Gusto ko na kalimutan ang nangyari kanina dahil ayoko na magkaroon ng ilang sa aming dalawa, dahil alam ko sa sarili ko na ang pagkagusto o pagmamahal ko kay Dominique ay hindi nawawala, kahit sa mga lumipas na araw.

"Ang mahal naman ate! Para naman 'to sa mga Soriano!" Nakatayo lamang ako sa tabi ni Ate Anika habang nakikipag-usap siya sa mga tindera.

"Ate Anika, dalhin ko na tong mga 'to sa van." Dahil busy siya sa pakikipag-usap ay tumango na lamang siya, nagsimula na akong maglakad, malayo pa dito ang van.

"Sanya?" Umangat ang tingin ko sa tumawag sa akin, nagulat ako nang bumungad sa akin ay ang nakakatandang kapatid ni Dominique. "Do you still remember me? Dorithy Sam Altamayor, Altamayor's firstborn."

"Opo, naalala po kita." Pitong taon ang tanda niya kay Dominique, sa totoo lang ay hindi ko siya masyadong nakakausap o kung ano pa.

"Good, sasama ka sa akin."

"Po?"

"Do you have problem with that?" Tumikom ang aking labi, sa totoo lang ay nakakatakot ang ate ni Domonique ngunit sa pagkakaalam ko ay sobra silang magkalapit na dalawa.

Sobrang haba na ng bina-byahe namin, hindi kami nag-uusap ni Ate Dorithy, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi rin ako nakapagpaalam sa kung saan ako pupunta kay Ate Anika ngunit sinabi ko lamang sa kanya na may pupuntahan ako.

Nanlaki ang aking mata nang mapansin ko kung saan kami papasok, dito sinasanay yung mga sundalo! Andito si Dominique!

Tumingin ako kay Ate Dorithy at napansin ko ang matagal niya ng pagtitig sa akin, siguro napansin niya ang pagliwanag ng aking mukha. Tumango lamang siya sa akin at agad naman akong bumaba, agad kong tinabingan ang aking mukha dahil sa sobrang tindi ng araw.

Nang masanay na ang aking paningin sa araw, napansin ko ang paghinto ng mga ibang sundalo at nakatingin lamang sa akin.

"I'm here for Dominique Altamayor."

Nasa likod lamang ako ngayon ni Ate Dorithy nang magsimula na kaming maglakad, hindi naman gaanong kalayuan ang aming nilakad. Napatingin ako agad sa kumpol ng mga lalake na mga nagtatawanan, sobrang saya nila.

Agad kong nakita si Dominique na sobrang liwanag ng kanyang mukha. Doon ko napagtanto na maayos lamang siya dito, na hindi ko kailangan tumitig ng ilang oras sa kisame habang inaalala kung nahihirapan ba siya dito. Dahil ang mga nakikita ko sa malalapad niyang ngiti ngayon ay sobrang saya.

"Ate Dorithy." Gumawi ang malamig niyang tingin sa akin.

"What is it?"

"Hindi ko po kayang harapin si Dominique." Yoon na lamang ang nasabi ko, ayokong magpakita sa kanya lalo na ngayong nakita ko siyang sobrang saya.

"So my driver drove five hours for us, for nothing? I brought you here because I am sure that he miss you."

Tinikom ko na lamang ang aking mga labi at binaba ang aking tingin, naramdaman ko ang pagtagos ng kanyang mga tingin sa akin. Narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga.

"Start walking already, hanga't hindi pa niya tayo nakikita."

Umangat ang tingin ko sa kanya at iniwasan niya na lamang ang tingin ko, agad akong nagsimulang maglakad. Dito sa hindi gaanong kalayuan ay nakita ko kung paano yumakap sa kanya si Dominique. Masaya na pala siya dito, hindi ko na kailangan pa mag-alala.

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon