Hangang sa pagdating sa kwarto ay iniisip ko pa rin sa kung ano ba dapat ang iregalo ko sa kanya. Hangang sa gumawi ang tingin ko sa isang babasaging garapon na malaki sa taas ng cabinet dito sa kwarto kung saan ako natutulog.

Agad na pumasok sa isipan ko ang dapat ko na gawin.

Nilapag ko ang sobrang daming colored notes, halos puro kulay asul ito at may dalawa na kulay pula. Naisipan ko lang gumawa ng letra para sa kanya na pwede niyang buksan araw-araw hangang sa umabot siya sa dulo.

Isang pulang papel sa pinakataas na parte at isa pa ulit sa dulo.

Naisipan ko lang na gawing mahalaga yung isusulat ko sa dalawang pula na papel, nang masulat ko sa unang pulang papel ang nais kong sabihin sa kanya ay hindi ko napigilan na ngumiti at isipin ang kanyang reaksyon pag nabasa niya 'to.

"Ikaw ang naging tahanan ko, Primo."

Naisip ko lang na yon ang sabihin sa kanya, dahil sa tuwing naririnig ko ang kantang Tahanan ay palaging siya ang naiisip ko. Dahil pakiramdam ko sa kanya ko nagagawa yung mga bagay na hindi ko magawa sa harap ng ibang tao, pakiramdam ko sa kanya ako malaya at kumportable lagi.

Yung parang isang katangian mo na tanging sa isang tao mo lang naipapakita, kay Primo.

Hindi ako makatulog, madami naman na akong nasulat na mga letra para kay Primo ngunit hindi pa rin sapat yung mga yon. Ewan ko ba sobrang dami kong pwedeng magagandang masabi kay Primo.

Naisipan ko na lumabas na muna ng kwarto upang magpahangin manlang sa labas, natigil na lamang ako sa paglalakad nang makita ko si Primo na umiinom mag-isa.

"Primo?" Umangat ang tingin niya sa akin at kita ko ang pagpungay ng kanyang mata. "Bakit ka umiinom?"

"Nothing, I just miss the taste of alcohol." Kumunot ang noo ko nang umiwas siya sa pagtingin sa akin.

"May problema ka ata eh." Umiling siya at hindi manlang tumitingin sa akin. "Sige nga, tingen ka nga sa akin tapos sabihin mo wala kang problema."

"Tss, I told you, wala nga." Tumayo siya sa kanyang kina-uupuan at muling kumuha ng mga yelo at nilagay sa stainless niyang bucket.

Nilapag niya iyon sa island bar.

"Eh bakit hindi ka makatingin sa akin? Tell me your problems, Primo baka matulungan kita kesa kinikimkim mo yan."

Tumingin nga siya sa akin ng seryoso at nakaramdam ako ng bahagyang gulat nang lumapit siya palapit sa akin, yung kamay niya ay nasa magkabilang gilid ko at naka pwesto sa ibabaw ng island bar, nakakulong ako ngayon sa kanyang dalawang bisig habang para akong naputulan ng dila. Magkatitigan kaming dalawa ngayon at pakiramdam ko ay sobrang init na ng buong mukha ko.

"I have no problems, Anya."

"Sige." Putol-putol ko ang pagsalita ko sa harap niya kahit isang salita lamang iyon.

Hindi pa rin siya umaalis sa pwesto kaya tensyonado ako ngayon sa kanyang harapan habang hindi ko maiwasang tumingin sa mapupungay niyang mata.

"This is fucking illegal, pinapahirapan mo ako." Lumayo siya sa akin at na-upo sa katapat ng upuan ko.

Hindi ko siya iniwan, hindi kami nag-uusap ngunit patuloy lang ang pag-inom niya. Ano ba kasi talagang problema ng lalake na 'to?

"You're so damn beautiful."

Na-iling na lamang ako sa kanya habang tinuturo niya ang alak na hawak niya habang nakatapat ito sa akin. Lasing na ba siya?

"Sinong hindi ka magugustuhan kung ganyan ka?" Natatawa na lamang ako dahil kinaka-usap niya talaga ang alak, hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil nakatapat sa akin ang alak.

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon