Walang tumatakbo sa isip ko kundi takot. How can I handle this all? Patuloy akong umiyak. Nang mahimasmasan ako ay nag isip ako ng dapat gawin.
I dialed Raffy's number but I think he changed it. Wala na akong choice, tinawagan ko si Raj but his phone is also dead.
Nauubos na ang pag asa ko. Nauubos na dahil wala ni isa sa kanila ang nadito ngaun. Umasa ako, pinaasa ko sarili ko na may taong mananatili sa tabi ko sa lahat ng panahon. Ganon ba ako kahirap mahalin?
Nanatili akong kalmado kahit pakiramdam ko ay winawasak ako ng mundo ngaun. I'm just 17 and officially an orphan and broken.
Pinahid ko ang mga luha. Hindi ko alam ang gagawin kaya tumunganga ako habang tahimik na umiiyak sa harap ni tita Salve.
Pumikit ako at nagdasal. Nagdasal na sana ay makayanan ko itong pinagdadanan. I just lost everything and I don't know how to stand up and carry on.
Halos kalahating oras akong nakatunganga ng tumunog ang cellphone ko. It was Alice.
"Hi---" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng makita niya ang pag iyak ko.
"Oh my God! Tita.." napatakip siya ng bibig hanggang nagtuluan ang luha ni Alice. Hindi ako nagsalita. Nakatitig lang siya sa akin habang patuloy ang akin pagluha.
"Sino kasama mo? Paano gagawin mo?" Sunod sunod ang tanong niya sa akin. Nakatulala ako sa kanya. Tila ba walang pumapasok sa isip ko na positibo ngaun.
Lungkot, awa, at pagkataranta ang nakikita ko kay Alice.
"Wait, I'll hang up. Tatawagan ko si Raf." She said hanggang tuluyan na siyang nawala. Hinayaan ko siyang ibaba ang tawag. Nanatili ako sa tabi ni tita at patuloy sa pag iyak.
Why is this happening to me? As much as I don't want to lose my faith with him, parang ayaw ko na maniwala. Bakit mo sa akin pinadanas ang lahat ng sakit at hirap? Bakit ako lang? Bakit sakin lang? Puro panunumbat ang sinasabi ko dala ng matinding emosyon. I'm not mad, pero puno ng tanong ang utak kung bakit sa akin niya ito pinaranas.
"Icai!" Napatingin ako kay Raffy na mabilis lang nakarating. He stared at me and I saw how his tears fall. Hindi ako nagsalita o gumalaw. Hinayaan ko siyang yakapin ako at tahimik na umiyak.
Kasunod niya ang kasambahay nila at driver marahil pinapunta din ni Alice.
"I'm sorry, I shouldn't ignore you." Salita niya. Patong patong ang sakit na pumupukpok sa puso ko. Nangingibabaw ang takot at awa para sa sarili. Manhid na manhid ang pakiramdam ko.
Nang halos mag uumaga na ay dumami ang tao. Kasama na doon ang pagkuha kay tita Salve para ayusin ang kanyang katawan.
"Icai, magpahinga ka muna." Salita ng kasambahay nila Alice at Raffy. Tumingin lang ako sa kanya ngunit hindi nagsalita.
My thoughts are all over the places. Hindi ko alam ang uunahin. Sa takot at sakit, tila ba wala na akong maramdaman at maiisip. Ayaw mag function ng pagkatao ko sa sobrang daming hirap na kinahaharapan ngaun.
"Gusto mo kumain?"tanong ni Raffy. Umiling ako at tumayo. Pumikit ako ulit ng mariin ng makaramdam ng hapo at pagkahilo hanggang nawalan ako ng malay.
Tahimik ang bahay ng magising ako. Maghahapon na pero hapo at pagod pa din ang pakiramdam ko.
Pumasok ako sa banyo para maligo. Natigilan ako at takot ulit ang naramdaman ng maalala na hindi pa ako dinadatnan ng buwanan dalaw. I closed my fist to calm myself. Naalala ko na mayroong pregnancy test na nakatabi si tita Salve sa kanyang silid.
Mabilis ko itong kinuha para gamitin. I waited for five minutes after I dropped my urine on it. Dalawang pulang linya ang lumitaw. Tulala ako nakatingin sa kit at nagsimula ulit akong umiyak. How...
YOU ARE READING
Our Strings (Strings Series 3)
Non-Fiction"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love me.." she wiped her own tears. "Yung ako naman.. yung ako lang..."
OS- kabanata 12
Start from the beginning
