Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong-hininga. "Why the sudden change of attitude?"

Matapang na sinalubong niya ang mapanuring tingin ng binata. "Tyron, may girlfriend ka. Ayokong masira ang relasyon nito. Isang buwan lang ako rito sa Pilipinas, pagkatapos 'non, uuwi na ako sa Canada at sigurado akong hindi na tayo magkikita. You're better off with your girlfriend now. Okay? Ang nararamdaman natin sa isa't-isa ay simpling atraksiyon lamang. Sana hindi na lumalim 'yon."

He glowered at her. "But ... you enjoyed it."

"Oo, nag-enjoy ako sa ginagawa natin," aniya na nilalabanan ang hiya na nararamdaman. "Pero hanggang doon nalang 'yon. Hindi na iyon puwedeng madugtungan pa. It's not right."

"It's not right?" Malamig itong napangisi. "Naisip mo ba 'yon bago mo ibinuka ang hita mo para sa'kin?" Pagkasabi niyon ay iniwan siya ng binata sa kusina.

Napatanga siya sa sinabi nito. It was so bold. At talagang siya pa ang sinisisi nito? Siguro nga siya ang dapat na sisihin. Hindi siya pinilit ni Tyron ng nagdaang gabi at sa ibang gabing nagdaan. She opened her legs for him because her body was screaming for her to do it.

Humugot siya ng isang malalim na hininga at naglakad pabalik sa silid ni Tyron na inuokupa niya habang dala-dala bowl ng chicken soup. Akmang papasok siya sa corridor patungo sa silid ni Tyron ng may mabangga siya.

She was about to lost her balance when the person she bumped into hold her wrist and help her steady. Nang tingnan niya kung sino iyon, napaawang ang labi niya sa guwapong lalaki na nasa harapan niya.

Isa ba ito sa mga kaibigan ni Tyron? Dumating na ang mga ito?

The man with uncanny pale charcoal eyes smiled at her. "Sorry about that." Hingi nito ng tawad sa soup niya na halos wala ng laman kasi natapon nang magkabanggan sila.

Hindi siya sumagot. Napatitig lang siya sa bowl na hawak niya. "Wala na akong agahan," wika niya sa sarili.

Bahagyang tumawa ang lalaki at kinuha ang bowl na hawak niya. "Come on, babayaran ko ang agahan na natapon dahil sa'kin."

Kunot ang nuong tumingin siya sa lalaki. "Paano mo naman babayaran at sino ka ba?"

"Train Wolkzbin, at your service miss." The man slightly bowed his head like a gentleman.

Lihim siyang napangiti sa ginawa nito. Aside from his chivalrous attitude, he looked like a handsome young prince with his neatly brush hair, pale charcoal eyes and aristocratic jaw line. Hindi na siya magtataka kung marami na itong pinaiyak na babae. With that handsome face, she was sure he didn't have any trouble bedding any woman.

"Ahm, I'm Raine Lynn Dizon." Tipid siyang ngumiti. "Are you one of ... Tyron's friend?" Hindi niya nakilala kahat ng kaibigan ni Tyron. Only Iuhence and Ymar.

"Oo." He smiled dazzlingly at her. "Come on, punta tayo sa kusina. I'll cook you something to replace your chicken soup."

Nauna na itong naglakad sa kanya. Sumunod naman siya rito dahil wala siyang choice. Nagugutom talaga siya.

Nang makapasok sila sa kusina, mabilis ang mga galaw ni Train habang nagluluto. Mukhang eksperto ito sa larangan ng pagluluto base sa mga galaw nito. Siya naman ay naka-upo lang sa silya na katabi ng island counter at nakatingin dito.

"Chef ka ba?" Hindi mapigilang tanong niya.

Train glance at her direction. "By profession, yes. But I am a business man by choice."

Bigla siyang na curious. "You must love cooking para iyon ang kunin mong kurso, pero business ang pinili mo. Why's that?" Raine knew she was prying but she couldn't help it.

POSSESSIVE 1: Tyron ZapantaOnde as histórias ganham vida. Descobre agora