"Icai?" Narining kong sigaw ni Raffy. Mabilis kong itinago ang pegnancy kit at lumabas sa banyo.
The thought of losing tita Salve and gaining my baby both hurt me. Paano ko bubuhayin ang bata? Paano kaming dalawa?
Hindi ko alam paano ko nalagpasan ang nakaraan buwan sa buhay ko. Nailibing na si tita Salve at dalawang buwan na ang tyan ko. Naputulan ako ng kuryente at tubig at maririmata na ang bahay na isinanla pala ni tita Salve.
Kadiliman ang bumabalot sa akin. Hinimas ko ang tyan ko at muling umiyak. "I don't know how will we survive. I'm scared." Salita ko habang himas ang tiyan.
Araw araw pinipilit ako ni Raffy na lumipat sa kanila. Maging ang mga magulang ni Alice at si Alice ay pilit akong kinukuha.
Hindi ako sumama. Wala akong lakas ng loob at kapal ng mukha na ihaharap sa kanila kapag nalaman nila na buntis ako.
Huminahon ako at kinalma ang sarili. I decided to go to Raj house which is also inside the subdivision. Sasabihin ko sa kanya ang kalagayan ko and maybe I'm hoping that he will help me like he always do. Kahit pansamantala.
Tahimik akong akong naglakad. Bumungad sa akin ang pinakamalaki at modernong bahay sa subdivision. Kabang kaba ako at halos hindi maihakbang ang mga paa nang nasa tapat na ako nito.
"Si Raj po?" Bati ko sa guard na nagbabantay sa labas ng mansyon nila. Their house occupied the whole street and their house was immensely huge.
"Sino ka ineng?" The guard said. Kumirot ang puso ko sa kaalaman na ako lang pala ang nakakaalam na malapit ako kay Raj. Sa mundo niya, nasa ilalim pala ako noon at nakatago.
"Kaibigan po." Sagot ko. Tumingin pa sa akin ang guard mula ulo hanggang paa hanggang napakunot ang kanyang noo.
"Sigurado ka?" He said almost laughing. Tila ba isa akong joke sa kanya.
Bigo akong tumalikod sa kanya. Wala na akong lakas magpaliwanag kung paano ko nakilala si Raj. Natigilan lang ako ng may bumusinang sasakyan sa gate nila. Nakatitig ako sa babae na binaba ang salamin ng bintana at kinausap ang guard.
Mommy ni Raj. I've met her once. She is so beautiful and full of elegance. Madrama siyang bumaba ng sasakyan at naglakad patungo sa akin.
Bigla akong napahawak sa tiyan ko. Takot ang umusbong sa akin sa bawat hakbang niya palapit sa akin.
"The guard said you are looking for my son?" She said. Walang bakas ng humor o kahit ano.
Tumango ako. Tila ba nalunok ang dila sa tindi ng takot na nadadama. She is so intimidating.
"Sino ka?" She asked again.
"Gotica po," sagot ko. Nanliit ang mga mata ng mommy ni Raj na tila ba nag iisip. Ilang segundo ay nanlaki ang mga mata niya at nakitaan ko ng galit.
"The bastard daughter of Senator Gatchalian?" She said almost hesterical. Her vulgarity somehow weakened me. At sa tunog ng salita niya ay halatang hindi niya ako gusto.
Hindi ako sumagot. How she even know that anyway? Wala naman nagkumpirma o umamin ni isa sa mga magulang ko. Hindi ako kumibo. Tumaas ang kilay ng mommy ni Raj. Her face is the evident of disliking me so much.
"Ano kailangan mo sa anak ko?" Tanong niya ulit. Huminga ako ng malalim at matapang siyang tinignan.
"Buntis po ako sa anak ni Raj." Sagot ko. Hindi kumukurap. Raj mom's eyes widened. Nang makabawi ito ay nakitaan ko ng mas matinding galit ang mga mata niya.
"That's imposible! Sinungaling! Bastarda kana, sinungaling kapa!" She shouted shamelessly. Napapikit ako sa sobrang takot.
"I never see you near my son and he never mention you to me. How is this possible? Wag kang gumawa ng kwento. And if you are looking for Raj, you can't find him. He'a getting married to a Dela Fuente. Wag kang ambisyosa!" She lost her self.
Halos habulin na niya ang hininga niya sa galit. " Lumayas ka dito!! You will never fit in our world. Hinding hindi ka makakapasok sa mundo na ito!" Sigaw niya.
Tumingin siya sa mga body guard na mabilis akong pinagtabuyan. Halos madapa ako at masubsob sa damuhan sa pagtulak nila sa akin.
Alam kong mahirap ako. Pero hindi ko inaasahan ang ganito. Respect is basic human decency. Wala naman akong ginawang masama. Bakit ganun kagalit ang mommy ni Raj? Hindi ko maintindihan.
Walang luha ang pumatak sa akin. Marahil ay napagod na at naubos sa araw araw na pag iyak. Hinawakan ko ang tyan ko. Awang awa sa anak ko na hindi pa man lumalabas ay pinagkaitan na ng mundo.
"Icai!" Nagulat ako ng makita si Alice kasama si Raffy na dala dala ang mga maleta ko.
"Saan ka galing? Ayos ka lang?" She asked worriedly. Ang makita si Alice ngaun ay nagpagaan ng pakiramdam ko.
Yumakap ako sa kanya at umiyak ng umiyak. Sakit, takot at galit ang tanging nararamdaman ko.
"Saan niyo dadalin ang gamit ko?" Tanong ko. Nagkatinginan ang dalawa.
"I can't stay here long. So isasama ko kayo ni Raffy sa Australia. I was so worried Icai. Malayo lang ako pero pamilya mo ako." She said. Hanggang nagpatianod nalang ako sa kanila.
YOU ARE READING
Our Strings (Strings Series 3)
Non-Fiction"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love me.." she wiped her own tears. "Yung ako naman.. yung ako lang..."
OS- kabanata 12
Start from the beginning
