Chapter 16

40.6K 779 92
                                    

Chapter 16

Miguel's POV

"Ikaw ba siya! Ikaw ba siya?!!" hagulgol ni Yvette habang niyuyugyog niya ang braso ko. Para lang akong tuod na nakatayo habang sinusuri ang mga pangyayari. Sa huli ay hinawakan ko siya sa magkabilang braso at niyugyog. Posible kayang nagkakaroon siya ng PTSD symptoms? Mabilis at marahas pa rin ang paghinga ni Yvette hanggang sa mapaupo na siya sa may sahig.

Fuck!! Pumikit ako ng mariin para hindi makita kung gaano siya kamiserable. I can't look at her directly! I'm guilty. I tried to calm down my nerves. Tangina! Nasasamid na ako dahil sa sobrang poot ko sa sarili ko at sa awa sa babaeng mahal ko. What have I done to you Yvette? Siguradong sa impyerno na talaga ang punta ko nito dahil sa patong-patong kong kasalanan sayo. I'm so sorry but I have no choice! Wala silang ibinigay na pamimilian sa akin! They will kill you at hindi ako mamamatay tao.

Lumuhod ako sa may harap niya at hinawakan ang maliit at hugis puso niyang mukha. Kahit na umiiyak at wala sa sarili ay maganda pa rin siya. Namumula ang kanyang ilong ganoon na rin ang kanyang mga labi na nanghahalina pa para halikan ko. Sa tingin niya ba'y hindi rin ako nahihirapan kada hahawakan at hahalikan ko siya? Bumabalik sa akin ang lahat kapag naiisip ko 'yon! Pikit-mata ko nalang siyang hinahalikan at hinahaplos.

"I assure you panaginip lang lahat ng 'yon. Hanggang nandito ako walang makakapanakit sayo Yvette. I'll protect you no matter what." I love you and I care for you, handa akong mamatay maprotektahan ka lang. Handa akong talikuran ang pamilya ko mailigtas lang ang buhay mo. Handa akong harapin ang lahat sa ikapapatawad mo lang.

"I was raped. I was....raped" ang ikalawang salita ay halos hangin na lamang na lumabas sa kanyang bibig habang ako ay parang sinasakal at nilalatigo ng sarili kong kaalaman sa kung anong tunay na nangyari. Hanggang sorry nalang ba ang kaya kong ibigay sayo Yvette? Please forgive me for what I have done.

"Kasalanan ko lahat ng nangyari. Naglasing ako non at naging careless kaya sinapit ko ang bagay na 'yon. Ako ang dapat sisihin dahil mukha naman akong sex material that night." bago pa madugtungan ni Yvette ang kanyang mga sasabihin ay pinigil ko na siya at umiling ako.

"Lahat naman ng biktima ng rape ay sarili nila ang sinisisi nila. It is not your fault Yvette. Kahit anong sisi pa ang gawin mo pwersahan ka pa ring inangkin. I'm so sorry." wala siyang isinagot sa akin kundi ang kanyang mga hikbing tumatarak din sa puso ko. Damn! Putangina ko! I sigh in frustration. I need to release my anger or else I might kill my own father! Siya naman ang pasimuno ng lahat ng ito! Damay damay lang!

"Bakit ka ba sorry ng sorry?!!!" sigaw niya at padabog na umakyat sa kanyang silid. Mas lalo akong napapikit ng marinig ang palahaw ng iyak niya. Kasalanan ko kung bakit siya nagkakaganito. Tagusan pala ang sakit punyeta.

Naalala ko ang usapan namin noong nakaraang gabi ni Kuya. Matapos mamasyal kasama si Yvette ay tinungo ko ang bar na madalas tambayan ng kapatid ko at hindi nga ako nagkamali sa datnan ko. Hayun siya at sinusunog ang kanyang atay at baga sa alcohol at usok ng sigarilyo. Malapit kami dating magkapatid, hindi mo kami mapaghihiwalay at lahat ng sikreto niya'y alam ko nagbago lang ang lahat ng lumabas na si Papa sa kulungan. Pinakain niya ng kasamaan ang utak ng kapatid ko habang ako ay nagsumikap na malayo sa kinahinatnan ni Papa, mukhang kahit anong gawin kong pagpapakabuti kung masamang dugo naman ang nananalaytay sa akin ay balewala rin. Heto ako sangkot sa walang kapatawarang krimen.

Niloloko ko ang isang babaeng wala namang kasalanan. Alam kong may maiiwang mantsa sa lahat ng kasamaang 'to. Sinubukan kong tumakas pero tangina lang sa krimen din pala ang bagsak ko. Minsan nga naiisip ko masama na rin ako dahil ilang linggo na rin akong nakokonsensya ngunit heto ako parang walang nangyari. Araw-araw kong nakikita ang babaeng sinira namin ang buhay, ang babaeng mahal ko.

The Virgin's First Night 8: Had No MercyWhere stories live. Discover now