"Okey. let her in Ms. Reyes. Thank You" sagot ni Johny
Pinapasok ng kaniyang sekretarya si Ysabel at iniwan sila nito. Tiningnan ni Johny si Ysabel na parang gusto niyang itaboy ito dahil paniguradong mangungulit na naman ito.
"Johny, labas naman tayo." agad na sabi ni Ysabel na dire-diretsong lumapit at yumakap sa leeg niya.
Inalis ni Johny ang kamay ni Ysabel at sabay umatras ng konti. "Not now Ysabel, im busy. May kailangan kaming habuling oras para sa pag-deliver ng sapatos sa Maynila."
"Ikaw ang Boss Johny, kaya walang problema kung umalis ka man kahit anong oras. Sige na Johny, hindi na nga tayo natuloy last night pati ba naman ngayon tatanggihan mo pa ko?Magtatampo na ko sayo, isusumbong kita sa Daddy ko!" parang batang pagmamaktol ni Ysabel sa kanya. Napahawak siya sa kaniyang noo at naiinis kay Ysabel.Umasta na naman ang pagiging isip bata at brat nito. Ang Daddy nito ang isa sa malaking sinusupplayan ng kanilang produkto. Kaya hindi rin niya basta-basta matanggihan ito.
"Okey, Ysabel!.sandali lang at tatawagan ko ang sekretarya ko!." sabay dial ni Johny sa intercom. "Ms. Reyes cancel all my meeting now. Yes! May pupuntahan lang kami ni Mam Ysabel mo"
Nakaabresyete si Ysabel sa kanya habang palabas sila sa kaniyang opisina.Nagpunta sila sa isang sikat na restaurant at pakatapos kumain nag-aya pa itong pumunta sila sa mall dahil may bibilhin daw itong sapatos at damit. Naiinip na siya dahil hapon na parang wala pang balak itong umuwi. Mag-aalas 3 na ng hapon ng magpasya itong magpahatid sa kaniya.
---------------------------------------------------------
Uwian na sina Maxene ng sabihin ni kathleen na magpapasama ito sa kanya sa opisina ng Kuya nito. Dahil maaga pa naman nagpasya siyang sumama dito. Dahil may sarili itong sasakyan, mabilis silang nakarating s opisina ng kapatid ni Kathleen.Unang beses niyang makapunta sa gusaling iyon.Sumakay sila ng elevator at bumaba s ika-pitong palapag. Dire-diretso si Kathleen sa sekretarya ng kuya nito at hawak-hawak ang kaniyang kamay.
" Hello Ms. Reyes, si kuya andyan ba?" tanong ni Kathleen
"Ay umalis po ma'am kathleen kanina pang mga 9. Pinacancel niya po lahat ng meeting niya ngayon" paliwanag ng sekretarya
"Bakit daw?San daw pupunta?"
"Hindi ko ho alam ma'am. May pupuntahan daw ho sila ni Ma'am Ysabel. Pagdating ni ma'am Ysabel.dito hindi ngtagal e umalis din at kasama si Boss".
Napasimangot ang mukha ni Kathleen pagkarinig sa pangalan ni Ysabel. Dahil walang alam si Maxene sa pinag-uusapan ng dalawa patingin-tingin na lamang siya sa paligid ng mahagip ng kaniyang mata ang lalaking papalapit sa kanila. Matangkad ito, gwapo at makisig tingnan. Ngumiti ito sa kanya ngunit dahil sa hindi niya ito kilala at nahiya sya sa ginawa niyang pagtitig iniwas na lamang niya ang tingin. Nasa harapan na nila ito ng magsalita.
" Kathleen? anung ginagawa niyo rito?" tanong ni Brent sabay sulyap sa kaniya.
"Pupunta sana kami kay Kuya may pinapabigay sa kaniya si mama. Pero sabi ni Ms. Reyes umalis daw kanina pa!." sabay tango ni Brent. "Sige Brent alis na kami, tetext ko nalang si kuya!"
"Di mo man lang ba ko papakilala sa kasama mo Kath?" sabi pa ni Brent. Umirap muna si Kathleen bago nagsalita.
"Naku, sabi ko nga ba kayo talaga basta maganda di niyo piapalampas." sabay irap ni Kathleen at tumawa naman si Brent. "Ouch!" biglang nasabi ni Kathleen ng kurutin siya ni Maxene. Parang sinasabi ni Maxene na umalis na sila.
"Si Brent nga pala ate Maxene, kaibigan ni kuya at kasosyo na rin!. Brent si ate Maxene, kaklase ko at Bestfriend na rin at wala akong balak ipakilala sayo para ihanay mo sa listahan mo!." Inabot ni Brent ang kamay at nakipagkamay naman si Maxene dito ngunit isang matipid na ngiti lamang ang sinagot niya dito.
"Oh siya Brent alis na kami! baka.matunaw na sa kakatitig mo eh" pabiro pang sabi ni Kathleen bago umalis at ngingiti-ngiti naman si Brent.Pinandilatan naman ni Maxene si Kathleen at kumindat naman ito sa kanya.
"Kainis kasi ang bruhang yon. Lagi na lang kasama si kuya, eh ayaw naman ni kuya sa kanya. Habol ng habol di nalang sagutin ang matandang mayaman na nalilink sa kaniya." naiinis na litanya ni Kathleen ng nasa sasakyan na sila. Samantalang si Maxene ay kinuha ang cellphone niya at tiningnan kung may nagtxt sa kanya. Wala namang ngtxt sa kanya ng ibabalik na niya ito sa bag nagsalita si Kathleen.
"Ate pahiram naman ng cp mo.Lowbat ako, eh" inabot ni maxene ang cp at nagtext si kathleen.Hindi din nagtagal at binalik na sa kaniya ang cp niya. Nakita niyang puno na ang messages niya nagdelete all na lamang siya, di na tiningnan kong sino ang tinext ng kaniyang kaibigan. Umandar na ang kotse ni kathleen at nagpababs na lamang siya sa tindahan ni Aling Bebang upang kunin ang napagbentahan ng kanilang paninda.
VOUS LISEZ
Started with a Text
Roman d'amourIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...
First Day @ School
Depuis le début
