Last Chapter

30.9K 681 73
                                    

Chapter 25

Miguel's POV

"Buti dumating ka Warren." bungad ni Kuya sa akin nang hinagis ko sa kanya ang jacket ko. Umiling na lamang ako at sumalampak sa may malambot na sofa ng hotel. Mahaba ang oras ng biyahe simula Batangas hanggang sentro ng Baguio City kaya halos bumagsak na ang mga talukap ng mga mata ko nang makarating ako rito sa tinutuluyan ng kapatid ko. Humalakhak ang kapatid ko at inabutan niya ako ng isang baso ng mamahaling brandy, atubili ko iyong tinanggap upang lagyan ng init ang nilalamig ko ng sistema. Matagal na rin noong huli akong nagpunta rito sa Baguio. I hate going in here. It's cold, wet and horrible. It prevents you from going places and doing things. Hindi ko alam kay Kuya at kay Papa kung bakit mas pinili nila ang manirahan dito.

Kriminal ang ama ko ngunit hindi iyon naging hadlang upang maging mabuti siyang magulang sa aming magkapatid. Nariyan rin ang kapatid kong babae na si Sydney na siyang sumuporta sa amin ng kapatid ko ng wala pa si Papa. Dahil sa karanasan niya ay naging mabuti akong tao, marangal at may pinag-aralan. Agad na sumuyod ang init ng alak sa aking lalamunan kaya naman tuluyan ko na ring ini-relax ang katawan ko sa malambot na sofa. Hindi ako madalas na magtungo rito ngunit napagpasyahan ni Ashton na bumisita ako rito at subukang magtrabaho sa isang pampublikong hospital rito sa may Baguio. Mas nanaisin ko pang tumira sa Malabrigo kung saan marami na akong kaibigan at kakilala.

Habang tahimik akong sumisimsim ng alak ay pinanood ko lang ang kapatid kong sinusuyod ng tingin ang isang larawan na may ngisi sa bibig. Walang trabaho si Ashton ngunit lahat ng bisyo ay mayroon ito. Tangina, hindi ko alam kung bakit sinusunod ko ang kapritso niya gayong inabandona na nga nito ang sariling anak.

"'Tol! Tignan mo ang babaeng ito. Yvette Anne Villena. Ganda at sexy 'no?! I met her once." inagaw ko ang larawang hawak ni Ashton. Maganda nga iyong babae sa larawan, may kausap itong lalaki habang kumakain sa isang restaurant. Siya iyong tipo ng babae na intimidating, iyong mga mata niya ay parang nanghuhusga na. I smiled at the thought. She's pretty though.

"Kung papatayin man siya ni Papa ay akin muna siya." nanigas ang panga ko sa huling sinabi ni Ashton at kunot-noo ko siyang pinagmasdan. Madalas sila ni Papa ang magkasama dahil matagal na akong bumukod sa kanila. Wala akong alam sa kung ano ang plano nila, at sino ang babaeng ito upang pagtangkaan nilang patayin? Damn it! I am clueless. Talagang paninindigan ni Papa ang pagiging kriminal, hindi pa yata sapat sa kanya ang halos ilang dekadang pagkakakulong at ngayon nga'y idadamay pa ata ang anak niya.

"Anong papatayin?! Are you on drugs?" sigaw ko sa kapatid ko. Salot sa lipunan. Wala na ngang kontribusyon sa bansa ay gagawa pa ng krimen. This is fucking insane. Pinapunta ba nila ako para idamay pa sa kalokohan nilang dalawa? Mana si Ashton kay Papa. Padalos-dalos at hangal, sila iyong tipo ng tao na hindi maaaring maisahan o matalo.

"Siya ang anak ni Yvo Villena, ang lalaking nagpakulong kay Papa. Ang dahilan kung bakit tayo tumira sa lansangan! We need to get even! I'm going to get his daughter, hindi ko naman siya sasaktan, paliligayahin ko pa nga siya! Well, bahala na si Papa kung nais niyang patayin ang babaeng 'yon. Kung gusto mo ng kontribusyon ay maaaring ikaw na. I know that you can kill that woman without feeling any pain." this is fucking shit. Napatawa ako ng sarkastiko at inisang lagok ang hawak kong brandy. Anong lason na naman ba ang inilagay ni Papa sa utak ng kapatid ko?

"We need to get even? Si Papa naman ang dahilan ng lahat ng ito. Ganid siy-----" bago ko pa man din matapos ang litanya ko ay isang malakas na suntok na ang humataw sa akin mula sa nakakatanda kong kapatid. Naalala ko kung paano lang ako nanood sa kawalangyaan ni Papa at ng kasabwat nitong si Patricia sa kay Elaine Ronquillo. Ang alam ko lang ay parang aso si Patricia na susundin ang lahat ng kagustuhan ng aking ama. Kung uulitin lamang niya ang nakaraan sana pala ay hindi na siya nakalaya. He doesn't deserve it. Nalasahan ko ang dugo sa labi ko at tumayo.

The Virgin's First Night 8: Had No MercyWhere stories live. Discover now