Chapter 21

43.1K 735 40
                                    

Chapter 21

 Ibinaba ko ang sunglasses ko dahil sa nakakasilaw na sikat ng araw kasabay pa niyon ang kagwapuhan ni Miguel na nakasandal sa may hamba ng pinto at mukhang nasa malalim na pag-iisip. Saglit akong tumigil sa paglalakad upang namnamin ang bawat detalye ng mukha niya, hindi ko iyon madalas magawa dahil titig pa lamang ni Miguel ay naghaharumentado na ang puso ko. For some reason I was intimidated by him, that's never happened before. May kung ano sa presensiya niya ang nakakakaba, isn't his eyes? Sa tuwing tinitignan niya ako ay para bang tumatagos iyon sa aking kaluluwa, pakiramdam ko ay nababasa niya ang mga naiisip ko.

 Kilala ako na walang inaatrasan kahit sino pa ang makabangga ko ngunit simula ng dumating sa buhay ko si Miguel ay lagi na lamang akong natatameme. Hindi ako makahirit ng mga kaartehan ko. Kung may kapahamakan man sa buhay ko ay si Miguel ang magiging ligtasan ko. Huminga muna ako ng malalim bago lumapit kay Miguel na nakamasid lamang sa tiled floor at nakapamulsa. Gosh! Why you've got to be so handsome and cool? Kinagat ko ang labi ko at saka siya kinalbit sa may braso.

 Sa bawat sakit na naramdaman ko sa nagdaang buwan ay isang yakap lang niya ay nawawala na. Iyong maiinit pa lamang niyang yakap ay comfort na sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit at sinamyo ang basa ko pang buhok dahil sa kakagaling ko lang sa may shower.

"Let's go?" ang kanina'y seryosong mukha ay ngayon ay nahalinhan na ng isang masuyo at matamis na ngiti. Ano kaya ang iniisip niya kanina at para bang nalulunod na siya sa lalim no'n dahil napansin kong bahagya siyang nagulat sa presensya ko.

"What are you thinking?" I asked but he just ignored my question.

"Sabihin mo naman sa akin kung ano yang iniisip mo? Is it about my safety?" nagbuntong hininga muna siya bago sumagot, pinag-iisipan pa yata kung dapat ba niyang sagutin ang tanong ko o hindi. Nagdadalawang isip na ba siya tungkol sa aming dalawa? Dahil ba sa kargong dadalhin niya? Dati wala akong pakialam kung iwan man ako ng mga taong pinahalagahan ko ngunit iba kay Miguel. Kung iiwan niya ako ay hindi ko na alam kung paano na ako. My life was a total struggle and mess!

"I will protect you Yvette sa kahit anong makakasakit sayo. Kahit sa sarili ko ay poprotektahan kita." he said with a serious tone. What? At bakit naman niya kailangan akong protektahan sa sarili niya? Iyon ang huling bagay na maiisip ko 'no. Sa kanya na ngayon nakadepende ang buhay ko, iwan niya ako ngayo at tuluyan ng guguho ang pader na siyang dahilan na lamang kung bakit pa ako nakasandal.

"That's impossible Miguel. You will never hurt me. At kung ganoon man siyempre parte iyon ng isang relasyon. Ano bang kadramahan iyan? Diba dapat ako 'tong pinapasaya mo kasi depressed ako?" taas kilay kong tanong sa kanya. Sa iyo na nga lang ako kumukuha ng lakas ganyan ka pa. Fuck, ikaw kaya ang mamatayan ng anak. Pilit akong ngumiti upang kalimutan ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata. Ilang linggo o buwan pa ba ang gugugulin ko sa pag-iyak maibsan lang itong sakit?

 He cupped my face and looked at them with full of sympathy and love. Iniiwas ko ang akong paningin sa kanya ngunit pilit niyang pinagtama ang mga mata namin. He kissed my forehead down to the tip of my nose until it reached my lips. He planted sweet and soft kisses on my lips. Nakadilat lamang ako habang pinapanood siyang hinahalikan ang mukha ko. Ang bawat halik niya ay marahan to the point na mas lalo akong nananabik, I am not a glass ngunit kung halikan ako ni Miguel ay para bang mababasag ako.

Bakit ganito niya ako halikan?

"What I have done Yvette? Natatakot ako sa kaya kong gawin dahil sa pagmamahal ko sa iyo. I can spend my whole life stuck in hell just for you." umiling ako sa kanya at ngumisi.

The Virgin's First Night 8: Had No MercyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon