May naglalarong ngiti sa mga labi Train habang nagsasalita ito. "That's a personal question, madam."

Nagbaba siya ng tingin kasabay niyon ay ang pamumula ng pisngi niya. "Sorry. I didn't mean to pry."

Mahinang tumawa ang lalaki. "Binibiro lang kita, madam Raine." Pinatay nito ang stove at humarap sa kanya. "You see, my family owns the Wolkzbin Industries and as the only heir, I have to take over our family business since my father retired. Wala naman akong ibang pagpipilian, e."

Nanlaki ang mga mata niya ng marinig ang Wolkzbin Industries. It's a multi-billion empire in Russia. At ayon sa nabasa niya, Wolkzbin Industries was ruling in Italy, France and England. And now it was trying to rule in America. Wow! Hindi niya akalain na ang lalaking nakatayo ngayon sa harapan niya ay ang CEO ng pinakasikat na business empire sa buong mundo!

"Kung ganoon, bakit narito ka sa Pilipinas?" Curious talaga siya kung bakit narito ito ngayon sa Pilipinas sa halip na nasa Russia at mina-manage ang negosyo ng pamilya nito.

Ngumiti ang lalaki. "I'd been living here for almost a year now. I'll be in Russia running my family's business for a month and then after that, babalik ako rito sa Pilipinas para magpahinga ng ilang linggo, pagkatapos no'n ay babalik na naman ako sa Russia. I'm smitten by this country. It has kind-hearted people that some countries lack now a days. At saka, Pilipina ang ina ko at palagi niyang pinagmamalaki sa akin ang bansang ito at narito ang mga kaibigan ko. Dahil sa kanila napamahal sa akin ang kulturang Pilipino."

That was heartwarming. Nakakataba ng puso na may isang tao na ganoon ang pananaw sa Pilipinas. Nakakatuwa.

Inilapag ni Train pinggan sa ibabaw ng Island counter sa harapan niya. "Eat up, madam Raine." Omelet, fried rice and bacon. Iyan ang laman ng pinggan na nilapag nito sa kanya.

Pinasalamatan muna niya ang lalaki bago sinimulang kainin ang niluto nito para sa kaniya.

Malapit na niyang maubos ang laman ng pinggan ng pumasok si Iuhence sa loob ng kusina. Nang makita siya nito ay napatigil ito sa paglalakad at tinitigan siya.

She felt conscious under Iuhence gaze. Naasiwang nagbaba siya ng tingin sa pinggan at inubos ang laman niyon ng walang imik.

"So," si Train ang bumasag sa katahimikan. "What do you want me to cook for breakfast, Iuhence?"

"Playing chef again I see," ani ng baritonong boses ni Iuhence. "At pinagluto mo pa talaga si Raine." Sa uri ng pagtawag nito sa pangalan niya ay para bang matagal na silang magkaibigan. "Baka may lumason sayo, Train. Alalahanin mo, nasa pamamahay ka ni Ty."

Mahinang tumawa si Train. "I'm the cook, Iuhence. Ty can't poison me, but I can."

Napapitlag siya ng maramdamang may umakbay sa kanya. Magakasalubong ang kilay na binalingan niya ang pangahas na umakbay sa kaniya.

Naningkit ang mga mata niya ng makitang si Iuhence iyon. Nakangisi ito sa kanya at may pilyong kislap ang mga mata.

"Ano sa tingin mo ginagawa mo?" Mataray niyang tanong dito.

"Just play along, honey." Pabulong nitong sabi at kinindatan siya. "We will ruin someone's day, so, please play along sweetie."

Hindi pa siya nakakapag-react sa request ni Iuhence ng marinig niya ang galit na boses ni Tyron.

"Iuhence, lumayas ka sa condo ko!"




HE WAS PISSED! Ang aga-aga lampas na sa fiftieth floor ang pagkairita niya. Early this morning, he woke up without Raine by his side and that irritated him to the core of his being. Hindi niya alam kung bakit siya nagagalit. And then he looked for that she-devil woman and found her in the kitchen. Naglalambing lang naman siya, but she pushed him away like he had a transferable disease. That irritated him more that he already was!

And then Careen called him and she demanded that he should go to Boracay with her, kung hindi, maghahanap daw ito ng iba at papalitan na siya. Of course he said no, at idinahilan ang mommy niya.

Palagi niyang sinasabi sa sarili niya na wala itong nararamdaman niya para kay Raine. Pilit niyang sinasabi sa sarili na tawag lang ito ng laman. Yes, that was it. It was just lust.

But when he entered the kitchen to talk to Raine and found Iuhence's arm around Raine's shoulder, para siyang bomba na sumabog sa nakita.

Hindi siya dapat nagagalit pero hindi niya kayang pigilan ang kulay berdeng halimaw na kumakain sa matino niyang pag-iisip. His vision darkened and his mood turned black. He could kill someone today!

"Iuhence, lumayas ka sa condo ko!" Sigaw niya sa sobrang iritasyon na nararamdaman. Puno ng galit ang mga mata niya habang nakatingin iyon kay Raine at Iuhence. "Huwag mo siyang hawakan!" He growled.

Parang walang pakialam sa galit niya si Iuhence at hinarap siya na nakangisi. "Why oh why, Ty? Raine is not yours for you to say that."

It felt like a punch hit him in the gut. His friend was right. He already had a girlfriend! May girlfriend pa nga ba siya? No. Break na sila ni Careen. Pero kahit ganoon dapat hindi siya dapat umaakto ng ganito.

"Why so possessive, Ty?" His Russian friend, Train, asked. His eyes were dancing with amusement.

"I am not possessive." I'm fucking not! Tinanggal niya ang braso ni Iuhence sa balikat ni Raine at hinawakan niya ang dalaga sa pulsuhan at hinila ito palabas ng kusina.

"Ano ba, Tyron! Bitiwan mo nga ako!" Malutong na nagmura ang dalaga pero hindi niya ito pinakawalan.

Nang makapasok sila sa kuwarto niya, isinandal niya ang dalaga sa likod ng pintuan at walang sere-seremonyang siniil ng halik ang mga labi nito.

He sighed in contentment when Raine didn't protest. Tinugon nito ang halik niya at napadaing siya ng hawakan nito ang magkabilang pisngi niya at mas pinalalim pa ang halik na pinagsasaluhan nila.

Dumapo ang kamay niya sa pang-upo nito at binuhat ang dalaga. Kaagad naman nitong ipinalibot ang paa sa beywang niya. Now, the center of her femininity was rubbing against his groin. It quickly made him the horniest man on earth.

Mariin siyang napapikit ng iwan ng labi nito ang mga labi niya at gumapang iyon pababa sa leeg niya. He groaned when Raine's tongue licked his bare neck and it sent havoc on his horny hormones.

Bumalik ang mga labi nito sa labi niya. She bit his lips, making his cock throbbed.

"Why can't you leave me alone?" Tanong nito sa naguguluhang boses.

He pulled away from her lips and stared at her with confusion in his eyes. "Hindi ko rin alam ang sagot sa tanong mo, Raine. Ang alam ko lang nababaliw na ako kasi kahit anong pigil ko sa sarili ko, hinahanap-hanap ko ang mga labi mo. Hindi mawala sa isip ko ang lasa mo. So don't ask me that question, because even if I have the same GPA as Einstein, hindi ko kayang sagutin iyan."

Rained stared at him for a moment before unwrapping his legs around his wait. She stood up straight. Magkasalubong pa rin ang mga mata nila.

"Mali 'to," anito at humakbang palayo sa kanya. "Dapat mo nang itigil 'to."

"I should stop?" A sardonic smirk appeared on his lips. "How about you? Pinapatigil mo ako pero sa tuwing hinahalikan kita hindi ka umaangal."

Nagbaba ito ng tingin sa sahig. "Mali pa rin ito, Tyron. Kailangan na natin itong itigil. Your girlfriend will kill me. Kasi kung ako ang nasa katayuan niya, makakapatay ako. Kaya itigil na natin ito—"

He crashed his lips on hers making her gasped. And a moment later, tinutugon na nito ang halik niya. He pulled away quickly.

"Ititigil ko lang ito kapag hindi mo na tinutugon ang mga halik ko," aniya at walang sere-seremonyang pinangko ang dalaga at ihinagis ito sa malambot at malaking kama.

"Tyron!" Napasinghap ito at mamalaki ang mata na tumingin sa kanya.

Hinubad niya ang suot na itim na t-shirt at denim jeans pagkatapos ay kinubabawan ito. 


CECELIB | C.C.

POSSESSIVE 1: Tyron ZapantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon