito at hawak-hawak ang leeg ng babae.

"Tulong!! Tulon-" Napakurap ako dahil may tumalsik sa'king mukha, dahan-dahan ko namang inangat ang nanginginig kong kamay at pinunasan ang dugo ng babae sa mukha ko.

Mga pagsabog, alarm ng kotse at sumunod ang sigawan ng mga tao habang tumatakbo papalayo sa halimaw.

Inihagis naman ng halimaw ang katawan ng babae at bumagsak ito sa harapan ko, nanginginig ang katawan ko sa takot ng makita ang babae na ngayo'y wala na ang ulo.

Ang akala ko imo-monetize ng Darftle ang story ko.

Pero ito pala ang sisira sa mundo.

༺ • ♤ • ♤ • ♤ • ༻

AUTHOR IN A RUINED WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon